ZONE 8 - Take it all away...too little too late?

116 11 4
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Nawalan nga malay si A2, gawa ng dumugo pala ng dumugo yung mga sugat niya kanina. Ilang oras na rin siyang walang malay, nakuwento na nga nila yung dahilan kung baket nila nagawa samen yung kanina.

.

Gusto lang pala nila makita kung mahal daw ba namen ang isa't isa, yakap daw kasi ako ni A2 ng mahigpit nung naabutan nila kameng parehong walang malay. Success naman daw sila kasi nakita daw nila kung paano kame mag alala para sa isa't isa na halos mag pupumiglas daw kame pareho makita lang ang bawat isa.

.

Kinuwento din nila yung ginawa ni A2 mapuntahan lang ako, infairness kinilig ako sa ginawa niya. Kwento ko pa ba? Ganito kasi yun, pagmulat na pagmulat pa lang daw ng mata nito ako na agad ang hinanap niya...

.

"Kuya asan na si Gali? Ok lang ba siya? Ligtas ba siya? Saan ang kwarto niya pwede ko ba siya makita?"

.

"Princess dead on arrival siya kanina, hindi na siya umabot sa ospital ng buhay." at nag paeffect na maluhaluha.

.

"Huh? Anong sabi mo kuya? Anong wala na siya? Anong nangyare? Ibig bang sabihin napuruhan siya sa pagkakabaril ni Matthew sa kanya kanina? Kuya sumagot ka!"

.

"Sa puso siya natamaan Princess dahilan para ikamatay niya, mamaya mo na lang siya puntahan mag pahinga ka na muna."

.

"Hindi pwede kuya! Pupuntahan ko siya! Gusto ko siyang makita! Napabayaan ko siya kaya siya namatay! Kuya please samahan mo ko, puntahan naten siya sa morgue." pero kahit umiiyak na daw si A2 hindi pumayag si kuya Ron na umalis ito.

.

Humagulgol daw ito at sinisi ang sarili sa pagkamatay ko daw. Halos pinilit niya makabangon kahit may sugat siya sa binti, kaliwang balikat at sa may braso. Nadapa pa nga daw ito dahil nanghihina pa, nung ibinalik siya ni kuya Ron sa kama niya nagsimula na daw itong magalet at magwala.

.

Nagpatawag na si Kuya Ron ng nurse para pakalmahin ang kapatid pero nung pagdating daw nung nurse hindi rin siya nainjectionan ng pangpakalma kasi nahablot at hinampas niya dun sa nurse yung tray na dala nito.

.

Kahit hirap na hirap daw ito sa paglalakad lumabas pa rin siya ng kwarto at hindi nagpapigil kay Kuya Ron. Kaya hinayaan na lang daw niya ito na makalabas, hindi na daw niya kasi maamin kay A2 na biro lang ang lahat kasi galet na galet na ito.

.

Sabi pa nila ito na daw ang pinakamahirap na ginawa nila kasi umiyak daw talaga sila. Wala daw pekeng luha dun. Naiyak daw sila sa tuwa at sa takot na malaman namen ang totoo at magsumbong kay kuya Yhan.

.

No wonder baket dumugo ng husto ang mga sugat niya, nagwala kasi siya ng bongga para lang saken. Grabe lang sila kuya Drew at Ron nagawa pa kameng pagtripan para lang malaman ang katotohan, di na nila inisip na sugatan kame at nakaconfine. -_____-

.

Pinagsama na lang nila kame ni A2 sa iisang kwarto, ito ang pinakamalaking kwarto sa ospital na to, may mini kitchen sala at may higaan para sa bisita at bantay. Hassle daw kasi kung dalawang kwarto ang babantayan nila, mainam na rin to baka kasi pagtripan nanaman nila kame mahirap na yun pa ikamatay namen.

The Pay DayWhere stories live. Discover now