The moment I stepped foot in this country, I only hoped for people to accept me. I wanted to meet people who will not judge me for what I am. Hindi ko naman hiniling ang magkaroon ng kaibigang maaari kong makasama sa hirap at ginhawa. But I got more than what I hoped for. Dahil nandito ang dalawang pinakamalapit kong kaibigan. Mahal na mahal ko sila at mahal din nila ako. Leaving them was very painful. Ngunit wala akong magagawa. Kailangan kong mamili.

I should do what's best for everyone.

"Magbabakasyon ako sa states," bulong ko.

Nagbago ang ekspresyon ni Conrad. He was quiet but I saw how he wanted to interrupt us. Ang mga mata niya ay nanghihingi ng paliwanag.

"Kasama ko si mommy."

"Doon ka na mag-aaral?" tanong ni Celine.

Niyuko ko ang aking ulo. Another set of lie will come out of my mouth. "Hindi. Babalik ako rito pero sa probinsya na ako mag-aaral," utas ko.

I want them to be with me when I leave. Kaya naman sinabi kong magbabakasyon kami sa ibang bansa. I want them to take me to the airport. Ngunit hindi ko kayang sabihin sa kanila na hindi ko alam kung makakabalik pa ako. Kaya naman naisip ko ito.

"Babalik ka na sa probinsya ninyo? Sinong maiiwan dito? Is your dad coming—"

Hindi natapos ni Celine ang sasabihin niya dahil sa malakas na tikhim ni Conrad.

"When are you coming back from the states?" tanong niya.

Hindi ko matingnan ang mga mata ni Conrad. Mas matinding sakit ang mararamdaman ko kung siya ang magtatanong sa akin.

"Before school starts," I whispered.

Hindi niya iyon pinaniwalaan. I knew him. He also knew me. Alam niya kung kailan ako nagsasabi ng totoo. I wonder if he believed the lies I've said before. Kung talagang kilala ako ni Conrad, marahil alam na niyang lahat ng nalalaman nila tungkol sa akin ay puros kasinungalingan.

Kahit na sobrang naninikip na ang aking dibdib ay mariin ko pa ring tinitigan si Conrad.

"Gusto kong sumama kayo sa paghatid sa akin sa airport. Magkikita kami roon ni mom. Hindi namin kasama..." kinagat ko ang aking labi bago itinuloy ang sasabihin. "Si daddy."

"How about your lola? Hindi ba ay may sakit siya?" Si Conrad ang nagtanong niyon.

Nahigit ko ang aking hininga. Matalino si Conrad. Kung alam niyang nagsisinungaling ako, hahanap siya ng butas upang pasukin ang katotohanan sa mga sinasabi ko.

"Why do you need to go?"

Tiningnan ko siya nang mataman sa mga mata. I'm sorry, Conrad. But this is the only thing that I could give for now.

"Conrad, tigilan mo muna ang mga tanong mo," wika ni Celine. Tila naintindihan niya ang hirap ko.

I want to talk to her. I want to tell her everything. Pero ayokong umalis dito na ang tingin nila sa akin ay isang taong napakasinungaling. For the past days I thought that I might be the same as my dad. I betrayed my friends. At hanggang ngayon ay wala akong balak na magpakatotoo sa kanila.

Kung aamin ako ay magbabago ang tingin nila sa akin. Maaaring magalit sila. Hindi ko yata kakayanin kung iiwan ko silang galit sa akin. It would be better to leave good and happy memories. Ngayon pa't hindi ako sigurado kung makikita ko pa sila. I also want to bring those memories with me. Kahit pa karamihan doon ay kasinungalingan lamang.

Umalis kami sa kiosk. Hindi na nanghingi pa ng paliwanag si Celine. Conrad, on the other hand, made me feel that he's not satisfied with my answers. Pero nanahimik lang din siya. Ang akala ko pa ay galit o nagtatampo siya ngunit nang sulyapan niya ako at nginitian habang palabas kami sa school ay nawala ang pag-aalala ko.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin