Chapter 59

27.6K 674 39
                                    

Kinuha ko ang magazine ng baril ko na nakapatong sa brass table. Pinasok ko 'to sa hawak kong Glock 17. Itinaas ko ang skirt ng bestida ko at sinukbit sa holster ang baril sa kanang binti.

Nilapat ko ang dalawang kamay ko sa brass table at saka tumalon paupo dito. Pinanuod ko si Chai sa tabi ko na nagkakabit ng bala sa magazine niya.

Nilingon ko ang box sa harap niya kung saan nakalagay ang live audio recorder at earpiece na gagamitin mamaya. Ang recording device ay may maliit na mute button. Mag-rerecord parin naman ito 'pag pinindot mo iyon pero naka-mute sa ibang mga nakikinig. Para din hindi magkalito lito 'pag hindi pa naman namin kailangan mag-usap usap. Sa ngayon ay naka-default muna sa mute ang recording device. Pati si Sung Ryeong ay pagagamitin namin noon. Ilang oras na lang at coronation night na. Ilang oras na lang din matatapos na ang mission ko. Ang mission namin. "Chai," tawag ko sakanya.

"Hm?" sagot niya ng hindi ako nililingon at abala pa din sa magazine ng baril niya.

"Salamat ha," sabi ko.

Natigil siya sa ginagawa niya at napaangat ng ulo. "Ha?"

Napangiti ako. "Ang sabi ko salamat. Salamat sa mga naitulong mo sa mission na 'to. Salamat kasi naging malaki kang tulong sa akin. Alam ko namang ginagawa mo lang ang trabaho mo. Pero, salamat pa din."

Dahan dahang umangat ang magkabilang dulo ng labi niya. "Ano ba 'yan. Bat may ganitong drama?"

"Oy, hindi ako nagddrama ah. Gusto ko lang magpasalamat sayo bago matapos 'tong mission na 'to," nakangiti kong sagot. "Baka mamaya hindi na ako mabigyan ng pagkakataon eh."

Mas lalong lumawak ang ngiti niya at binitawan ang hawak niyang magazine. Lumapit siya sa akin at binigyan ako ng yakap. "Salamat din, ateng! Mamimiss kita sa totoo lang."

"Bat may yakapang nagaganap?" biglang pasok ni Manaloto.

"Hala! Sali kami!" sigaw naman ni Veloso.

Agad silang nakiyakap at nakisali sa amin ni Chai. "Group huuuuug!" masiglang sigaw nung tatlo with matching talon pa. Natawa naman ako sakanila.

Naglabas si Manaloto ng cellphone at tinaas ito. "Groufiiieee!" Agad kaming tumingin doon at nagkanya kanya ng pwesto mapagkasya lang ang mga sarili sa camera. Akbay ko sa dalawang gilid ko si Chai at Manaloto habang nakaupo ako sa mesa. Si Veloso naman ay nasa harap ko habang naka-squat. Nakailang sunod sunod na shot at wacky kami.

Nilapat ni Chai ang kamay niya sa gitna pagtapos mag-picture. Pinagpatong patong namin ang kamay namin. "What teeaam!?" sigaw ni Chai.

"Team Commander Sexyyy!" sabay sabay nilang sigaw sabay taas ng mga kamay. Wala akong inambag kundi tumawa sa mga pinaggagawa nila.

Humalukipkip si Veloso at humarap sa akin. "Officer Yeo, kahit anong kahinatnan ng misyon na 'to. Para sa amin, ikaw ang nag-iisang Undercover Chic, ikaw ang nag-iisang Undercover Queen."

"True that," sang-ayon ni Chai.

"Tama! Tama!" gayun din si Manaloto.

Napayuko ako at ngiti. "Salamat, guys."

"What did I miss?" narinig kong tanong ni Trevor na kakapasok lang sa hidden room ng mga firearms niya.

Sabay sabay kaming napatingin sa may pinto. "Oh, just a pre-mission farewell," sagot ni Chai.

Bumaba na ako sa mesa at lumapit kay Trevor. Binigyan ko siya ng mahipit na mahigpit na yakap. "Thank you, boss."

Undercover QueenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon