53 | stalker

121 9 1
                                    


KISSES

Second week na ng April at tapos na rin ako sa mga kailangang gawin for school. Naayos ko na yung mga ibang kailangan ipasa at yung resume na pinapadala nung isang prof ko na ipapasok daw ako sa isang magandang kumpanya na pwede kong pagtrabahuhan bago ako magtrabaho nang full time sa businesses nila Daddy.

Tapos na rin yung practice for graduation na mangyayari next week. Isa nalang talaga yung kulang, I mean, marami pa pero yung pinakamahalaga – yung wedding.

We're still going with what was initially planned. Sa May yung wedding, the day after my birthday. To be honest, I just want to get this over with. Kung pwede nga lang agahan, kahit mamaya or bukas, okay lang eh.

Naalala ko naman bigla yung naging usapan namin kahapon ni Ate Maymay through my twitter DMs.

MAyGANDA

@maymay

sigurado ka na ba?


yeah, lol why?


sure na sure ka na? di niyo muna imu-move?

marami pang date.


why ba? hahaha


wala naman. naisip ko lang parang ang bilis.


It has been planned since the day he proposed.

panong mabilis?


ayaw mo bang mag apply sa mga company na pangarap mo

na single ka at hindi married?


what's the point? ikakasal din naman ako.

And it's not like hindi na ako tatanggapin dahil lang kasal ako lol


wala lang. malay mo kasi magbago pa isip mo.

/Wednesday, 11:43 pm


Hindi ako nakapagreply agad nun. Lalo na sa sumunod niyang sinabi.

"hindi kaya kaya niyo minamadali dahil takot kang magbago pa yung isip mo?"

Hanggang ngayon, paulit ulit pa rin sa isip ko yun.

Minamadali ko nga ba?

Takot nga ba akong magbago yung isip ko?

Magbabago pa nga ba yung isip ko?

Napailing ako. Heto na naman! Tuloy tuloy na naman yung atake ng mga tanong sa isip ko. Nakakabaliw na!

Mabuti nalang talaga hindi ko na nakita ulit si Edward. Kahit na sa condo, hindi ko rin siya nakikita na dinadalaw niya si – teka, baka kaya hindi niya na binibisita si Claudia dahil dun.

Helpless » k.w.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon