1

10.1K 240 1
                                    

Ito ako ngayon kumakain  ng may narining akong nagsalita.

"Hey, freak"

Di ko mapigilang paikotin ang mata ko dahil basta basta nalang itong pumasok sa apartment ko na walang permisyo.

"Hindi ka ba marunong kumatok" bulyaw ko sa kanya.

Tumawa lang siya ng malakas at lumapit sa akin.

"Knocking at your door wasn't in my vocabulary. So....No. " Sabi niya. "And besides it isn't my fault that you left your door unlocked." Dagdag pa nito.

" Anong kailangan mo, Elliot?" naiirita kung sabi.

"OH, PANCAKES!" hindi niya ako pinansin at dali-dali siyang kumaha ng lalagyan. Kumuha siya ng dalawang pirasong pancakes na iniluto ko na dapat para sa akin lamang.

"You know what, kung hindi lang ako gutom na gutom kanina pa kita sinapak diyan."

"What's with the mood? Ang init ng ulo mo" bungad niya habang ngumuya-nguya.

Paanong hindi iinit ang ulo ko . Maraming nangyari sa araw na 'to.

..... earlier

Napamulat ako sa lakas nang tunog. Itinungo ko ang kamay ko sa kakairitang tunog na nanggaling sa alarm clock na nakapatong sa night stand. Matamlay akong bumangon at tumungo sa banyo. Gaya ng nakagawian ng maraming tao, naglinis ako ng buong katawan. Pagkalabas sa banyo, agad akong nagtungo sa closet. Nagsuot ng jeans at baggy sweatshirt. Itinanggal ko ang tuwalya na nakabalot sa ulo at hinayaan kung bumagsak ang buhok ko. Habang nagsusuklay ay biglang tumunog ang phone ko.

"Hello"

"Darling! kamusta ka na?" Masiglang bati ni mama ngunit hindi maipagkakaila ang pagod nitong boses,.

"Okay naman ma. Mukhang ako ata ang dapat magkamusta sayo." Sabi ko. "Magpahinga naman kayo minsan, kayo ni papa."

Hindi ko maiwasan mag alala lalonat wala sila dito daghil nagtatrabaho sila sa ibang bansa.

Tumawa sya, "Darling, okay lang kami ng papa mo . Wala siya dito. Nakaduty siya ngayon. kinukumusta ka kung okay ka lang at sa tingin ko'y nasa mabuti ka namang kalagayan ng maranig ko ang boses ng baby ko." ayoko ko talagang tinatawag na baby. Eh hindi na ako baby sa laki kung ito!

"Pero wag niyong kalimutang matulog paminsan minsan. Uso matulog ma."

"Okay darling. Ah, Ang sweet sweet talaga ng baby ko."

"Oh sya. Ibababa ko na 'to may pasok pa ako." Sabi ko. Narinig kong nag yawn siya.

"Ok, Bye baby. I love you!"

"I Love you, too. Both you and papa"

Pagkatapos ng usapan namin ni mama ay agad akong pumunta sa kusina ngunit hindi ko na nagawang magluto ng mapansin ko ang oras na nagpapahiwatig na mamalate nako. Dali-dali akong nagsuot ng converse shoes at ng salamin ko. Kinuha ko agad ang backpack na nasa couch at mabalis nagtungo sa kotse. Napamura ako sa labas ng apartment sa kadahilanang nakalimutan ko ang susi ng kotse.

Habang nagbabyahe papuntang skwelahan ay napagdesisyonan kung sa cafeteria na kumain. Pagkapark ng kotse ko ay mabilis akong naglakad papuntang cafeteria. Habang nasa hallway ay sadyang makikita mo ang ibat-ibang klasing studyanteng nakatambay dito. May mga grupong nag tatawanan, may dalawang magkaibigan na akala mo'y ang tagal nilang hindi nagkita, may studyanteng nagbabasa sa gilid, hindi rin maiiwasan ang dalawang babae na wari'y nagbubulugan at saka makikitang mo ang taong ito ay adik sa anime o certified otaku kung tawagin nila dahil hindi maipagkakaila na nakasuot ito ng one piece shirt.

My Love Scarlet (GxG)Where stories live. Discover now