12

4.6K 191 12
                                    

N/A: Hi Guys! Sorry for a very slow update. I was so very busy these past few days. At tsaka tinatamad ako mag-update.  But anyways, here's the pov of Scarlet . I just hope you enjoy the story so far. 

Scarlet's Pov:

"So ano na?"

"Anong ano?!" iritang sabi ko.

"Relax girl. Ang init ng ulo mo. Tatanda ka nyan ng maaga." Masama akong tumingin kang Denisse pero ang gaga tinawanan lang ako. Bwesit.

"OMG! Girls nandito sya!" tili niya.

"Tumahimik ka na dyan Denisse. Ang ingay mo!" Kahit nandito kami ngayon sa cafeteria nangingibabaw parin ang boses ng babaeng to. Dinaig pa ang taga palengkera.

"Siya yung sinasabi ko sa inyo. Ang gwapo niya diba?"

Wala akong pakialam kung sinong unggoy yan.

"Diba si Hawkins yun?" sabat ni Cloe na kanina walang imik at tahimik lang.

Napatingin ako sa kanya at lumingon sa tinitingnan nito.

Tsk. Bakit nandito ang nerd nato dito? Nakakainis. I can't believe she's the same girl I have encountered in the bar. Like really! It's like a whole different person. Aba't ininsulto pa ba naman ako na hindi ako marunong humalik. What did she expect?!

Naagaw ang pansin ko nang magsalita si Cloe sa Tapat ko.

"Yan ba ang sinasabi mo Denisse? Tingnan mo nga kabago-bago dito may binubully na agad." Sabi ni Cloe.

Paano ba naman hawak-hawak ng lalaki yung braso ni nerd at hinihila sya nito. Nakakaagaw sila ng pansin dito sa buong cafeteria.

Tumingin ako ka Denisse na nag-pout pa na parang bata ang gaga. Like ew.

"Hindi naman siguro. Baka Close lang sila. "

Tumawa ako. Close daw? Eh halos mapunit na nga yung damit ni nerd eh. Nagpapatawa ba sya?

"Oh look! Knight in a shining armor to the rescue." Nakita kung lumapit si Sofia sa dalawa. Akala ko may gulong mangyayari pero parang pinapakilala pa ata ni nerd yung lalaki dito kay Sofia.

"Well that's unexpected." sabi ni Cloe.

Pagkatapos nun lumigon-lingon si Sofia na parang may hinahanap hanggang sa napadako ang tingin niya sa table namin.

Ano naman kaya ang kailangan nito?

"Ako lang ba parang papunta ata dito si Sofia sa table natin" sabi ni Denisse.

"She's coming here." Dagdag ni Cloe.

"Hi Girls! Pwede ko bang makausap si Scarlet?"

Napabuntong hininga ako.

"What is it?" sabi ko.

"I need your assistant mamaya sa Student council room." tumingin ang dalawa sa akin.

I know bakit ganun ang reaksyon nila dahil hindi naman kami close ni Sofia in a first place. Hindi din nila alam na parang assistant na ako ng student council dahil sa matandang yun.

"Ano naman yun?" napakunot nuo ako.

"Basta pumunta ka nalang."

Is she demanding me?

"May problem ba Scarlet?" taas kilay niyang sabi.

Tsk. It's a mistake I ask her a favor. I shouldn't ask her to help me with that old woman.

"Nothing." Pinipilit kung hindi mapa-ikot ng mata pero sa kaloob-looban ko gusto ko syang murahin.

Ngumiti sya sa akin. "See you then. Bye girls!"

My Love Scarlet (GxG)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon