7 | unexpected

162 12 3
                                    

EDWARD

SHE LOOKS HAPPY. Like how she was when she was with me. I shrugged the thought. She couldn't and wouldn't be happy without me. I'm going to make sure of that.

KISSES

Stress is an understatement when it comes to how I feel about this subject. Kasi hindi lang physically and mentally stressful ang subject na 'to kung hindi in all aspects. 'Di ko gets why this is necessary. I mean, why do we need PE? Hindi pa ba sapat yung PE nung grade school? Nung high school? Bakit hanggang sa college pa?

"Kisses!" Pagtawag sa akin ni Tony. Nasa labas siya ng CR. Hinihintay ako matapos magpalit ng shirt. "Malelate na tayo!"

Hay! Kung bakit kasi irregular ka rin eh. May mangungulit tuloy sa akin, eh ayoko nga ng PE.

For the last two years, lahat ng subjects na pwede i-squeeze sa schedule ko, kinuha ko. Minor man yan o major. Eto lang iniwan ko. PE 4. I didn't want to dance. Well, I still don't.

"Alam mo kapag ako napagalitan ni Coach sa'yo –"

Napasigaw ako na parang batang nagmamaktol. "Ayoko nga kasi! Tsaka what are you doing here sa locker room ng girls?! Talagang papagalitan ka!"

Natawa naman siya bago sumagot. "I'm making sure you're not skipping class."

Nakakaasar. Kahit magkaiba kami ng year at course ni Marco, parang kasama ko pa rin siyang bantay nang bantay sa akin.

"ANTO –" Biglang bumukas yung pinto at pumasok si Tony. Hinila niya ako. "We're late. C'mon."

"Ano baaaaa?! Paano kung nagbibihis pa ako?!" Tumigil siya sa paglalakad at tinignan ako. "Nope. You don't look naked to me." Ngumuso ako at hinayaan na siyang hilahin ako papunta ng gym.

Pagkapasok na pagkapasok namin, lahat ng attention ng class namin, napunta sa amin. Nakaupo sila sa bleachers. Nagtataka. Si Coach naman nakakunot yung noo. "Miss Delavin and Mister Labrusca. Of course." Prof ko siya last sem sa PE 3.

Nagbulong bulungan yung ibang mga nakaupo. Hindi ko sila kilala. Dahil siguro business ad majors ang mga ito. Ito nalang kasi yung section na open.

Nakatingin lang sila sa amin hanggang sa makalapit kami sa kanila. Lalong namula yung mukha ko.

Malabo yung mata ko kaya hindi ko siya agad namukhaan. Hanggang makaupo kami sa harapan niya nakatitig siya sa magkahawak na kamay namin ni Tony. Nakakunot ang noo nito. Hindi ko maintindihan bakit bigla kong binitawan yung kamay ni Tony nang dahil lang sa tingin niya.

Napansin ito ni Tony. "Why?" Bulong niya.

Sasagot pa lang ako nang mapansin na naman kami ni Coach. "Of course, kung sino pa yung late, sila pa yung walang ganang makinig."

Tumahimik nalang kami.

--------------------

Nararamdaman ko yung titig ni Edward sa likuran ko. Simula nung dumating kami, nakatitig lang ito sa akin. Para akong nakukuryente sa ginagawa niya.

"Okay, I'm forming you guys into four groups. Seven each. I'll be doing it randomly." Napagroan yung grupo ng mga babaeng magkakatabi sa harap ko.

"No, buts. Kailangan niyong matapos 'to agad para makapagmove on na tayo sa next activity. Ayaw niyo nun? Maaga matapos ang required activities for this subject, maaga ko kayo ididismiss? Maagang vacation?" Wala nang umangal pa sa kanila, well except dun sa lalaki sa likuran kong narinig kong bumulong. "Who said I want to move on?" Hindi ko naintindihan masyado yung sinabi niya kasi nagsalita na ulit nang pagkalakas lakas si Coach.

"Tatawagin ko kayo isa isa. Pag usapan niyo na kung anong routine ang gagawin niyo for our next meeting."

At ayun na nga, nagtawag na si Coach. "Group one,"

Nawala na ulit sa kanya yung attention ko. Kinakabahan ako. Ayoko mahiwalay kay Tony.

Napansin naman yata ito ni Tony. Inabot niya yung kamay ko at pinisil ito. "Magkagroup tayo. Don't worry." Pagrereassure niya sa akin. Well, buti sana kung hindi lang iyon yung iniisip ko.

"Group three! Andalio! Alonte!" Nakangiti silang tumayo. "Pangilinan! Barretto! Labrusca!"

"Oh shoot that's me." Binitawan ni Tony yung kamay ko at nagjog pasunod dun sa dalawa.

Bumilis yung tibok ng puso ko. "Tawagin mo ako. Tawagin mo ako." Bulong ko. "Shit. You want him so much you don't want to be away from him for thirty minutes?"

Tatarayan ko sana siya nang tawagin yung pangalan ko. "Delavin!" Tinignan ako ni Coach nang nakataas yung kilay.

Agad agad akong bumaba ng bleachers at naglakad papalapit kina Tony. Nang malampasan ko na si Coach, tsaka ulit ito sumigaw. "Barber! Group 3!"

Nanghina yung tuhod ko at muntik pang madapa. Why Lord? WHY?!

~~~

Helpless » k.w.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon