CHAPTER 16

3.1K 92 15
                                    

Lexien's POV

NARAMDAMAN kong may tumatapik sa mukha ko.. kaya tinabig ko ito at hinila ang kumot papunta sa mukha ko ..

"Hon wake up, we're here."

Napabalikwas ako ng bangon at umupo .. dahan dahan kong binuksan ang aking mata at mukha ni Ice na nakangiti ang bumungad sakin ..

"Asan na tayo?" me

"Boracay."

Inalalayan nya akong maktayo at sabay na kaming lumabas ng bus .. gabi na pala .. nilibot ko ang tingin ko at nakita ko ang mga agents na papasok na ng hotel .. sumunod kami Ice ..pagpasok nmin ay tinanong namin kung san ang kwarto namin ..

"This way Sir."

Inirapan ko ang babaeng nagpapa cute kay Ice .. bulag ba sya para hindi makita na kasama ko ang lalaking binabalak nyang landiin?

-____-

Pagpasok naman ng kwarto ay nakita ko ang kambal na babae sa loob na naghaharutan.. may tatlong kama doon ..

"Nasa tapat lang ang room ko, kasama ko ang kambal." bulong ni Ice sakin

Tumango ako at lumapit sa isang kama.. lumabas na din si Ice ..

"Hep! Hep! Hep! Kama ko yan!." sigaw ni Jaslene

"May pangalan mo?" Taas kilay kong tanong, ngumuso sya ng pagka tulis tulis

"Wala *pout*." Jaslene

"Gross!." Jashley

Natawa naman ako .. lumipat ako sa isang kama at humiga.

"Anyare sayo teh?"

"Wala naman."

"Wala daw pero kanina ka pa wala sa mood."

Pumikit ako at dumilat ulit. Tiningnan ko sila na ngayon ay may nakapasak na lollipop sa bunganga nila.

"Kulang lang sa tulog, bakit pala may outing tayo?" me

"Well yun ang sabi ng original gangster agents .. naboboring daw sila kaya sila muna ang kukuha ng mission." nakangiting sabi ni Jashley

Napa nganga ako sa sinabi nya

"What?!"

"Ang OA mo naman, alam mo naman sila Tita Scarlette hindi napipigilan yun, kahit ni Tito pogi." humagikgik pa ito na parang kinikilig

Napailing ako .. hindi ko sila masisisi .. hindi kasi halata na may anak na si Tito Tristan .. ang gwapo nya parin kasi .. well lahat naman sila .. hahaha ..

"Oh ano labas tayo? sayang ang katawan natin kung hindi irarampa." Jaslene na pangisi ngisi pa

"Tara boy hunting!."

Haaay .. ewan ko sakanila .. baka makapatay ng wala sa oras ang lalaking kambal kapag nakitang may kasama silang lalaki .. hahaha .

Nagbihis ako ng black two piece at pinatungan ng see through na dress at nilugay ang buhok ko ..paglabas ko ng bathroom ay napa nganga sakin ang kambal.

"Wow!."

"Oh my golly!"

I just rolled my eyes at them and open the door .. nang hindi pa sila sumunod sakin ay nilingon ko sila.

"Oh ano pa hinihintay nyo? Pasko?" me

Ngumisi lang sila saka dali daling lumabas na nauna pa sila sakin. Ang wierd talaga ng kambal na yun .. hindi ko alam kung kanino sila nag mana ng ka abnormalan. Samantalang matino naman si Tito Troy and Tita Kate.

BAO 2: My cold hearted, gangster agentWhere stories live. Discover now