Chapter 6

31 2 0
                                    

Her chance

Lirius' POV

Iminulat ko ang aking mata. Wala akong ibang makita kundi isang kwarto na kulay puti. Anong nangyari? Anong ginagawa ko dito?

Inilibot ko ang aking paningin at nakakita ako ng nga doctor. At nakita ko din si Hunter na nagaalala habang nakatitig sa akin. Teka? Bakit malungkot sya? Ay oo nga pala, magkagalit nga pala kami. Bahala sya di ko sya papansinin.

"Time of Death, 5:45 pm."

Biglang sabi ng doctor sa gilid ko. Anu daw? Time of death? Sino ba ung namatay? May namatay?

Teka bakit parang wala akong nararamdaman? Ano ba nangyayari?

Lumingon ako kay Hunter na ngayon ay parang hindi makapaniwala sa narinig.

"Hunter, anong nangyayari?" And this time umupo na ako mula sa pagkakahiga ko.

Pero parang wala syang narinig dahil nakatulala pa rin sya. Parang hindi nya ako pinapansin, ano to? Galit din sya sa akin? Ah ganun pala ah.

"W-who d-died?" Bigla nyang tinanong. Siguro gaya ko ay hindi din nya alam kung sino ung tinutukoy ng doktor.

Ngunit hindi nya inaalis ang titig nya sa may bandang likuran ko. Parang tinitignan nya ung unan.

Napatingin na rin ako sa likod ko at napabangon ako sa pagkakaupo na makita kung ano ang nasa higaan.

Ako? Ako nakahiga sa kama? Teka may kambal ba ako? Sino yan?

Kamukhang kamukha ko? At parehas kami ng damit. Yun nga lang may dugo ung sa kanya ung akin naman....

Wait? May dugo din tong suot ko.? Oh no! What is happening?

"I'm sorry! But the patient did not make it. Her heart is weak and due to the accident she has involved. She had a hard time in surviving."

Teka anu daw? Wife? Wait don't tell me?

"Hunter, ano tong kalokohan ah? Tinatakot mo ako eh!" Sigaw ko sa kanya ngunit parang hindi nya ako narinig..

"T-tell me. M-my wife is still breathing right? She was not the one your talking about right? Who just died??"
Tanong ni Hunter.

Ayokong magjump into conclusion pero may pumapasok na sa utak ko. Ano ba kasing nangyayari? Ang natatandaan ko lang naman ay tumatakas ako kay Hunter tapos bigla akong tumilapon kasi .. teka? Nabangga ba ako.?

"Sorry, Sir. Your wife didn't make it."

At doon ay nakita kong tumakbo si Hunter na umiiyak papalapit sa nakahandusay na kamukha ko sa kama. Hindi nya ako nakikita.

Unti-unti ko nang naiintindihan ang mga nangyayari. Pero ayokong tanggapin. Bakit nangyayari to? Bakit?

"M-my wife. J-jayne. Y-you won't gonna leave me right? You are just sleeping right. Come on, baby, wake up..."
Wika nya.

"H-hunter, andito ako. Sa likod mo. Hindi kita iiwan. P-pansinin mo na ako. Please. I -i dont want to die yet."

"Im sorry of what you just heard earlier. But Lirius Jayne I will tell you. I really do love you. I really really do. Let me explain my side to you. Hear me please. Wake up there. Please, jane. Please."

"Papakinggan pa kita Hunter. Huwag kang magaalala. Mahal din kita!"

Gusto kong umiyak ngunit hindi ko magawa. Hinawakan ko ang kanyang balikat ngunit hindi ko yun nagawa. Parang kinumpirma nito ang mga naiisip ko. Ayoko pang iwanan si Hunter.

Ang Abnormal at Paranormal na Love Story - The Ghost MatchmakerTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon