"How dare you!"

Too late. Tumunog sa kwartong iyon ang napakalakas na tunog na para bang may sinampal. Otomatikong kumulo ang dugo ni Harold pero narinig nila ang tawa ni Rose.

"Humanda ka, kapag ako nakawala dito, ibabalik ko yung sampal sa'yo with matching dos por dos. Ayaw mo nun? Tipid ka sa cheek tint." Naramdaman nila ang paghila sa kanila kaya wala silang nagawa kundi sumunod at maglakad. Napatawa nalang ng mapakla si Rose nang marinig niya ang gigil na sigaw ni Raven sa kanilang likuran.

"Pasalamat ka hindi pa nagsisimula ang tunay na paghihirap sa inyo. What you received a while is just an appetizer."

"Scare me not, gaganti pa rin ako and with full course. So special for you."

"Tignan natin kung saan pa yang tapang mo mamaya."

Puno ng bangayan ang hallway at wala manlang umawat sa kanila. Siguro malalim lang ang iniisip nila lalo na si Gemma na kanina pa tahimik habang kanina pa naglalaro sa kanyang isipan ang mga imahe na nakita niya noong nakita niya si Logan na palapit sa kanila. Hindi rin niya maintindihan kung bakit tinawag siyang Nicca ni Luc nang mahimatay siya.

Pero isa lang ang nasisiguro niya, nasa katauhan siya ng batang tinatawag na Nicca. Bawat galaw ng batang iyon ay para bang may nagkokonekta sa kanila. At ang bagay na iyon ay aalamin niya ngayon din. Kalmado siyang sumunod sa lalaking nagtutulak sa kanya at pagkahinto nila, doon din nanahimik yung dalawa.

Gemma

Nanikip bigla yung dibdib ko nung ipasok kami sa isang van. Ipinikit ko nang mariin ang mata ko at huminga ng malalim. Hindi ako pwedeng magpakita ng kahinaan lalo na sa sitwasyong kinaroroonan namin. Kaso kahit na anong pilit kong kalmahin ang sarili ko para bang may bumabagabag sa akin.

I need him. Huminga ulit ako ng malalim but I can't. I really need him. He's the only one who can comfort my emotions. He's the only one who knows to handle me really well. Think straight! Stop being dependable! Paalala ko sa sarili ko at hindi ko namalayan na tinatawag na pala ako ni Hector.

"Gemma? Ayos ka lang?"

"O..Oo."

"Of course she is, ano pa't ang daming lalaki dito at wala ang asawa niya. Being the hoe she is, she's absolutely fine. Right Gems?" Raven snickered. Hindi ako nakasagot dahil wala namang katotohanan yung sinabi niya.

"Well who am I to oppose to the famous saying 'Silence means yes'?"

"Kung gaano mo kadami ibinuka yang bibig mo ngayon, siguro ganun din karami mong ibinuka yang hita mo. Tama ako diba? Sangkot ka sa isang prostitusyon." Nagulat kaming lahat nang magsalita bigla si Hector at ngayon ko lang din napansin na malapit lang yung boses kaya ibig sabihin katabi ko lang siya.

"Sinong hoe ngayon? Nagsalita pala yung magaling." Dinagdagan pa ni Rose na pinapangalawahan yung sinabi ni Hector.

"Takpan niyo nga mga bibig na yan! Pasalamat kayong dalawa habang nagpipigil pa ako kundi tatapusin ko na kayo!" Rose snorted loudly para mas inisin pa si Raven.

I blocked myself out. Hindi ko na sila pinakinggan at mas nag focus ako sa pag hinga ko. I'm trying my best to calm myself pero nagsisimula na naman, may nakikita na naman akong scenario at puro iyak ang tangi kong naririnig hanggang sa palakas ito nang palakas.

"Mama! Mama!" Sapilitan siyang isinakay sa van kasama ang mga iba pang bata na kagaya niya ay umiiyak na rin sa kawalan ng pag-asa. Umaasa pa rin siya na babalik ang kanyang ina ngunit nawala iyon na parang bula nang tuluyan siyang maisakay.

Married to UnknownWhere stories live. Discover now