CHAPTER 15

2.7K 87 1
                                    

Lexien's POV


Pupungas pungas ang matang bumangon ako sa higaan. Sa totoo lang inaantok pa ako pero kelangan ko ng bumangon. Baka bulabugin nanaman ako ng mga agents na walang magawa sa buhay nila kundi mang trip.

Hindi pa man ako nakakalabas ay rinig na rinig ko na ang mga boses ng mga agents. Ano nanaman kaya nag ginagawa nila dito. Napa buntong hininga ako at lumabas na ng kwarto.

"Akin na sabi yan eh!"

"No!."

Naghahabulan na Xander at Princess ang nabungaran ko. Muntik pa akong mabangga ni Xander kung hindi lang ako naka iwas. Napatingin pa ako sa ibang agents na andito. Si Ate Snow na katabi si Kuya Blake at nagse selfie .. si Alexa na kinukulit ni Jaden sinusundot sundot nya pa ang bewang ni Alexa .. at ang kambal na busy sa pagkain .. may mga dala silang pagkain at kumalat na sa sofa ko.

Napatingin ako ng bumukas ang pinto ..

"Babe wait for me!."

"Shut up Leigh!."

Lance and Leigh, kasunod nila si Ice na mukhang bored ang mukha at may hawak na tablet habang papasok ng bahay. Huminga ako ng malalim ng marinig kong ang ingay ng mga agents. Parang kiti kiti pa yung kambal na babae habang nag aagawan ng pagkain.

"QUIET!" I shouted at the top of my lungs. Muntik pa akong matawa ng makita ko si Ice na nagulat at muntik na mahulog yung tablet na hawak.

Bigla silang tumahimik at tumingin sakin.

"Anong ginagawa nyo dito?" tanong ko

Sabay sabay na nagsalita sila. Hindi ko maintindihan ang sinasabi nila. Sumasakit ang ulo ko. Seriously? anong nakain nila at ganito sila kakulit ngayon?

"ISA ISA LANG PWEDE?!" me

Parang tutang tumahimik sila. Akmang magsasalita nanaman sila ng sabay sabay ng tinaas ko ang kamay ko. Lumapit ako kay kuya na may hawak din na tablet at nakatapat sa mukha nya. Tinapik ko ang kamay nyang may hawak na tablet. Buti nalang nasalo ni Ate Snow yung tablet.

"Bakit sis?"

"Anong ginagawa nyo dito sa bahay ko?" me

"Ah" bumaling sya kay ate Snow sabay kuha ng tablet "Sweetie ikaw na magpaliwanag." tapos bumalik ulit sa pagse selfie

ang adik lang -__-

"May outing tayong elite agents." Ate Snow

Napakunot ang noo ko. Elites bakit andito si Lance at Leigh. Mukhang nabasa nya naman ang iniisip ko ..

"Nagpumilit sumama si Leigh .. syempre wala namang nagawa si Lance sa kakulitan ng isang yan .. hahaha."

Napatango ako at nilingon ko yung kambal.

"Kayo.." sabay turo sa kambal

"Kami?" sabay nilang sabi at turo sa sarili nila

"Oo, linisin nyo ang kalat nyo." Seryosong utos ko

Pag ganitong kulang ako sa tulog madali akong mainis.

"Masusunod kamahalan."

Nagtawanan naman ang mga agents sa sinabi ng kambal. Lumapit sakin si Ice at hinawakan ang mukha ko.

"Hey! You okay?"

"Yeah, inaantok lang ako." me

"Pwede kang matulog sa byahe, fix your things first. Ikaw nalang ang hinihintay." Ice

Tumango ako at naglakad na pabalik sa kwarto at nag ayos ng mga damit na dadalhin ko. Hindi naman siguro kami magtatagal dun. Pagkatapos kong mag ayos ay lumabas na ako, wala na ang mga agents . si Ice nalang ang natira na lumapit sakin at kinuha ang dala kong bag.

"Let's go?"

I nodded at lumabas na kami ng bahay .. yung bus pala ng BAO ang gagamitin namin. Malaki ang bus ng BAO. Kompleto din sa gamit .. tour bus na nga eh. Hindi ko alam kung san kami pupunta .. basta ang alam ko matutulog ako sa byahe.

Pumasok na kami sa loob ng bus. Hinawi ko ang isang kurtina at nahiga sa isang maliit na kama. Pinikit ko ang mata ko at unti unti akong nakaramdam ng antok. Bahala muna sila sa buhay nila..basta ako matutulog.


**

VOTE AND COMMENT!

BAO 2: My cold hearted, gangster agentTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon