ZONE 10 - Death will hunt you down, you can't run away from the PATTERN?

Magsimula sa umpisa
                                    

.

May time para tumakbo at maghanap ng safe spot bago mag start ang game. May mga bagay talaga na dumadating ng hindi mo inaasahan, kasi out of nowhere may biglang pumalo sa bandang likuran ko and the next thing I know is everything turned black.

.

Nang muli kong imulat ang aking mga mata... Wala na ako sa mini forest na pinagtrainingan namen at nasa isang madilim na ewan ko kung warehouse ba to o ano. Nakagapos sa isang upuan ang kamay at paa ng sobrang higpit. Hindi ko alam kung sino ang dumukot sa akin o kung ano ang gusto nila saken. Isang grupo lang ang nasa isip ko na nasa likod ng lahat ng to at yun ay ang White Dragon.

.

Pinilit ko na maging matapang at ikalma ang sarili, wala naman kasing maitutulong saken kung magpapanic at iiyak ako. May nagbukas ng pinto at isang lalaking ngayon ko lang nakita ang lumabas...

"Kamusta na Mr. Fernandez?" nakangisi niyang tanong.

.

"Si-sino ka? Ano ang kailangan mo saken?" utal kong tanong

.

"Baket naman ako magpapakilala sayo? di pag nakatakas ka dito isusumbong mo ko sa mga pulis." natatawang sagot niya, sabagay tama naman siya.

.

"Ano ba kasi ang kailangan niyo saken? Baket niyo ba ginagawa to?"

.

"Simple lang, kailangan namen na mawala na kayo sa landas namen at makamkam ang yaman ng pamilya niyo." nanlilisik ang kanyang mata habang sinasabi yun.

.

Matapos niya magsalita ay may muling pumasok na dalawang lalaki na may hawak na babae na may piring sa maya. Sinipat ko itong maige at nakilala ko kung sino ito, siya si A2? Baket pa nila sinama si A2? Hindi naman siya miyembro ng pamilya namen ah?

.

"Baket niyo pa siya idinamay dito?" galet na tanong ko

.

"Gali ikaw ba yan?"

.

Hindi ko na muna sinagot ang tanong niya kasi gusto ko na malaman kung baket pa siya dinamay sa gulo ng pamilya namen.

.

"Sagutin niyo ako! Baket niyo pa siya sinali?"

.

"Dahil masyado siyang pakealamera, siya at ang pamilya niya! Dapat na rin siyang mawala sa landas namen, pag siya ang inuna namen hihina ang grupo nila. *Hahahahaha* kawawang mga Cold Bloods!" kulang na lang kulog at kidlat sa pagtawa niya.

.

Tinanggal nila ang piring sa mata niya at nakita ko ang pag aalala niya para saken.

.

"A2 ok ka lang ba? Hindi ka ba nila sinaktan?" umiling siya bilang tugon

.

"Ikaw ba Gali? ok ka lang ba wala ba silang ginawa na masama sayo?"

.

"Ok lang ako, wala naman silang ginawang masama saken." naputol ang pag uusap namen ng bigla muling buksan ang pinto. pagpasok nila kasama na nila si Kuya Rick, PJ, Ron, Drew, Henry at Dion, nakagapos ang kamay nila at may mga busal sa bibig.

.

Isa isa silang tinanggalan ng busal at.....

.

The Pay DayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon