Chapter 13: Teams and the Great Escape- Sacrifice

867 52 11
                                    

Chapter 13: Teams and The Great Escape- Sacrifice

_______________________________________________

         Dedicated kay YoungbloodPrincess ... as requested...    Thanks as 1360+reads na 'to at 195 votes .. thanks sa lahat. All of you are awesome...

_______________________________________________

“Kung ito lang ang paraan upang mapatawad mo ‘ko Chelsea, gagawin ko. Pagbilang ko tumakabo kana. Isa, dalawa, tatlo … Takbo, mahal na mahal kita Chelsea sana mapatawad mo na ‘ko”

                            -Jake Marquez

_______________________________________________

Felix's Point of View

 

        Naisaayos na ang mga baril na bagong gawa, naiimbak narin ito sa warehouse. May mga scientist narin kami na pinagaaralan ang virus at nag-iimbento nang bagong armas, tulad ng mga bomba at iba pa.

        Sa ngayon nais kong ako mismo ang lumipad sa Manila at hanapin ang nawawala kong anak na si Feximir. Kanina pa hindi lumabas ng kwarto niya si Fexileen, batid kong nagmumukmuk ito sa loob.

        “Sir, Naghahanda na po ang Team Aqua,” ang team aqua ang nakadistrito sa pagatake sa katubigan. Sila ang bumubuo at maalam sa paggawa ng mga barko at iba pang armas na maaring gamitin sa katubigan at sa dagat.

        “Mabuti naman kung gayon,Sabihin mo kay Water na binabati ko siya sa kagalingan ng team Aqua.  Kumusta ang trabaho ng Team magma?” tanong ko. Si Water Del Monteang naatasan kong maging lider ng team aqua.

        “Sir, isinasaayos na nila ang mga kanyon, bomba at mga naglalakihang flamethrower na gagamitin,” nakadistrito naman ang team magma sa mga armas na ginagamit sa kalupaan tulad ng mga baril, kanyon at iba pa, “nagsasanay narin si Fire at ang iba pang team magma sa paggamit ng bagong tuklas ng team Brilliant ang Tanker Z, kung saan kaya nitong patayin ang libong zombie sa isang minuto,” napangiti naman ako ruon.

        Si Fire Del Monte ang inatasan ko na mamuno sa team magma at si Idea Del Monte naman sa Team Brilliant na nangangalaga sa bagong tuklas, sila ang may naglalakihang utak. Mukang nagkakaroon nang teamwork ang mga teams.

        “Kumusta ang team Aerial? At kumusta ang paghahawak ni Wind?” Tanong ko. Ang Team Aerial naman ang nangangalaga sa mga sandatahang pang-himpapawidan at si Wind Del Monte a ng pinaghawak ko ruon.

        “Sir asa ayos narin sila tulad ng team Poisonous, magaling mamuno si Wind at Poison. Ngunit isang team nalang ang problema natin,” ang team poisonous na hinahawakan ni Poison Del Monte ang pinaka mapanganib sa lahat. Sila at bumubuo nang mga bombang may lason na kayang pumatay nang mga Zombies.

 

        Kumunot ang nuo ko sa narinig kong ‘yon.

Zombie Apocalypse:Survivors Inlove[On hold]Kde žijí příběhy. Začni objevovat