CHAPTER 1: MISSION?

2.1K 34 2
                                    

Chapter 1:

RED ASHERY'S POV

"Pakawalan niyo ako rito!!" Sabay sigaw ko habang pilit na kinakalabog ang maliit na pintuan mula sa piksido't madilim na lugar na kinaroroonan ko.

Itinapat ko ang tainga ko sa mismong pintuan. Mahina ngunit naririnig ko pa rin ang boses ng nag-uusap sa labas nito.

"TUMIGIL KA! KAILANGAN MO NANG MAWALA AT WALA KA NG MAGAGAWA PA!" Narinig kong boses ng isang lalaki na galit na galit sa asta ng kaniyang tono.

"Hindi maaari. Hindi mo maaaring gawin sa'kin to. Kailangan kong tapusin ang misyon ko't kailangan ako ng anak ko. Pakiusap.." Nagmamakaawang boses ng babae. Si Inay!

Muli kong kinalabog ang pinto ng malakas at sumigaw-sigaw. Sinubukan kong wasakin ang pinto't sipain pero matibay ito kaya ako rin ang nasaktan. Hindi ko man sila nakikita pero nararamdaman ko. Bihag niya ang Inay ko. Hindi ko mapigilan ang emosyon ko kaya napahagulgol na lang ako sa iyak habang napaupo't napasandal sa may pintuan.

Ano ang nangyayari? Anong Misyon? At bakit kailangang mawala ang Nanay ko? Bakit kailangan niyang gawin sa amin ito? BAKIT??

Muli kong itinapat ang aking tainga sa may pinto.

"HUWAAAAAAAAG!" Narinig kong sigaw ni Inay kasabay non ang malakas na pagsabog na bumalot sa lugar na iyon.


Ang Nanay Kooo!!!


"NAAAAAYYYY!!"






"Red? RED!!" Bigla akong nagising sa gulat nang may nagaalog sa balikat ko.

"Windy?" Kinusot ko ang mga mata ko at napansin kong may luha mula rito. Dali-dali ko namang pinunasan iyon at umupo na sa aking higaan habang nasa gilid ko naman ang kaibigan kong si Windy.

Nakatingin lang siya sa akin ng diretso na halata mong nagulat "Binangungot ka Red." Sabi niya habang di pa rin umaalis sa pwesto niyang iyon.

Napayuko na lamang ako at bumuntong hininga. Hindi ko pa rin maalis sa isipan ko iyong masamang bangungot na 'yon. Hayst.

Hinimas niya ang likuran ko at saka ako niyakap. Naramdaman ko naman ang comfort sa kanya kaya napangiti na lang ako.

"Salamat, Windy. Ano tara na? Mag-ayos na tayo't baka mahuli pa tayo sa klase." Sabi ko sa kanya

Bigla naman siyang natauhan "Oo nga noh," Dali-dali naman siyang umayos at bumaba sa higaan ko "Sige, mauna na'ko maligo Red, ha?" Nagmamadali siyang naglakad papuntang banyo. Agad ko naman siyang tinawag nang mapansin kong naiwan niya ang tuwalya niya.

"Saglit! Iyong tuwalya mo!" Sigaw ko sa kaniya at pilit na tinatago ang tawa ko.

Agad naman siyang lumabas ng banyo para kunin ang tuwalya niya't dali-dali ring naglakad pabalik sa banyo. Haha ang weird niya talaga.

She is Windy Shanair. Kababata ko siya at matagal-tagal na rin ang aming pinagsamahan. 9 years old ako nang mahiwalay sa kaniya dahil sa kinailangan nilang lumipat ng tirahan. At matapos ang ilang taon, nagkita muli kami dito sa school na ito kung saan ako bagong lumipat. (Xenzor Academy) Ang eskuwelahan na libre na rin pati ang tirahan. Kaniya-kaniyang Ability ang mayroon ang bawat isa sa amin. Ang sa kaniya ay The Ability of Wind. Kaya niyang pahangin ang paligid ng sobrang lakas, higit pa sa maximum rate nito. Matalino, Mabait rin siya at Maganda. Weirdo nga lang haha. Pero I'm still lucky because I have a very supportive and conservative Bestfriend like her.

Breaking Rule No.5 (ALL RIGHTS RESERVED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon