Chapter 77 - FINAL

Start from the beginning
                                    

"Pwede ba kong pumunta don, Lo?," tanong ko.

"Wag muna Apo, hayaan mo munang magpagaling si Mr. Hartz don," sagot niya.

"Pero Lo, gust-,"

"Apo, makinig ka gagaling din siya. Kung hindi ngayon, bukas o sa isa pang bukas," pagputol sa akin ni lolo.

"Hanggang kailan pa po ako maghihintay para makita siya? na naman...," inis kong tanong sabay alis.

"Apo, hindi ko alam ang mangyayari sa future. Maghanda ka na lang dahil bibigyan ka ng award sa isang linggo," sabi ni lolo.

"Tsk," ayun na lang ang nasabi ko sabay alis.

"Zap san ka pupunta?," tanong ni yoona.

"Gusto ko munang mapag isa," sagot ko.

"Wow, sinama ako tapos iiwanan rin," rinig kong sabi ni yoona.

...

Gusto ko munang mapagisa, kahit hindi ko pa alam ang lugar na ito lilibutin ko na lang. Gusto kong makita si Zhen pero ayaw nila. Bakit ba? pupunta lang naman ako don yun lang. 

"Ms. Zap," rinig kong tawag sakin mula sa likuran ko.

"Sir. Winston?," si sir winston pala

"Winston na lang.... kamusta na pala si Mr. Hartz?," tanong niya.

"Zap na lang din...yon critical daw. Gusto ko ngang makita pero ayaw ni Lolo. Bakit? Eh kakamustahin ko lang naman si Zhen kung ok na ba siya o hindi," sagot ko.

"Baka naman ayaw ka lang masaktan ng Lolo mo," sabi ni winston ng walang emotion sa muka. Laging seryoso.

"Ayaw masaktan? lalo nga akong nasasaktan dahil ayaw niya ako payagan,"

"Baka ayaw din naman ni Zhen na makita mo siyang ganon,"

"Puro ka 'baka', wala ka bang sure na sasabihin, tyaka, may alam ka ba sa amin ni Zhen ha,"

"Wala, sige na. Ay..saka nga pala maghanda ka na para sa pag award sayo. Malay mo gumaling na si Zhen sa isang linggo at siya pa ang mag award sayo," sabi nito sabay alis.

"Sana nga," hayys dahil sa sinabi niya umaasa na naman ako. 


1 Week Later


Isang linggo na ang nagdaan at mamayang gabi na ang Awarding. Bakit wala na akong balita kay Zhen? Lagi kong tinatanong sila Lolo kung may balita ba, hindi naman ako sinasagot kundi nagpapagaling pa daw. Hayys, pero baka naman, isusurprise nila ako mamaya sa Awarding. Sana talaga. 

Nageexpect na naman ako, pero sana talaga.

"Zap, Let's go," tawag sakin ni Megan.

"Wait, may tatanong lang ako kay lolo. Nasan ba siya?," tanong  ko.

"Nasa offie yata ni Sir. Winston. May sasabihin daw.. yun narinig ko kanina eh," sagot niya.

"Sige, sige pupuntahan ko lang,"  paalam ko.

...

Ayun, Mr. Goldenzell's Room

"Sir Winston, pwede bang hindi na muna makarating kay Zap ang nangyari kay Zhen," rinig kong pagsabi ni Lolo mula sa  pagbukas ko ng pinto. Anong nangyari kay Zhen? Hindi ko na napigilan ang sarili ko at dali daling pumasok.

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now