CHAPTER 21

2.1K 46 40
                                    

Lexien's POV

"Anak Ng! Kababae mong tao ganyan ka umasta?!"

Hindi pa ako nakakarating sa training room ay rinig ko na ang sigaw na yun.Boses palang kilalang kilala ko na eh. Pumasok ako sa loob at naabutan ko ang mga bagong agents na busy sakanilang mga training.

"King inang yan! Ano bang pake alam mo?!."

Napatingin ako dun sa nagsisigawan.

Tyrone at Yanna

2nd version ni Leigh at Lance

-.-

"Wala!." nakasigaw na sabi ni Tyrone

"Wala naman pala eh! eh bakit satsat ka nang satsat jan?!" bulyaw ni Yanna

Hindi ko inaasahan na may ganitong ugali si Yanna parang nung nakita ko siya dun sa Angel's ay ang cold ng aura nya. Parang hindi nya magagawang makipag sigawan ewan.

"Hoy kayong dalawa tumigil na nga kayo! aba'y kung hindi ko kayo kilala.. iisipin kong mag asawa kayo at nag aaway dahil wala kayong bigas. Hahaha."

Sigaw ni Nic na may hawak na katana at kaharap si Jaslene na may hawak ding katana.

"Shut up!!" Tyrone/Yanna

0___0

"Sabi ko sayo shut up ka lang eh." Natatawang sabi ni Jaslene

"Sabi ko nga! ha-ha-ha." alanganing sabi ni Nic

Natawa naman ako at napailing saka lumapit sa isang table na may iba't ibang uri ng baril. Imbention ng experiment department. Kumuha ako ng isang maliit na baril at nilagyan ng bala at naglakad ako papunta sa shooting range. I positioned myself and then.

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

*BANG!*

Lumapit ako sa isang tabi at inabot ang binocular. Napangiti ako ng makita ko ang target.

Bulls eye!

"Wow!"

Napatingin ako sa gilid ko.

Leigh..

May hawak din syang binocular at nakangiting nakatingin din dun sa target. Parang manghang mangha sya sa nakita. Sa lahat ng baguhang agents sakanya lang prang hindi maagaan ang loob ko. Hindi ko alam kung ako lang ba o talagang may kakaiba sakanya.

"Ang galing mo ate! pwede mo ba akong turuan?!" tuwang tuwang sabi nya

I smiled and nodded. Binigay ko sakanya yung hawak kong baril na may bagong lagay na bala.

"Position yourself." medyo strict kong sabi

Tumingin muna sya sakin na parang gulat bago tumayo ng maayos at saka hinawakan ang baril. Dahan dahan nyang tinaas ang baril at kinalabit ang gatilyo ng limang beses.

Hawak nya palang alam kong hindi na tatamaan ang mga dots sa target. Kinuha nya ang binocular at tiningnan yung ginawa nya. Nakasimangot na binaba nya ang binocular. Nilagyan ko ulit ng bala yung baril at nakangiting binigay sakanya na tinanggap nya naman.

Inayos ko ang tayo nya sunod ang paghawak ng baril at tamang pagtaas ng kamay.

"Ayan, kelangan ganyan ang posisyon mo kung ang target mo ay nasa harap. Kunwari may kinamumuhian kang tao, isipin mo na yun ang babarilin mo." nakangiting sabi ko sakanya

"Do it."

Seryosong binaril nya yung target ng limang beses. I smiled, I knew it.

"Kyaaahhh!! Bulls eye! OMG!." tuwang tuwang sabi nya habang tumatalon pa

Madali lang namang mag turo kung pano gamitin ang baril. Kung magaling kang humawak ng barilm adali mo lang matuturuan ang isang tao lalo na kung marunong naman talaga ang tinutuuan mo. Basic pa lang yung tinuro ko sakanya may naka assign kasi kung sino magtuturo sakanila.

Iniwan ko muna si Leigh na panay paring ang practice. Lumapit ako kay Lance na ka duel si Xander.

"Oh kumusta?" nakangiting bati ko sakanila

Ngumiti sakin si Lance at Xander

"Fast learner." sabi ni Xander na natatawa

"Want to duel with me?" i said smiling

Tumingin sakin si Lance na gulat na gulat.

"H-hindi pa ako masyadong magaling ate eh." nahihiyang sabi nya

"Okay lang." nakangiting sabi ko parin

"Naku bro, wag kang pumayag, magaling yan si ate Lexien pagdating sa katana.Hahaha." Xander

Sinamaan ko lang ng tingin si Xander na tumatawa. Mana talaga kay tito Vince. Bumaling ulit ako kay Lance na ngayon ay naka tayo na.

Kinuha ko yung katana ni Xander na nagulat sa pagtayo ni Lance. Lumayo kami ng konti sa isa't isa ni Lance. Una syang sumugod sakin na naiwasan ko naman, sumugod ulit sya pero sinalag ko ng katana ko ang katana nya.

Magaling sya, mabigat ang hampas nya ng katana at mabilis. Akmang sisipain nya ako pero mabilis akong umatras at ngumiti sakanya.

"You're good." komento ko

Ngumiti din sya

"Thanks."

Ako naman ang sumugod sakanya pero naiwasan nya rin. Sumugod ulit ako pero gaya kanina ng ginawa ko sinalag nya ng katana nya ang katana ko pero mas mabilis ako sakanya kaya.

"Argh!"

Mabilis ko syang sinipa dahilan para mapaatras sya. Nang makabawi ay tumayo sya at sinugod ako ng katana mabilis ko itong sinalag at mabilis na umikot sa likod nya, kaya ang nagyari ay nasa leeg na nya ang katana ko at yung kanya ay hawak nya lang.

Akala ko tapos na pero mabilis nya akong siniko kaya napaatras ako ..

'ouch!'

"Sorry ate, okay ka lang ba?" nag aalalang tanong ni Lance na nilapitan pa ako.

Mabilis ko syang pinatid ng malapit na sya sakin kaya naman natumba sya. Isang pagkakamali ang ginawa nya sa mission namin isang katangahan ang mawala sa konsentrasyon.

"Hindi mo dapat ginawa yun." nakangiting sabi ko sakanya

Kakamot kamot sa ulong tumayo sya at bahagyang ngumiti.

"Hindi ko kasi alam eh." Lance

lumapit ako sakanya na natatawa. Ang cute nya kasi eh. Haha.

"Sa trabaho natin, hindi dapat kaawaan ang kalaban, kung kailangan patayin ay patayin." sabi ko. "Dahil hindi mo alam baka pag talikod mo yu na ang huling gagalaw ka."

Nakangiting tumango sya at umupo. Nag kwento ako sakanya ng mga naging mission ko at yung mga ginagawa ko sa mission. Natatawa nga ako kasi parang nahihiya pa sya sakin eh. Minsan nagkwekwento din sya sa mga mission nya na madadali lang. Hindi pa kasi pwede sakanya yung mabibigat na misyon. Trainee palang kasi sya.



A/N: New update  :))))))))


Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 01, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

BAO 2: My cold hearted, gangster agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon