19

4.2K 154 33
                                    


Scarlet's pov:


"You never change, Scarlet."

Huh?

I never change- what?! Anong pinagsasabi niya? Diko sya maintindihan at bakit ang mga titig niya sya akin tila ba'y may pinapahiwatig.

Sa pagkalito ko hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala sya na sanhi nang ikinataranta ko.

Oh my gosh! Bakit ang lapit niya?! Halos magkadikit na yung katawan namin.

Hinawi niya ang hibla ng buhok ko at dahan dahang hinaplos ang pisnge ko. Hindi ko maipaliwanag kong bakit ang mga titig niya sa akin ay kakaiba. Pero hindi ko maipaliwanag kong ano.

"You still the Scarlet I knew." Sabi niya na may pilyang ngiti.

"What..?"

Ito na naman sya. Hindi ko mapigilang mapasimangot dahil sa mga pinagsasabi niya ngayon.

But the next thing I knew she slowly leaned on me.

Wait! Is she going to kiss me?

Pumikit ako at hinihintay ang pagdampi ng labi niya sa akin ngunit isang nag-aalburotong tunog ang tanging kong narinig. Napadilat ako at minamasdan si Olivia na kamot-kamot ang ulo niya habang nahihiyang ngumiti sa akin.

"Ma'am Scarlet, Nakahanda na po ang agahan sabi ni Manang lusing." Biglang sulpot ni kathleen sa pintuan. Isa sa mga katulong namin.

"Ah eh si-ge bababa na kami." Sabi kong medyo pautal.

Tumigin ako ka Olivia na nakatingin pala sa akin.

"Ahmm. Baba na tayo. Nagpahanda ako ka manang ng agahan natin. Alam kong gutom kana." Sabi ko sa kanya pagkatapos ngumiti sya sa akin.

My gosh ito na naman ang puso ko sasali na naman sa marathon at tsaka bakit ang cute niyang tingnan? Parang wala lang hangover.

Geez Scarlet compose yourself.

Kelan ba ako naging ganito sa isang tao at tsaka bakit ka Olivia pa?! Tsk naman oh.

Pagbaba namin alam kong nakasunod sa akin si Olivia. Parang bigla ata akong naconscious dahil ramdam na ramdam ko ang mga titig nito mula sa likuran ko. Pagdating namin ng dining room nadatnan namin si manang dala-dala ang isang pitsel ng mango juice.

"Oh iha, halika kayo't kumain na habang mainit pa itong agahan na naihanda ko. Kamusta pakiramdam mo Olivia?"

"Mabuti naman manang."

"Magpasabi kalang kung may kailangan ka iha."

"Sige po manang."

"Magkakilala kayo?" sabat ko. Kasi kagabi pa talaga ako nagtataka kung bakit nabanggit ni manang lusing ang pangalan ni Olivia nang makita niya itong walang malay. Pero dahil sa naging occupied kami sa pag-aasikaso ni Olivia nakalimutan ko tuloy itanong si manang.

"Nako iha suki ko itong si Olivia sa tindahan ng gulay namin" tawang sagot ni manang.

"Ka manang lusing kasi ako bumibili ng gulay, Scarlet" ngiti niyang sabi.

"Hala sya kain na kayo. May kukunin lang ako sa kusina."



I have never been this curious to a person. Ang daming mga tanong sa isip ko at parang bang ang babaeng nasa harapan ko na kasalukuyang kumain ay parang isang magnet na hindi ko magawang iwasan. Lalong lalo na ngayon may mga bagay syang sinasabi na hindi ko maintindihan at parang bang may tinatago sya na ayaw niyang ipaalam.

My Love Scarlet (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon