X

1.9K 197 10
                                    

Chapter 10: Lost in the Woods

Napahawak ako sa pisngi ko. I’m sure. I’m really sure that I’m blushing right now. I don’t know, why the hell did I do that to Esh-esh earlier?! I must be out of my mind! Argh!

Napasabunot naman ako sa sarili ko nang maalala ko na naman ang mga nangyari kanina. 

“You’re not normal, Beatrice!” I screamed in frustration. 

Naramdaman ko na naman ang pag-init ng buong katawan ko. Agad akong napatayo nang makita kong nasusunog na pala ang aking inuupuan!

“Hell of all hellers!” tarantang sigaw ko at pilit na pinatay ang apoy.

‘Control your power. ‘Wag puro landi,’ I stopped when I heard that voice in my mind.

Ano ‘yon? Sino ‘yon? Nababaliw na ba ako?!

“Sino ka?” tanong ko at parang abnormal na lumingon-lingon sa paligid pero wala akong nakitang kahit anino man lang.

Hindi ako nasasaktan sa apoy ngunit natatakot ako dahil baka masunog ang buong kagubatan!

‘Try to use your hydrokinesis ability to stop the fire,’ nagsalita na naman ang kung anong ito sa isipan ko.

Ano ‘to, konsensiya ko? Nasisira na ba ang isipan ko dahil sa mga kakaibang nagyayari sa ‘kin sa lugar na ito? Nako naman! Sana hindi pa!

“Sh*t!” napamura naman ako nang wala sa oras no’ng makita ko na dumarami na ang apoy.

‘I said, use your hydrokinesis ability!’ nagulintang naman ako sa malakas na sigaw sa isipan ko kaya sinabunutan ko na naman ang sarili ko.

“I can’t! Hindi ko nga makontrol ang apoy ko, paano pa kaya 'yong tubig ko?!” inis kong reklamo sa nagsasalita.

Nakarinig naman ako ng miserableng buntong-hininga. ‘Close your eyes and feel that indescribable sensation inside you,’  that voice inside my head said.

Sinunod ko naman ang sinabi niya. Hinay-hinay kong ipinikit ang aking mga mata, kasabay no’n ang sinabi n’yang damhin ko ang kakaibang sensyasiyon. Totoo nga! Mayroong kakaiba akong nararamdaman!

‘Buksan mo ang isang berdeng pinto at kunin mo ‘yong kapangyarihan mo roon,’ saad pa nito sa aking isipan. Wala akong maintindihan kung bakit kailangan kong gawin ang sinabi n’ya pero wala akong choice.

Napakunoot ang noo ko nang nasa ibang lugar na ako. 

Parang nasa ibang dimensiyon ako ng mundo.

Puno ito ng mga klase-klaseng pintuan na nakasarado pa, ngunit may isang pintuan ang nakabukas na. Ang asul na may pagka-black na pinto. 

Naglakad naman ako patungo rito upang tingnan kung ano ang nasa loob.

Ang buong silid ay napapalibutan ng asul na apoy.

Animo’y isang galit na galit na tigre sa lakas ng liwanag.

Tumaas naman ang kilay ko nang mapagtanto ko kung bakit naging ganito ito ngayon.

Kaya ba nakabukas ito dahil nagawa ko na itong ipalabas? Nagkibit-balikat na lang ako sa pumasok sa aking isip.

And I remember what that voice said a while ago.

Kailangan kong hanapin ang berdeng pintuan.

I wandered my eyes around, looking for the green door. I halted when finally, I found it.

Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa’t naglakad na patungo rito t’saka binuksan na ito.

Naramdaman ko namang bumabalik na ako sa totoong dimensiyon kaya iminulat ko na ang aking mga mata.

‘Good. Nagawa mo,’ pagbati nito sa aking isipan. 

Napatingin ako sa kamay ko. May tubig na nag-form doon, na para bang bola. Agad ko namang ni-release ang ball of water sa apoy. Then I commanded na patayin ang apoy. 

Then it works!

I jumped happily when I realized that finally used my hydrokinesis ability without making it run out. Alam niyo na, no'ng nasa classroom pa ako at tina-try ni Miss Anika ang mga ability namin.

“Thank you,” I said in a joyous tone.

‘Hindi—’ magsasalita na naman sana ito ngunit hindi niya na itinuloy dahil sa hindi ko alam na dahilan.

Parang nabunutan naman ako ng tinik, kaya’t napalingon ako kung saan. Bigla namang tumaas ang balahibo ko kaya napayakap ako sa aking sarili.

Hala, beh! Baka multo talaga iyong nakaka-usap ko kanina! Diyos kong mahabagin, bantayan niyo po ako rito!

Nasaan na ba kasi ‘yong unggoy na iyon? Sabi n’ya ay babalikan niya ako kasama sina Eunice! Bakit ang tagal-tagal n’ya?! Baka iniwan niya na ako dahil sa nakakah'yang ginawa ko kanina. E, hindi ko naman iyon sinasad'ya, parang may kung anong nagko-kontrol sa katawan ko na hawakan ko ‘yong malagkit at nakakadiri niyang pisngi!

Bigla naman akong nakarinig ng isang nabaling sanga.  Kaya parang abnormal akong umiiling-iling dito.

The Dark Controller GoddessWhere stories live. Discover now