Ipinikit ko na lang ang mga mata ko at hinihintay na bumagsak ako sa lupa, ngunit laking gulat ko nang tumalbog ako sa isang parang jelly ace na yari sa tubig.

Napatingin naman ako kay Esh-esh na ngayon ay nakahimlay sa gilid. Wala na itong malay, at ang dungis ng pagmumukha n’ya.

“Hoy, unggoy!” tawag ko sa kan’ya ‘tsaka s’ya nilapitan. Niyugyug ko ang katawan niya ngunit hindi ito kumikibo. Nako, nako! Ito na nga ba ang sinasabi ko!
 
‘Anong ginawa mo sa sagradong lugar na ito?!’ isang nakakasakit sa ulo na sigaw ng kung sino sa isipan ko. Alam ko kung sino ang nakakapagsalita sa isipan ko.

Lumakas pa lalo ang hangin kaya napatingin ako sa itaas. Lumilipad ang dragon, at hindi ko man mawari ang kan’yang ekspresiyon dahil sa kakaibang wangis nito, ay alam kong galit na galit ito.

‘Mga walang respeto!’ dagdag pa nito.

Tumayo naman ako at tiningnan s’ya nang nakakunot ang noo.

“Time pers lang, ha!” sigaw ko habang tinatabunan ng kanang kamay ko ang itaas na bahagi ng mukha ko. “Itong kasama ko ‘yong nauna kaya s’ya ang pagsabihan mo kasi inosente ako!” dagdag ko at itinuro si Esh-esh na hanggang ngayon ay wala pa ring malay.

Tama naman ako ‘di ba? Siya naman talaga ‘yong naunang nagsabing mag one-on-one kami!

‘Lapastangan!’ sinunog naman niya ang nakapalibot sa amin kaya sinamaan ko s’ya ng tingin.

“Aba! Sinabi mong walang mag-aaway dahil sagrado ito pero ikaw naman ‘yong nang-aaway sa amin!” pangangatuwiran ko. Tiningnan naman niya ako nang masama at unti-unting nag-landing sa lupa.

‘Pinoprotekhanan ko ang lugar na ito, iba ‘yon sa paglalaban!’ aniya kaya inirapan ko s’ya.

Halata namang nagalit siya sa ginawa ko kaya bumuga pa ito ng napakaraming apoy. 
 
Wow! Ano ba itong mindset ng yucky na dragon na ito?

Ayaw n’yang masira ang banal—o, ano, sagrado ba ‘yon?  A, basta! ‘Yon na ‘yon! Pero siya ‘yong sumisira nito! Psh.

“Bad dragon!” sabi ko na para bang isa siyang pusa. Napatabingi naman ang ulo niya sa sinabi ko at para itong nasaktan. 

“Now sit!” hindi ko alam kung ano ang aking ginagawa ngunit sa hindi inaasahang pangyayari ay sumunod ito sa aking utos. 

Lumapit naman ako sa kan’ya na para bang isang zoo keeper na pinapaamo ang isang leon na nagwawala sa loob ng hawla. Wala rin akong ideya kung bakit ko ito ginagawa, subalit bahala na si Batman! Basta hindi n’ya lang kami gawing hapunan ni Esh-esh, o ‘di kaya si Esh-esh na lang ang gawin n’yang hapunan niya, ayos na ako ro’n!  “Easy, easy,” dagdag ko pa with matching hand gestures pa ‘yan para feel niyang isa s’yang pusa, pero hindi naman talaga. 

‘Tsk!’  I heard the dragon click its tongue. 

Ngumisi naman ako no’ng makita kong napaiwas ito ng tingin sa akin.

‘Umalis na kayo rito,’ aniya at bumalik na sa walang tubig na lawa.

Nagpaikot-ikot naman ito bago umupo. 

“Ano bang pangalan mo?” tanong ko sa kan’ya at nakahinga na nang maluwag dahil wala na ang delubyo na mangyayari sana dahil sa unggoy na ito. 

‘Umalis na kayo!’ pag-uulit nito sa kaniyang sinabi at mukhang magagalit na naman kaya napaatras na lang ako at pilit na ginigising si Esh-esh na hindi pa rin nagkakamalay.

PAK!

Isang napakalakas na sampal ang inabot n’ya sa ‘kin kaya nagising ito sa gulat.

“What the heck did you just do?!” he complained and was about to attack me, however, when he saw the dragon, he immediately acted like he is a very kind immortal. Psh, hypocrite monkey jerk. 

“Bye-bye, bad dragon!” huling sigaw ko dahilan para mapa-roar ito nang malakas.
 
Mabilis naman akong itinulak ni Esh-esh kaya halos matumba ako sa ginawa n’ya, at parang papatayin ko naman s’ya sa sama ng tingin ko sa kan’ya. 

“Tara na, alam ko kung nasaan sina Eunice!” aniya sa akin kaya sumunod na lang ako sa likod niya. 

Habang naglalakad kaming dalawa sa mapusok na gubat ay palingon-lingon ang unggoy na ito sa direksiyon ko na s’yang ikinataas ng aking kilay. 

“What? Is there something disgusting about my appearance?” I asked while feeling distracted.

“Your...” Meron  naman s’yang parang inaano sa dibdib n’ya kaya napatingin din ako sa dibdib ko. 

Halos lumuwa naman ang aking mga mata nang makita ko na malapit na palang makita ang buong kaluluwa ko dahil sa punit-punit na gown na ito!
 
“Pervert monkey!” usal ko habang tinatakpan ko ang dibdib ko sa hiya. Naman, Beatrice, e! Bakit ngayon mo lang ito napansin?! Nakakahiya!

“Anong pervert? E, ikaw na nga itong pinagsabihan!” saad niya at napatingin sa malayo. Nakita ko naman ang suot niyang tuxedo kaya agad ko itong hinablot at pilit na inihuhubad sa kan’ya. 

“Ano bang ginagawa mo?!” reklamo nito at nakipaglaban sa pagkukuha ko sa suot n’ya. 

“Akin na ito!” I said while forcefully taking away his blazer. 

Naglalaban pa rin kami. Ano ba ‘to?! Pangtakip lang e! Napakadamot at hindi maginoo! Kaya walang nagkakagusto sa mokong na ito, e!

“Sabing sa ‘kin muna ‘yan! Nakikita mo naman ang sitwasyon ko, hindi ba?” iritado kong sambit sa kan’ya ngunit hindi pa rin s’ya nagpatinag.

“Ang ginaw-ginaw kaya tapos kukunin mo pa! Ikaw ata ‘yong manyak, e!

Hinubaran mo ako! Manyak na bruha!” Aba’t?! Kung I-mudmud ko kaya ‘yong nguso n’ya sa lupa para hindi na s’ya makapagsalita pa?

“Ayaw mo, ha?” kinagat ko naman ang labi ko sa inis dahilan para mapaatras s’ya nang bahagya.

Kinuha ko naman ang necktie niya, at inilapit siya sa akin.

“Give me that blazer, and I will teach you a very bad lesson,” I muttered, making him gulped a few times.

Akmang huhubarin niya na sana ang blazer niya ngunit sa hindi inaasahan, natapilok ako dahilan para matumba kaming dalawa at mamudmud ang mukha ko sa dibdib niya. Napangiwi kami sa lakas ng pagkakatalbog namin sa lupa.

Sumakit naman ang ulo ko ro’n kaya napatingin ako sa kan’ya na kasalukuyang nakatingin din sa akin.

Ilang segundo ko siyang tinitignan. dahilan para mas lalong sumakit ang ulo ko. Agad naman akong napatayo roon.

“Aray,” mahinang sabi ko habang hinahawakan ang aking ulo.

“Ayos ka lang?” Tumayo naman siya ‘tsaka napatingin sa akin. Hindi ako sumagot sa tanong nkya dahil sobrang sakit talaga ng ulo ko na hindi ko rin alam kung ano ang dahilan. 

“Ito na, o! Pasensya na kung naging makulit ako, gusto lang naman kitang asarin!” wika ni Esh-esh habang hinuhubad ang puting blazer niya ‘tsaka isinuot sa akin. 

Mukhang na-guilty ‘ata s’ya sa kan’yang nagawa. “Ibalik mo lang ‘yan, ha, kapag nagkita tayo sa dorm!” dagdag pa nito, at inayos ang blazer. 

Agad akong napatingin sa kan’ya, hindi ko naman sinasad’yang matitigan ang kulay kayumangi n’yang mga mata. 

May sinasabi pa s’yang kung ano-ano sa harapan ko ngunit hindi ko ito naririnig. Parang nasa ilalim ako ng isang dagat at s’ya naman ay nasa itaas.

May isang nakakabinging tunog naman akong narinig, dahilan para mapapikit ako sa sakit. 
  
“Let’s meet again in our second life, Ayesha...” 
 
Hindi ko alam pero tumulo ang luha ko no’ng marinig ko iyon. 

Hinawakan ko naman ang pisngi ni Esh-esh kaya nagulat siya sa ginawa ko. 

“A-Ano sa tingin mo ang ginagawa mo?” utal nitong sabi at parang natatarantang hinawakan ang aking kamay.  Napangiti naman ako sa naging reaksiyon n’ya.

“Jouesh...” 

END OF CHAPTER 9

The Dark Controller GoddessWhere stories live. Discover now