Chapter 3

39 4 0
                                    

Pambihirang babae. Iniwan talaga niya ako, himutok niya sa sa isip. Masayang-masaya ang pakiramdam niya. Ang sarap pikunin ni Arianne. Namumula na ito sa pagkapahiya. Sinundan niya ito sa loob ng kainan. Nasa counter na ito at parang umoorder na.

"Isang tapa meal na lang ang akin Miss."

"Ganun na rin ang sa akin Miss. " Nginitian ko ang waitress. Umingos naman si Arianne.

"Selos ka no?"

"Feeling ka diyan."

"Don't worry, di kita ipagpapalit diyan," bulong ko sa kanya. Ang bango bango nito. Parang baby. Kung pwede lang niyang hantarang amuyin ito.

Napaigtad ito. Medyo lumayo sa kanya. Tiningnan niya ang mukha nito at at nakita niyang namumula na naman ito. Humanap ito ng table sa may sulok at naupo doon. Natawa siya.

"Sir, 367.50 po lahat."

Napalingon siya sa waitress. Lalo siyang natawa. Sa pagmamadaling makalayo sa kanya, nakalimutan na nitong magbayad. Naglabas siya ng 500 bill at inabot sa waitress. Habang naghihintay ng sukli ay muli niyang nilingon si Arianne. Hawak nito ang cellphone. Pagkaabot ng sukli sa kanya ay pinuntahan na niya ito. Abalang-abala pa rin ito sa cellphone nito.

"Ano bang meron ang cellphone mo at mas gusto mo pa yatang titigan yan kaysa sa akin ha?"

"Ito kasing cellphone ko, super behaved. Eh ikaw?"

Tumawa na lang ako. Kumain kami ng tahimik pagdating ng aming mga order. Sumusubo ito ng piraso ng tapa ng parang may maalala. Dumukot ito sa bulsa at inilapag sa mesa ang isang buong dalawandaan.

"Bayad ko pala sa food. Kakainis ka kasi. Nakalimutan ko na tuloy."

"Ako pa ngayon ang nakakainis? Grabe ka talaga Arianne. Ang lupit mo."

"Eh sino ba kasi ang pabulong-bulong diyan? Kung hindi ka lang gwapo, iisipin kong man-"

"So gwapo ako?"

"Hindi. Maniac ka."

" Pero gwapo naman di ba?"

"Maniac pa rin. Anong gagawin mo sa gwapo kung maniac di ba?"

"Ah, ikaw pa lang ang kauna-unahang nagsabi sa akin niyan. Pero okay lang kasi sinabi mo pa ring gwapo ako. "

Tahimik na sumimangot na lang ito na ito pero kitang-kita na naman niya ang pamumula ng pisngi nito. Hindi na naman niya napigilang tumawa. Pinukol siya nito ng nakamamatay na tingin. Ipinagpatuloy uli nito ang pagakain. May ngiti sa mga labing sumubo siya ng sinangag at tapa. Iyon na yata ang pinakadabest tapa na natikman niya kahit medyo makunat at mahirapa kagatin iyon. Pero siyempre pa, bias siya.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Apr 29, 2018 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

The Bucket ListWhere stories live. Discover now