CHAPTER 2

3.7K 152 0
                                    


Don't forget to vote ^__^


**


Lexien's POV

Naglalakad ako papauntang office ni kuya, bago pumasok ay may pinindot ako sa gilid ng pinto .. pagkatapos kong pindutin yun ay bumukas ang pinto .. high tech na dito sa BAO ngayon .. ang astig nga eh. Sabagay ano pa bang asahan mo kila Tita Scarlette.

"Oh hi Lexien." bati sakin ni ate Snow

Napangiwi ako sa nakita ko. Naka kandong sya kay kuya habang si kuya ay nakayakap ang kamay sa bewang ni ate Snow at hinahalik halikan sa leeg. Di manlang nahiya sakin si kuya.

"Mission."

Natawa sya sakin .. napakunot ang noo ko ..

"My, my.." Pakanta nitong sabi "ginagaya mo ba si kuya? ang iksi ng sagot mo ah." Snow

Sumimangot ako .. akala ko kung ano na .. may inabot na isang folder si kuya at binigay sakin .. pagkatapos ay lumabas na ako .. pumunta ako ng control room .. umupo ako sa sofa at binasa ang folder.

hmmmm...

Bukas na pala to, ayos action nanaman ..

^____^

Nararamdaman kong may nakatingin sakin pero hindi ko nalang pinansin .. si Ice lang yan .. nilapag ko sa sofa ang folder at umupo sa tapat ng monitor .. nilagay ko sa tenga ko ang listening device at kinabit ang button .. nasa mission pala si Jashley at Vic .. I wonder kung sino ang nagluluto sa kaharian ni Vic ngayon, masyado nyang mahal ang kitchen para kumuha ng mission.

"Binibini sa aking pagtulog, ika'y panaginip ko!."

"Damn!." Hindi ko maiwasang mapamura ng biglang may kumanta sa listening device at ang pangit ng boses.

>__<

Napalingon pa sakin si Ice pero hindi ko naman sya tiningnan.

"Vic may balak ka bang sirain ang ear drums namin?!" Jashley

"Sorry naman, hehehe."

Napailing ako, abnormal talaga. Kahit kelan hindi tumitino.

"Tanggapin mo nalang kasi na hanggang kusinero ka nalang *laughs*." me

"Ang bad nyo! Baka nakakalimutan nyo kung wala ang gwapong si ako, wala kayong kakainin sa Angel's."

I rolled my eyes. Naiimagine ko na ang pagka haba habang nguso ni Vic ngayon. hahaha

"Tapusin nyo na yan, baka mamaya pag balik ni Vic sabog na ang kusina nya." natatawa kong sabi

"Subukan lang nila, hahagisan ko ng granada ang bahay nila."

Napabungisngis ako, masyadong mahal ni Vic ang kusina nya. Hindi na ako magtataka kung pagbalik nya ay magtatalak nanaman sya na parang babae. hahaha

Hindi sinasadyang napatingin ako sa katabi ko, pero bigla ko ding iniwas ang tingin ko kasi naka tingin din sya sakin. Ano bang problema nya? I sighed, saka ko nalang nga yan iisipin.


**

BAO 2: My cold hearted, gangster agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon