Lira's P.O.V.
"Mahal na mga Reyna at Hari, wala ba kayong balak na magkaroon nang supling at ito'y maging inyong tagapag mana" tanong nang aming Dakilang Reyna sa amin.
"Para saan pa Inang? Imortal kami. Ba't pa kami magbibigay buhay sa mga paslit na maaring umagaw sa aming trono" sagot ni Yllono sa aming Dakilang Reyna.
Si Yllono ang Hari ng Yelo.
"Tama ang tinuran ni Tero Yllono Inang."pag sang ayon ni Landio, ang Hari ng Lupa
Hindi naman nagsalita si Hassio ang Hari ng Hangin, si Topaz ang Hari ng Tubig at si Aera ang bunso sa aming magkakapatid, ang Reyna nang Apoy.
"Ikaw Hassio, sang ayon ka ba sa tinuran nang iyong mga Tero?" Tanong ni Dakilang Reyna
"Ang iniisip ko lang Inang, paano kung hindi kayanin nang bata? Paano kung mabuhay siyang nahihirapan?" Sagot ni Hassio.
"Ikaw Lira, ikaw ang panganay dito, sumasangayon ka ba sa kanila?" Tanong ni Dakilang Reyna sa akin.
Tiningnan ko ang aking mga kapatid at tila ba sinasabi nilang sa kanila ako pumanig.
Wala akong magawa kung hindi ang pumanig sa kanila. Ako ang kanilang Tasi, kailangan ko silang protektahan.
Tumango na lang ako bilang tugon.
Bigla namang tumayo ang Dakilang Reyna sa kanyang upuan at ibinagsak ang kanyang kamay sa mesa.
"Masyado kayong sakim! Lahat kayo! Bilang parusa, ako ang magtatakda nang mga taong magiging prinsesa nang kahariang ito! At dahil sa kasakiman niyo, si Aera na inyong minamahal na bunsong kapatid ay magkakaroon nang supling na magiging tao rin!" Sigaw ni Dakilang Reyna.
Biglang nasuka si Aera at lumabas ang isang buto kulay pula, unti-unti itong lumaki at napisa at naging isang sanggol, agad itong naglaho dahil sa kautusan nang Dakilang Reyna.
Nanghina si Aera at kumalampag sa sahig, bigla namang nagkaroon nang malamig na hangin at kagagawan iyon ni Hassio at Yllono.
"Matapang na kayo't lalabanan niyo na ako?!" Sigaw ni Dakilang Reyna.
"Maghunos dili nga kayo! Ina pa rin natin siya! Topaz dalhin mo na si Aera sa kanyang silid at makapagpahinga" utos ko kay Topaz agad namang nagsisunuran ang aking mga kapatid.
"Masyado akong naging maluwag sa pagpapalaki sa inyo." Wika ni Dakilang Reyna.
"Pwede namang kami na lang ang parusahan niyo Inang, ba't si Aera pa? Masyado siyang masasaktan kapag masasaktan ang batang iyon!" Sigaw ko sa kanya
"Sa tingin niyo ba hindi kayo masasktan pag nasaktan yung mga taong iyon? Dumadaloy sa kanila ang kapangyarihan niyo Lira! Ngunit si Aera ang pinaka masasaktan. Dahil yan sa inyong kagagawan" sagot niy sa akin
Agad ko siyang tinalikuran at ako'y nagtungo sa silid ni Aera.
"Aera?" Tawag ko sa kanya, nakapalibot ang mga Tero ni Aera na nagbabantay sa kanya.
Dalawampung taon pa lang si Aera dito. Ako ay mag iisang daang taon na, ngunit di ako tumatanda dahil kami ay mga diwata.
"Tasi Lira?" Tanong niya sa akin.
"Aera, patawarin mo si Tasi at nangyari sa iyo ito. Dahil sa kasakiman namin ay napahamak ka" paghingi ko nang tawad sa kanya. Tiningnan niya naman ako at ngumiti.
"Tasi, huwag mo ng isipin ang bagay na iyon. Ginawa mo lang ang dapat mong gawin" Sagot niya sa akin.
Agad ko siyang niyapos at sinabing "Ako ang tatapos sa gulong ito Aera. Huwag kang mag-alala"
VOUS LISEZ
Magicis Coetus
FantasyI was born normal. I haven't encountered any supernatural phenomena when I was growing up. But my world turned upside down. A lot of people noticed my drastic change. My parents, friends and even me myself completely forgot what it felt to be a norm...
