Chapter 25

25 2 0
                                    

Another Lost for Him

Hindi mapakali si Ryus. Kanina pa sya pabalik balik sa paglakad. Kanina pa din sya nasa tagpuan. Hindi nya alam kung paano sisimulan ang lahat kay Hunter. Hindi nya alam kung ano ang magiging reaksyon nito. Hinihiling ni Ryus na sana ay pakinggan sya nito at patawarin.

Si Lirius din ay hindi mapakali dahil sa kaligtasan ng kapatid. Kung pinilit nya sanang magpahinga lang ito sa bahay ay baka hindi na ito magkakatotoo. Isang oras na lang kasi ay susunduin na sya ng anghel para pumunta sa langit.

"Lirius, sa tingin mo. Mapapatawad nya kaya ako?"

Tinignan sya ni Lirius at tumango. "Oo nman. Ipaunawa mo sa kanya lahat. At naniniwala ako na mahal ka na din nya. Mapapatawad kanya."

Ngumiti naman si Ryus.

Nagsalita ulit si Lirius. "Jasmine. Kumalma ka lang please. Wag kang masyadong magpastress ha. Makakasama sa puso mo yan di ba?"

Tumango si Ryus. "Alam ko. Lirius. Salamat sa paalala."

Maya-maya lang ay may huminto na kotse sa may tabi ng kalsada. Napatingin doon si Ryus at alam nya na kung sino ang nagmamay ari non. Huminga sya ng malalim. Kinakabahan sya. At ang nararamdaman nya ngayon ay hindi makakabuti sa puso nya.

Lumabas si Hunter mula sa sasakyan. Walang ibang makikitang emosyon sa kanyang mukha kung hindi galit at poot. Madilim ang aura nito habang papalapit kay Ryus.

Napansin ito ng magkapatid ngunit pinilit ni Ryus na ngumiti kahit nagtataka sya kung bakit ganun ang lalaki. Si Lirius naman ay may nararamdamang hindi maganda.

Habang palalapit si Hunter ay mas lalong makikita ang galit sa mukha nito. Nakayukom din ang kamao nya. Isang senyales na galit nga sya.

Nang nakalapit sya ay lumapit sa kanya si Ryus. "Hunter. Buti naman at nakara-" Hindi na natapos ni Ryus ang pagsasalita ng sinampal sya ni Hunter ng sobrang lakas. Nagulat ang magkapatid.

"Hunter! Bakit mo yun ginawa?!" Galit na sigaw ni Lirius.

Si Ryus ay napahawak sa kanyang pisngi. Sobrang sakit nun at pakiramdam nya ay bumakat sa kanya ang sampal ng lalaki. May tumulong isang luha mula sa kanyang mata sa sobrang sakit. Nagtataka syang tumingin kay Hunter.

"H-hunter. B-bakit mo yun ginawa?"

Ngumisi si Hunter. Ngising may halong poot. "Wow. Nagulat ka ba? Eh put@ngin@! Mas nagulat ako sa ginawa mo. Ginago mo ako!"

Nagtaka si Ryus sa sinabi ni Hunter. Nakaramdam sya ng kaba at takot sa.mga nanlilisik na mata nito.

"A-ano ba yang sinasabi mo?!"

"Bilib din ako sayo eh. All this time. How can you act like you did nothing? How can you act like an angel infront of me like you have no sins?"

Lumapit sa kanya si Ryus at hinawakan sa kamay nito. "Hindi kita maintindihan Hunter? Ano ba yung ibig mong sabihin?"

Tinabig ni Hunter ng marahas ang kamay nya. "Do you really want to know?"

Dahan dahang tumango si Ryus.

"In case you didn't know. Ikaw lang naman ang nakabangga sa asawa ko at tumakas na lang basta basta. I can't believe it. You killed your sister!"

Nanlaki ang mata ng magkapatid sa gulat sa mga sinabi ni Hunter.

"P-paano mo nalaman?!"

Tumawa si Hunter. Tawang mababakasan mo ng galit. "Woah! So balak mo pa talaga sa aking itago ang lahat. Shit! You are peace of sinful dumbass!"

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon