Chapter 2

21 3 0
                                    

Nagulat si Tom sa naging sagot ni Arianne. Although he is half expecting that she agree, hindi niya akalain na papayag agad ito. Mukha ngang bored na bored ito sa buhay. Her face lit up when she said Yes.

"Paano ba? Susunduin na lang kita sa inyo para sabay na tayong pupunta sa venue?"

"Hala. Nakakahiya naman sa iyo. Doon na lang tayo magkita sa venue."

Halatang-halata sa mukha nito na hindi ito sanay na may sumusundo dito. Ibig sabihin wala itong boyfriend. He felt glad knowing that fact. Hindi niya alam pero napakrefreshing ng aura ng mukha nito. Ang sarap titigan.

"Ayaw mo talaga? Nagpapakagentleman lang ako. Wag kang mag-alala."

"Hindi wag na nga."

"Ayaw ko na ngang ipilit baka magback out ka eh."

"Grabe ka naman. May isang salita ako no?"

"Joke lang. Masyado kang serious. Don't take life seriously." Umingos lang ito. Ang cute cute nitong tingnan.

"Pwede ko bang makuha ang number mo?" Tumingin ito sa kanya, nagtatanong ang mga mata.

"Para matext natin ang isa't isa sa next stop natin. Baka pala hindi ka avalaible o may emergency ka, mas madaling mag-inform. "

Namula ito. Hindi pa ba ito nahihingan ng number? Ah, he is looking forward to a very exciting days with her.

Idinikta nito ang number nito. Pinaring niya kaagad iyon.

I can be tough I can be strong. There's a girl. Avril Lavigne. Tinapos niya ang tawag at i-sinave ang number nito.

"Yan ang number ko. Pakisave na rin ha. Para naman hindi ako makareceive ng "Hu u" text from you. "

"Ah ewan ko sa iyo. Hindi naman ako nagrereply ng ganun."

"Ano pala ang nirereply mo?"

"Pinapadalhan ko ng smiley."

"Bakit smiley?"

"Wala lang. To brighten up their day."

Natawa na lang siya. Hindi na niya ito kinulit kung totoo o hindi iyon.

"So paano jogging na ulit tayo, let's finish Bucket List Number 1."

Tumayo na rin ito. They started running. Ang sarap pala magjogging ng may kasabay lalo pa kung isang maganda at cute na babae. Kung kahapon, tinatawanan niya lang ang list, ngayon gusto na niyang ipa-frame iyon.

They jogged in silence for a few minutes. Gusto niyang magsimula ng conversation pero hindi niya naman alam kung paano.

"For our Bucket List 2, saang church mo gustong pumunta?" She was glad he started talking.

"Ako, gusto ko sa Quiapo. Hindi pa ako nakakarating dun."

"Okay, two more. "

"Aba, teka lang bakit ako ulit ang magsusuggest? Ikaw naman."

"How about Sto. Domingo Church? Sikat ang simbahan na yan. Diyan nagpakasal si Korina Sanchez di ba? "

"Mahilig ka showbiz?" Shocks! Naisip ko na sana naman hindi siya bading. Erase. Bad thoughts. "Okay na rin iyon. Last na lang. "

"Nanonood ako ng balita kaya ko alam iyon. It was all over the news kasi mag-eeleksyon yun hindi ba?" He sounds defensive. Para bang nabasa niya ang iniisip ko. Medyo napahiya ako ng konti.

I decided not to comment further sa showbiz topic. "Isip tayo ng isa pa. "

"Baclaran?." Nagtawanan sila kasi pareho ang nabanggit nilang pangalan.

"So okay na? Quiapo, Sto. Domingo and then Baclaran." Tumigil siya sa pagtakbo. Grabe, ang hirap pa lang magjogging. Pero sa tingin niya, sulit naman ang bawat pawis at pagod niya. Ang gwapo kaya ng kasama niya.

"Pagod ka na ba? Six na rin naman. Pahinga na tayo and congratulations to us. Nakatapos na tayo ng isa. Six more to go." Parang nakaaccomplish ng malaking bagay ang ngiti nito.

She couldn't help but smile back.

"Congratulations to us."

"Bakit di muna tayo magbreakfast? Para mapag-usapan na rin natin ang Bucket List 2 natin. My treat."

"Kanya-kanyang bayad na lang tayo."

"Ouch. Ngayon lang ako nagyaya ng girl sa breakfast, ayaw pang palibre."

"Hay naku hindi bagay sa iyo ang magdrama ng ganyan. Kung hindi ko pa alam, araw –araw may niyaya kang magbreakfast."

"Is that your way of asking if taken na ako? "

"Hoy, hindi ah. Kapal mo talaga,' agad kong depensa. Naisip ko, halatang-halata ba na inaalam ko kung may girlfriend na siya?

Nagsimula na silang mgalakad para maghanap ng makakainan.

"Ikaw palang ang niyaya kong magbreakfast. Iyong iba, sila ang nagyaya sa akin. Ewan ko ba, masyado siguro akong gwapo kaya ganun. Tingin mo?"

"Tingin ko, humahangin na ng malakas. Grabe talaga ang yabang mo ah. Wala na akong masabi." Tiningnan ko siya ng palihim. Pero napatingin din siya sa akin. Tumatawa ang mata nito sa kapilyuhan.

"O, baka naman crush mo na ako ha? Pigilan mo ang sarili mo. Ilang oras pa lang tayong magkasama. Madali pa naman akong bumigay."

Seryosong seryoso ang pagkakasabi nito pero ewan niya ba hindi niya napigilang tumawa ng malakas. Napatingin tuloy sa kanila ang ibang mga morning joggers na mukhang pauwi na rin.

"Hoy, tama na yan. Kung makatawa ka diyan parang din ka na sisikatan ng araw bukas ah. Save something for tomorrow."

"Ikaw kasi eh. Hindi ko alam na kaladkarin ka pala. " Naisip kong sakyan ang drama niya.

"Kung ikaw ang kakaladkad sa akin, kahit sang lupalop pa yan ng mundo, sasama ako."

"Kahit sa Iraq o Afghanistan?"

"Oo naman. For you Arianne, I will do everything. Anything to make you happy."

Di niya mapigilang kiligin. Sana totoo ang lahat. Wait. Did she just say that? Lagot, mukhang nanganganib nga ang puso niya sa lalaking ito. Kasi naman everything is all so new to her. Ngayon lang siya kinilig ng ganito. Late yatang lumandi ang puso niya. But she like the feeling. Sana noon pa niya napulot ang bucket list na iyon.

"Tara na ngang kumain. Tama na yang drama mo."

"Pagkatapos mo akong paasahin, bigla mo na lang akong iiwan? You just broke my heart Arianne.

"Tom awat na. Mukha ka ng tanga diyan."

Nagpaawat naman ito. "Grabe bato ba yang puso mo. Giinawa ko na ang lahat di ka man lang naapektuhan? "

"Bakit totoo ba iyon?"

"Gusto mo bang totohanin? I'm very much available." He winked at her.

Natempt siyang sumagot ng yes. But she knows better.

"Gutom lang yan Tom. Tara na. Ayan may nakikita na akong kainan. Diyan na lang tayo. Mabawas-bawasan ang gutom mo. "

'"Hindi pa nga tayo, under na agad ako? Ang malas ko naman. Pero okay lang ganyan kita kamahal. Kahit utusan mo pa ako minu-minuto. "

"Tumahimik ka na nga diyan. " Nauna na siyang maglakad papunta sa nakitang restaurant at baka mabuking pa nito na pinipigilan niya lang kilig na kanina pa niya nararamdaman.

The Bucket ListWhere stories live. Discover now