ZONE 7 - Love is Waiting and Time is Wasting?

128 15 12
                                    

------------------------------------------------------------------------------------------------

.

Nung malapit na ako sa lugar na tinuro saken nung doktor, halos mawalan ako ng lakas nanlalambot ang tuhod ko at hindi ko malaman kung kaya ko ba siyang makita. Ang babae na nagbuwis ng buhay para saken, ang kaunaunahang babae na lumapit at nakipagkaibigan saken. Ngayon isa na lang siyang magandang alala ng buhay ko, alaalang hindi ko malilimutan kahit kelan.

.

Nung nasa harap na ako ng pinto, halos hindi makayanan ng kamay ko pihintin ang doorknob. Naupo na lang muna ako sa may bench malapit dito at nag ipon ng lakas at pilit na pinapahid ang aking mga luha. Pero kahit anung pahid ko patuloy pa rin ito sa pagpatak.

.

"Baket ikaw pa? Kung karma man ang naningil sayo baket ngayon pa? Hindi mo naman ginusto na mapunta sa ganyang klase ng pamilya kaya baket ka sisingilin? Masasamang tao at mga walang kwenta yung mga tinutugis niyo diba? Baket? Baket kailangan mo pa mamatay? Akala ko ba magaling ka? Baket isang bala lang tumba ka na agad? A2 baket ikaw pa? Kasalanan ko talaga to sorry bumalik ka na please, akala ko ikaw na ang babae na para saken pero baket wala ka ngayon?" yan ang mga sinasabi ko habang naiyak sa tabi, tama ang nabasa niyo nagkagusto na ako kay A2 mula pa nung araw na hindi siya pumasok ng dalawang araw. Bilis ba? Love at first sight ata yun? Ewan ko, basta alam ko mahal ko siya.

.

Tatayo na sana ako sa kinauupuan ko at babalik na lang sana sa kwarto ko ng may nakapukaw ng pansin ko...

.

*MATTHEW'S POV*

.

Pasingit ako guys ah? Gusto ko lang magspeech kasi naheartbroken ako ngayon araw na to, yung babae na mahal ko hindi ko malaman kung buhay pa ba o ano.

.

"Iharap niyo saken si Arthur! Pota siya hindi ko sinabi sa kanya na patamaan niya sa katawan! Iharap niyo saken yang hayop na yan! Pa! pakinggan niyo naman po ako! Hindi ko siya niligawan dahil ayaw niyo sa pamilya niya pero Pa! ayoko po na mamatay siya sa ganoong paraan! Kalagan niyo ko papatayin ko si Arthur!" palahaw ko habang nakaposas ang magkabilang kamay ko, yung parang nakapako sa krus ang posisyon ko.

.

"Manahimik ka na Matt! Hindi mo pwede saktan ang mga tauhan ko ng dahil lang sa babae na yun! Tama lang ang nangyare, nakakainis ang pakekealam ng pamilya niya sa grupo naten. Isa pa malaki ang kasalanan na nagawa niya sa pamilya naten. Tumahimik ka na diyan natutuleg na ako sa kakasigaw mo kanina ka pa!" galet na sabi ng walang puso kong tatay.

.

"Napakasama mo talaga! Hayop ka napakawalang puso mo! Kalagan mo ko dito para mapatay ko na si Arthur! Hayaan mo isusunod kita pagkatapos niya! Kaya pakawalan mo na ako dito!"

.

"Kahit anong gawen mong pagpapalahaw diyan hindi kita pakakawalan." walang emosyon na sabi niya.

.

Ok ka lang ba? Napuruhan ka ba? Hayaan mo pag nakawala ako dito papatayin ko yung hayop na nanakit sayo! Sorry kung pag nakakaharap kita tinuturing kitang kaaway ah? kailangan ko gawen yun para hindi ka papatay ng Papa, alam niya kasi na may pagtingin ako sayo.Hindi nga kita malapitan at hindi ko nga masabi sayo ang nararamdaman ko, kasi alam ko na magkaaway ang pamilya nateng dalawa at imposible na magkasundo sila.

.

Lord alam ko na masama akong tao, pero pwede ko po ba na hilingin sa inyo na ingatan niyo siya? Kahit siya na lang po kahit wag na ako. Mahal na mahal ko po siya saksi kayo kung paano ko siya ipaglaban sa pamilya ko, kaya please lang po wag niyo siya kunin saken. Kahit sa malayuan ko lang po siya tinitignan nakukontento na po ako, pero ang mawala po siya hindi ko kaya. Sana naman po kahit ang masama na taong tulad ko pakinggan niyo ang panalangin.

The Pay DayWhere stories live. Discover now