"Wala po, mommy," usal ko.

Ngunit naalala ko kaninang may babanggitin sanang pangalan si dad ngunit pinatigil ko siya.

"Mom, kilala mo ba siya?" tanong ko.

Umiling si mommy. "I'm not sure. But I think that was your dad's college friend. She might be your dad's ex-girlfriend bago kami nagkakilala at bago ako nabuntis sa'yo," aniya.

Natutupo ko ang aking bibig. Ngayon ko lang nalaman ang tungkol dito.

"You know, we were not ready when we had you, Elaine. Kaya naging mahirap ang buhay namin ng daddy mo. We got married with the help of my parents. Ang lolo at lola mo na namayapa na ang tumulong upang makasal kaming dalawa. Dahil nasa states ang mga magulang ko ay natulungan nila akong dalhin dito. Kaya nga mula noong bata ka ay dito na ako nagtrabaho. We need a job so we can feed you, anak," aniya.

Bumaba ang aking ulo. Hindi ako makatingin kay mommy.

"Bago ka ipanganak ay nagkikita pa rin ang daddy mo at ang dati niyang kasintahan. Even before we got married, they still see each other." Nanghina ang boses ni mommy. "Halos lumuhod na ako sa harap ng daddy mo para lang patigilin siya sa pakikipagkita sa babaeng iyon. It was when I almost had a miscarriage when he changed. Nang araw na iyon ay sinundan ko ang daddy mo sa madalas nilang tagpuan. Kamuntikan ka nang malaglag dahil sa sobrang stress at sakit na nararamdaman ko noon. Nakita niya ako at itinakbo sa ospital. That same day, nangako ang daddy mo na hihiwalayan na niya ang babae niya," pagkikwento niya.

Hindi ko maintindihan kung ano bang uunahin ko sa aking mga nararamdaman. Ang awa para kay mommy o ang galit ko kay daddy.

"I'm not telling this to you para mas magalit ka pa sa daddy mo. After I gave birth to you, I saw how he changed himself. Naramdaman ko ang lahat ng iyon, anak. I knew he loved me and he also loved you. Hanggang sa umalis ako patungong states."

Pinilit kong magsalita dahil may mga tanong ako. "Umulit ba siya, mom?"

Umiling si mommy. "I trusted your father, Elaine. Alam kong nasa iyo ang buo niyang atensyon noon dahil wala namang ibang tutulong sa kaniya na alagaan ka. He had some relatives to help him but they were too busy with their own family kaya sarili lang niya ang inasahan niya. At naniniwala ako nang sabihin niya sa akin kanina na ngayon na lang ulit sila nagkita noong babae niya."

Mabilis ang tibok ng puso ko dahil sa kabiguan. Ang daming kailangang isakripisyo ni mommy para sa amin. Lumayo siya sa amin upang makapagtrabaho. At ibang klaseng tiwala at binigay niya kay daddy kahit na alam niyang niloko na siya nito noon.

"I won't ask you to forgive your father, Elaine. Dahil alam kong nasaktan ka rin sa ginawa niya. Kahit ako ay nahihirapan siyang patawarin. But I want you to still respect him because he's still your father."

"Pero hindi ko po kaya, mommy," sabi kong tumutulo ang mga luha.

"Napag-usapan na namin ang lahat, Elaine. Ayokong madadamay ka pa rito." May lungkot sa kaniyang tono.

Hindi ko maintindihan iyon. Ang sabi niya kanina ay hindi niya kayang patawarin si daddy. Ngunit bakit para bang ipinagtatanggol niya ito sa akin ngayon?

"I wasn't thinking right when I told you to come here and leave your dad. Ngayon, gusto kong malaman ang sarili mong desisyon. I know you're happy with your life in the Philippines. I know that you want to live there more than anywhere else. Kaya gusto kong malaman kung itutuloy mo pa ba ang pag-uwi rito sa akin," tanong niya.

Natigilan ako. Why is she asking this? Kung ganoon ay mananatili lang ako kay daddy? Ano bang pinag-usapan nilang dalawa? Bakit hindi pwedeng uuwi na lang kaming dalawa kay mommy? Why is she asking me what I want?

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon