"Their guns scared you," that's more of a statement than a question.

Siguro ay masyadong halata na ang sagot sa kanyang mukha kaya bumakas ang pag-intindi sa anyo nito hindi pa man siya nagsasalita.

"I know I'm overreacting," suminghap siya. "Like what I said, nagulat lang ako. I don't see anyone in the hacienda carrying long rifles. Alam ko'ng kailangan iyon for self-defense and whatnot."

"There are guards in your hacienda but they're not heavily armed. Pero kahit sa maliit na probinsiyang ito ay talamak pa rin ang krimen tulad ng pagnanakaw o panlalason ng mga hayop. I'm just taking some precautions. There are clients who bring their prized horses here to train; I cannot just risk their safety."

"So...you also own a gun?" tanong niya muli out of curiosity.

Donny sighed in resignation. "I have a pistol in the bureau inside my bedroom."

She nodded slowly before turning her gaze back on the pasture. Kailangan niyang ipaalala sa sarili na iba na ngayon ang Donny na kaharap niya sa lalaking una niyang nakilala. He now owns this land and he also has a gun in his bedroom.

"Are you upset?" tanong nito pagkaraan.

"That you have a gun? No," halos matawa siya roon. "Nagulat lang talaga ako kanina...at siguro napa-praning na rin. What if they just randomly shot their guns when they heard my horse approaching?"

"Baby, you're just stressing yourself out on something that is not going to happen. I'm sure my uncle isn't that stupid," naaliw man o nahihibangan ito sa iniisip niya, hindi niya alam.

His uncle. Naalala na naman niya kung paano ito maka-tingin sa kanya kanina. Noon pa man ay hindi na niya maintindihan ang takot na dulot nito sa kanya. But maybe she's just being judgmental. Hindi naman siguro dahil mukhang malupit ang tiyuhin ni Donny ay gagawa na rin ito ng masama. Kanang kamay at kaibigang matalik pa ito ng kanyang ama.

Kung titignan ay marahas at malupit din ang imahe ni Donny. Especially, when his eyes were looking intensely and his lips were unsmiling. Madaling mai-intimidate ang kahit na sino sa tangkad at malaking bulto ng pangangatawan nito but for some reason she wasn't threatened with his presence. Hindi niya lubusang maipagtulad ang mag-tiyuhin.

"Okay," she shrugged her shoulders. Wala na rin namang puntong pagtalunan iyon. Gaya ng sabi ni Donny, wala namang nangyari.

"You're safe as long as I am here, Lily. And I'm sure by now my men know that you are important to me so they should also protect you. That is if they want to keep their jobs and don't wish to see me really angry." Hinapit siya nito upang mahalikan sa kanyang pisngi.

Matalim ang tinging pinukol niya kay Donny matapos siyang bitawan na nginisihan lamang nito. He's being too comfortable! At bakit wala rin siyang ginagawang hakbang upang pigilan ito tuwing...tuwing nilalambing siya?!

"D-Don't talk as if this is going to be a regular thing, Donato! Yes, I'm here to see you. Pero para lang malaman kung magkano ang utang ng hacienda namin sa'yo!" angil niya.

He licked his lower lip leisurely. Naiinis talaga siya tuwing ginagawa nito iyan dahil hindi niya mapigilang mapatitig sa buong labi nito na ngayon ay basa at mamula-mula lalo! Halata rin dito ang pinipigilang tawa kaya lalo lang siyang nainis.

"I thought you will forget..."

Halos magpanting ang tenga niya sa sinabi nito. "I thought we already agreed that I will pay you back!"

Ang mapaglaro nitong ngiti kanina ay nalusaw. Unti-unti ay mas nagseryoso ito ng anyo. At tuwing ganito na ang ekspresyon ni Donny ay hindi niya mapigilang makaramdam ng panliliit.

You're Still The One (A SharDon Fanfiction)Where stories live. Discover now