18 | tightening the leash

166 12 0
                                    

EDWARD

"YOU DIDN'T HAVE to do that!" I yelled at Claudia. Tinaasan lang niya ako ng kilay. "You're blowing our front. Sa tingin mo kung sunod ka nang sunod kay Kisses maniniwala pa 'yun sa atin? Paano magiging effective ang plano?"

Hinampas ko yung locker sa likuran niya. "There's no plan! I'm ending this bullshit!"

Tinulak niya ako. "You, my dear don't get a say in this. I was the one who offered the deal. I – I AM THE ONLY ONE NA MAGSASABI WHEN THIS IS OVER!"

Naglakad na siya papalayo sa akin pero hinila ko uli siya at itinulak sa locker. She gave me a smile. Fucking bitch!

"I don't fucking care! I'm done!" This time ako yung naglakad papalayo pero bago pa ako makalabas ng locker room, nagsalita siya. "You know I could make things a lot harder for you." Humarap ako sa kanya at there she is, sitting sa bench, twirling her hair around her finger.

"Are you threatening me?" Dinuro ko yung sarili ko in disbelief with a sly smile in my lips. This bitch has finally lost her damn mind.

"Yeah, you could say that." Tinaasan ko siya nang kilay. "Remember that night?" Kumunot yung noo ko kaya napangisi ito.

"You know I was always one step ahead of you. Alam kong sooner or later, aatras ka." Tinitigan ako nito sa mata nang may nakakalokong ngiti. "I just didn't expect it to be this soon."

"You know what? You're wasting my time." Tumalikod na uli ako but I stopped dead on my track sa sumunod niyang sinabi. "I don't think makikipagbalikan pa yung babae mo sa'yo after ko ilabas yung video."

Sinunggaban ko siya at hinawakan sa braso. Natawa lang ito. "Who would want to be with a rapist?"

Natigilan ako. Hinawakan niya yung mukha ko. "Yeah. You think you're using me? I'm the one using you. You've been a mere puppet of mine since the beginning." Binatawan ko yung braso niya at napaupo sa sahig.

Narinig kong lumakas yung tawa nito. "Don't feel bad. You know you liked it."

I should've known. I should have known that this time would come. "Hindi mo naman siguro inisip na aksidente lang yung magising ka sa kwarto ko –"

"I WAS DRUNK!" I countered.

"I know. Kaya nga sobrang dali mong nahawakan sa leeg." Tumayo ito. "I own you. Do as I say. You don't want me as your enemy." Banta nito.

Naglakad na ito papalabas pero bago niya isinara yung pinto, nagsalita ulit ito. "You'd have to play ball or your dreams of having her back would vanish into thin air along with your reputation." I'm fucked.

--------------------

KISSES

Alam niyo yung pagod na parang pang twenty years na? Parang ganun yung nararamdaman ko. Feeling ko susuko na ako. Naistress na ako sa school, sa bahay, sa nararamdaman ko. I feel like I'm losing my mind.

May kumatok sa pinto ko. "Ready na yung breakfast, hija." Si Manang.

"Opo." Bumaba na ako ng kwarto ko at dumiretso sa dining area.

Nakaupo si Daddy sa kabilang dulo ng table. Hindi man lang ako tinignan nito. Great.

"Thank you po." Sabi ko kay Manang nang makaupo ako. She gave me a small smile. Alam niya. Minsan nga feeling ko siya nalang ang kakampi ko sa bahay na ito.

Nagsimula na akong kumain habang si Daddy nagbabasa pa rin ng newspaper. Ganyan na siya. Nawala na yung Daddy kong laging nandiyan para sa akin. Hindi ko alam kung hanggang kailan siya, sila magiging ganyan. Hanggang kailan ko dapat pagbayaran yung matagal ko nang kasalanan? Nagmahal lang naman ako. At nasaktan. Sagot ng isip ko. Nasaktan.

"You're coming back here." Malumanay pero puno ng authority na sabi ni Daddy. "I am here." Sagot ko.

Napahinga ito nang malalim bago ibaba yung dyaryo sa lamesa. "Don't get all sarcastic on me, Kirsten."

I rolled my eyes. "Kisses." I corrected him. For the last two years, hindi niya na ako tinatawag na Kisses. Hell, hindi niya na rin ako tinatrato na parang anak.

Napahawak ito sa bridge ng ilong niya. "Dito ka na uuwi." Pag uulit pa nito.

Namumuo na yung luha ko sa gilid ng mata ko pero pinigilan ko itong bumagsak. Magmumukha lang ako lalong kaawa awa sa harapan niya.

"No! Hindi ako babalik rito!" Tumayo ako.

Hinampas niya yung table kaya halos mapatalon na ako. "AT ANO?! MAGPAPAKAMATAY KA NA NAMAN?! SASAKTAN MO NA NAMAN SARILI MO?! AKALA MO BA HINDI NAMIN ALAM NA BUMALIK NA SA LETSENG ESKWELAHAN NA 'YAN YUNG LALAKING IYON?!"

Naramdaman kong naninikip na naman yung dibdib ko. Hindi niya sinabi nang diretso pero pinagdududahan niya ako.

Halos manginig ako sa narinig ko. "H-Hindi ako g-ganung tao!" Hindi ako malandi! Hindi ko magagawang saktan si Marco dahil kay Edward!

Umiwas ng tingin si Daddy at doon ko nakumpirmang tama nga ang hinala ko. "Akala mo babalik ako sa kanya?! Daddy, hindi ako ganoong tao!" Pinagdiinan ko sa kanya.

"Iyan rin ang akala namin ng mommy mo." Halos mapanganga ako. Hindi nila ako mapatawad na muntik ko nang mapatay ang sarili ko noon, ngayon iniisip pa nilang babalik ako sa taong nanakit sa akin?

Padabog akong umakyat ng kwarto ko at kinuha yung mga gamit ko. Wala akong gaanong gamit rito dahil nasa condo ko ang mga ito. Kinuha ko lang yung backpack ko at nilagay rito yung gamot kong nakapatong sa bedside table.

Inabot ko yung mga susi at cellphone ko at lumabas ng pinto. Nakatayo si Daddy sa gilid ng kwarto ko. "At saan ka na naman pupunta?!"

"Uuwi na ako!" Sabi ko habang patuloy sa paglalakad. Sumusunod lang sa akin si Daddy.

Nasa hagdan na ako nang hablutin ni Daddy yung bag sa likod ko. At dahil hawak niya ito, nabitawan niya yung tungkod niya. "Hindi ka aalis! Condo ko iyon! Hindi ka na titira doon!"

Tinabing ko yung kamay niyang nakahawak sa bag ko. Bumagsak ito sa sahig at napakapit sa hawakan sa hagdan.

Nagulat ako sa ginawa ko kaya aalalayan ko sana siya patayo nang sampalin niya ako nang malakas. "Sobrang dami ng paghihirap namin sa'yo tapos ito lang ang igaganti mo!"

Biglang bumuhos yung ulan sa labas ng bahay kasabay ng pagpatak ng luha ko. Hindi pa ako napagbubuhatan ng kamay ni Daddy. Kung naririto lang si Mommy baka – Ano bang sinasabi ko? Parehas na nila akong hindi mahal. Hindi na anak ang turing nila sa akin kung hindi liability.

Tutal ang tingin naman nila sa akin nakakapagpabigat at sakit lang ako sa ulo nila, bakit hindi natin totohanin?

Sinamaan ko nang tingin si Daddy na nanglilisik ang mata sa akin. "Sana namatay nalang rin ako katulad nila!" Sigaw ko. Nanglaki yung mata ni Daddy. Napatakip ng bibig si Manang na kalalabas lang ng kwarto nina Mommy. Agad niyang inalalayan si Daddy patayo.

"B-Bawiin mo 'yan!" Umiiyak na rin ngayon si Daddy pero hindi ko pa rin binawi yung sinabi ko. Sana namatay nalang ako katulad nung mga nauna kong kapatid. Sana nalaglag nalang ako nang hindi sila nahihirapan dahil sa akin! Yun naman ang gusto nila. Ang mawala ang sakit ng ulo nila.

Hindi ko na siya pinakinggan. Dire diretso akong bumaba at lumabas ng bahay. Agad akong sumakay nang kotse ko at pinaharurot ito. Sana mawala na lang ako.

~~~


Helpless » k.w.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon