28 | sparks fly

136 12 1
                                    

KISSES

NAKAKUNOT YUNG NOO kong kinain yung ice cream ko. Badtrip ako eh! Hindi na nga natuloy yung beauty sleep ko, kinaladkad pa ako nitong best friend ko sa mall para lang magpalibre!

At talagang pumayag naman yung boyfriend ko! Minsan napapaisip ako na baka si Marco ang best friend nitong buraot na 'to at hindi ako eh. (¬、¬)

Inangat ni Tony yung mukha ko. Nakatingin siya nang diretso sa mata ko.

Bakit ganyan makatingin 'yan?

"Why –" Hindi ko na natuloy yung sasabihin ko kasi pinahiran niya ako ng chocolate ice cream sa ilong ko.

Agad niyang inilayo sa mukha ko yung daliri niya dahil alam niyang kakagatin ko iyon.

"HAHAHAHAHAHA! CUTE MO, BEST!" Tatawa tawa niyang sabi.

I just rolled my eyes at him.

Hindi ako minsan makapaniwala na 20 years old na itong kaibigan kong ito. Napakaisip bata minsan!

"Oh, wag kang pikon." Tinaas niya yung mga kamay niya na parang nagsusurrender na siya.

Sinamaan ko lang siya nang tingin saka umabot ng tissue para ipangpunas sa mukha ko.

Agad niyang inagaw sa kamay ko ito at siya ang nagpunas ng mukha ko. Tumayo pa ito para mas maabot niya ako dahil sumandal ako sa silya ko at lalo siyang sinamaan ng tingin.

"Ang pikon mo."

"Ikaw kaya lagyan ko ng ice cream sa mukha! Ang lagkit niyan eh!" Singhal ko.

Narinig ko yung bulong bulungan ng mga tao sa shop. Bulong na ang lakas at naririnig ko naman.

"Uy, may nagtatalong magshota oh?! Video mo, lagay mo sa facebook!"

"Sana magbreak na sila, type ko yung guy eh!"

Sanay na kami ni Tony na pinagkakamalang may relasyon kapag lumalabas kaming dalawa lang kaya hindi na ito awkward at bago sa amin.

"Cute nila, feeling ko highschool ulit ako! Ganyan kami magbiruan ng boyfriend ko eh!" Kinikilig na sabi nung isa na nakaupo sa table malapit sa amin.

Parang lilipad na yung ulo namin ni Tony dun sa nagsabi nun. Papaano kasi, ehem... paano ko ba sasabihin... uhm... lalaki si kuya mo.

Napansin niya na napatingin kami sa kanya kaya naman kinindatan nito si Tony.

Gusto kong tumawa nang malakas nang mapaupo si Tony na mukhang pinagsakluban ng langit at lupa.

Mas malaki pa kasi yung katawan ni Ate mong Kuya kaysa sa best friend ko.

Inabot ni Tony yung kamay na nakapatong sa table. "Feeling ko naviolate pagkatao ko." Pag e-emo nito.

Hindi ko na napigilan mapatawa nang malakas.

"BWAHAHAHAHAHA!"

This time, siya na yung masama yung tingin sa akin.

Nawala nang kahit papaano inis ko sa kanya. "Bet ka, best!" Lumakas lalo yung tawa ko.

Nilukot niya yung tissue na nasa kamay niya tsaka binato sa akin. Saktong ang laki ng bibig ko dahil sa lakas ng tawa ko kaya na-shoot ito.

Napasmirk si Tony habang dinudura ko yung tissue. "Salbahe."

Nagshrug lang siya bago bumalik sa pagkain ng ice cream.

Ginaya ko nalang rin siya dahil matutunaw na yung ice cream na kinakain namin.

Helpless » k.w.Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon