PROLOGUE

6.5K 156 7
                                    

DISCLAIMER!!

Ang istoryang ito ay gawa sa isang malawak na imahinasyon ng makatang si Jezzz C o kathang-isip lamang at inspirado ng sikat na nobelang Harry Potter na likha ni J.K Rowlings kung kaya't ano man ang pagkakahawig ng istoryang ito sa sikat na istoryang iyon at sa iba pang istorya ay hindi sinasadya. Bawal Judgemental!!




PROLOGUE:

Nasubukan mo na bang umibig sa isang kaaway mo? Yung tipong kalilimutan ang pagiging magkatunggali at paiiralin ang pagmamahal? 

-

-

-

-

Ang mundo'y punung-puno ng patibong. Kung patuloy ka na lamang magiging mahina ay mananatili ka na lang nakakulong.






Ang mundo ay isang malaking laro, kung hindi ka marunong lumaban ay talo ka. Minsan, kailangan mong lumaban hindi na para sa sarili mo kundi para sa kanya. 






Ang mundo ay punung-puno ng sakripisyo. Kahit ang kapangyarihan ay kailangang talikuran mailigtas lamang ang mahal mo. 






Ang mundo sa pamamagitan ng Pag-ibig ay walang pinipili. Iyong tipong kinakalimutan ang pagiging magkatunggali at pinapairal ang pag-ibig na bawal.






And last but not the least, Ang mundo ay punung-puno ng rules. Kung sumuway ka man minsa'y higit pa sa pait ang posibleng kapalit. 








Rule No.1

Gamitin ang kapangyarihan sa tamang paraan.


Rule No.2 

Huwag abusuhin ang kapangyarihan..


Rule No.3 

Iwasan ang inggitan at awayan sa pagitan ng magkakampi. 


Rule No.4 

Huwag makikipag-kaibigan sa kalaban. 


The last and worst rule, RULE No.5 

BAWAL UMIBIG SA KAAWAY


Ika nga, suwayin mo na lahat ng rules huwag lang ang Rule No.5. Dahil sobra pa sa sobra ang posibleng kapalit sa pagsuway nito. Sa aming mundo, ang pinaka-iniiwasan ay ang pag-ibig sa pagitan ng magkalaban. Dahil para sa ami'y isa itong kasuklam-suklam at kasalanang walang kapatawaran. Dahil oras na masuway mo ito, ang isa sa inyo'y pwedeng Maglaho at ang isa nama'y tuluyang maiiwan. 








Sa mundong ito, malaya kang isipin ang kahit na anong gusto mo. Lawakan ang imahinasyon mo't maging tapat sa totoo. Kahit ikaw pa ang pinakamakapangyarihan sa mundo hindi pa rin matutumbasan ng kapangyarihan ang Kasiyahan. Sa pagkakataong ito, pakinggan ang iyong puso't ipaglaban ang mahal mo. Iisa lang ang buhay kaya kung nasayo na, huwag mo nang pakawalan pa. Because Life is not a matter of CHANCE, it's a matter of CHOICE. Just let your heart speak.








One must Sacrifice and One should be Stay. 






Fasten your seatbelt and get ready for BREAKING RULE NO.5

Breaking Rule No.5 (ALL RIGHTS RESERVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon