"She thought that finally, she'll have a complete family. At magkakaroon din siya ng mga bagong kaibigan sa lugar na pinuntahan niya. Mas malaki ang bahay na tinirhan ng bata at ng kaniyang ama. Pero kahit gaano man kalaki iyon, malungkot pa rin. Iyong akala ng batang babae na masaya at buong pamilya ay hindi pala totoo. Dahil malayo pa rin ng nanay niya sa kanila. Pero sabi niya, ayos lang. Kasi ngayon hindi na sobra sobra ang layo nila. Wala na sila sa magkabilang mundo. Kung gugustuhin ng batang babae, madali lang niyang makikita ang kaniyang ina."

Tumigil ako sandali. Nilingon ko si Conrad. Sinisiguradong nakikinig pa rin siya.

Tinaasan niya ako ng dalawang kilay. Nakatikom ang bibig niya. Natawa ako roon dahil pinanindigan niyang mananahimik siya. Nagpatuloy ako.

"Pumasok siya sa bagong school. Ngunit wala siyang naging kaibigan doon. Iba ang tingin sa kaniya ng mga batang nakilala niya. Masasamang bagay ang sinasabi ng mga ito sa kaniya. Things like she's ugly, she looked like an alien, she's very small, her skin looked dirty. Maraming bagay. Araw araw niya iyong naririnig hanggang sa nasanay na lang siya. Umuuwi siya sa bahay, magkukulong sa kwarto at iiiyak lang niya ang lahat. Sa susunod na araw, parang walang nangyari. Maayos na ang lahat. Paulit ulit iyon."

"Pero ang totoo ay nasasaktan na siya sa mga nangyayari. Para saan pa at pumunta sila sa lugar na iyon. Una, hindi naman nila kasama sa iisang bahay ang nanay niya. Pangalawa, ayaw siyang tanggapin ng mga kaklase niya. At pangatlo, hindi siya masaya. Kaya naman pinagdasal niya na sana bumalik na siya roon sa pinanggalingan niya. Kasi nararamdaman niyang doon siya mas liligaya."

"Her prayer was granted. Isang araw, nalaman niyang babalik na sila ng kaniyang ama sa dati nilang tinitirahan. Nagalit ang kaniyang nanay pero nakiusap siya rito na mas gusto niyang sumama sa kaniyang ama. That time, she only wanted to go home to where she truly belongs. Hindi naman niya gustong iwan ang nanay niya. Ang gusto lang niya, makalayo na sa mga bagay na nananakit sa kaniya. She wanted her mom to go with them pero kailangan ito sa trabaho. Kaya naman dalawa lang silang umuwi ng kaniyang ama."

Tumikhim ako at kinagat ang aking labi. Huminga ako ng malalim. If I want to continue with the story, I need to control myself first. Ang basa kong mga mata ay pinunasan ko. Kahit wala pa mang tumutulong luha ay pinalis ko na iyon.

Si Conrad ay nanahimik lamang. Malungkot ang aking ngiti. Isa pang tikhim ang aking ginawa bago nagpatuloy.

"Nang makabalik siya ay tuwang tuwa siya. She promised to herself that while she's at that place, she'll do everything to make herself happy. Hindi niya papayagan ang anomang maging hadlang upang maging masaya siya. She was so insecure. But at the same time, she wanted everyone to accept her. Kasi hindi niya iyon naranasan. Kaya naman lahat ng paraan ay ginawa niya upang matanggap siya ng mga taong nakilala niya."

Tumigil akong muli. Nagbabara na ang aking lalamunan.

Nanatiling nakakuyom ang aking mga kamay. Nabigla ako nang kunin ni Conrad ang isa kong kamay. Pinagsalikop niya ang mga kamay niya. Ang mga daliri ko ay nasa gitna ng kaniya. Pagkatapos ay niyakap pa iyon ng isa pa niyang kamay.

"Hm, I have a favor," aniya.

Nagtataka ko siyang tiningnan.

"Pwede bang ako na ang matuloy ng kwento?" tanong niya.

Nanginig ang bibig ko at tumulo ang isa kong luha. Sinundan iyon ng tingin ni Conrad. Malungkot siyang ngumiti. Tila ba nasasaktan siya pero mas gusto na niyang magmukhang masaya kaysa ipakita sa aking nalulungkot siya.

"Natupad ang pangako ng batang babae sa kaniyang sarili. She met new friends. Two friends, a boy and a girl, came to her life and accepted her. Naging malapit sila sa isa't isa. Ang isa sa kanila ay naging karamay niya sa lahat. Madalas silang magkwentuhan tungkol sa kanilang mga problema at mga bagay na nagpapasaya sa kanila. The other one became her protector. Kapag malungkot ang babae, gagawin nito ang lahat para lang maging masaya siya. Kapag naman masaya na siya, hahanap ito ng mga paraan mapanatili lang ang ngiti sa mga labi niya."

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon