Wala. By impulse, binuhos ko sa kanila ang laman ng soda na hawak ko. Kaso mas naabot ‘yung guy kaya ‘yung guy siguro ang mas nabasa.

 

Hindi ako nagsorry. Sinadya ko tapos magsosorry? Huh. I don’t hella care. Nyenye. Kung maglandian, wagas. Kiss mo ‘kooo. PEE-BEE-BEE TEENS? Tapos si boy, attack agad! Naku! Lul nila.

 

“Oh my god! Hero, baby!”

 

Aw, sh-t. Hero baby daw! Jusmiyo, jusmiyo, jusmiyo. Ang beauty, Zabrina. Ang beauty.

 

Bwiset. Kapangalan pa talaga ni Hero ko!

 

Wait…. He—Ro? Napapikit ako ng mariin. Imposible namang si Hero ‘yon. Oo nga, alam kong playboy talaga ‘yon, pero…. Huhuhu.

 

Inaninag kong mabuti ang itsura ng lalaki mula sa itaas. Hanggang sa…. pareho silang tumingin sa’kin.

 

Oh, god. Oh, god….. MY HERO! Huhuhu.

 

Kahapon lang nagkasagutan kami sa detention. Tapos ngayon……

 

Ang sama ng tingin niya sa’kin. As in. Pati ‘yung babae pero 'la akong pake sa kanya, sundutin ko pa mata n'ya. Pero si Hero…. Huhu! Bigla na lang siyang umalis! Si babae sunod naman agad.

 

At ako…… nahiya.

 

Stupid.

                                                                 ——

 

 

Simula nung Saturday na ‘yun, hindi ko na siya kinukulit sa text dahil kahit naman ilang text ang i-send ko sa kanya bago ang insidenteng ‘yun, hindi naman talaga siya nagre-reply.

At nahiya na talaga ako. Sa kagagahan ba namang ginawa ko. Yeah, right! Blame the impulsive side of me.

Keri na nga! Maganda naman ako.

Pero OMG again! Lunes na lunes! Late na late na late as in late na ‘ko! Ano ba namang gising ‘to! 8:07 na pero 7:00 ang bell! Crap, mabibilad ako! Walang pwera pwera sa parusa sa school. Kahit maganda ako, ibibilad ako. Syet.

Kahit utusan ko pa si Mang Seol na driver ko na paliparin ang kotse, late pa rin ako. Kaya ang resulta, late talaga ako.

“Ano ba namang klaseng pasok ‘yan? Isang oras kayong late! Tapos na ang flag ceremony at tapos na rin ang late comers’ punishment!” sigaw ng terror discipline administrator na si Mrs. De Guia.

Nginitian ko na lang siya dahil wala naman akong ibang magagawa kundi ang maging maganda.

OPERATION: STEALING THE BAD BOYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon