Chapter 74 - The Truth

56.2K 1.3K 308
  • इन्हें समर्पित: BlueDemZard
                                    

Chapter 74 - The Truth

*Zap's POV*

*Ding Dong*

"Ma'am Zap! Bumalik po kayo. Mayroon pa bang kayo nakalimutan?," tanong ni yaya in.

"Ay wala po, kakausapin ko lang si Sir Dan Rick," sagot ko, kailangan kong malaman lahat ng mga nangyari nung araw nang pagkamatay ni papa.

"Ay sige po tuloy po kayo," yaya in at pinapasok na ko sa loob.

"Ms. Kurshwell? maupo ka muna," Mr. Dan Rick


"Sorry po sa inasal ko kahapon"

"Alam kong hindi mo pa alam ang mga nangyari noon kaya hindi kita masisisi"

"Kung ganun, alam niyo po ba kung sino talaga nag tunay na salarin?"

"Sigurado akong  ang pinuno ng Black Agency ang may kagagawan ng lahat ng iyon at sa pagpunta ko sa ibang bansa ay doon ko nakilala si Girvin Jones, ang kapatid ni Xavier Jones" 


" Sino po si Xavier Jones?"


"Siya ang namumuno ng Black Agency, sinabi ng kapatid niya ang lahat ng mga nalalaman niya kaya namatay rin ito tatlong araw ang nakalipas.


At gaya ng isinalaysay niya nagkaroon ng false news na pinatay ng Ama mo ang mga tauhan ng Black Agency kaya naman nagsimula na ang away ng dalawang Agency na nangyari mismo sa kaarawan ng ama mo. 


Sinubukan kong iligtas ang ama mo ngunit nahuli na ako ng dating. 


Isa lang ang sigurado sa ngayon, mayroong hawak ang Black Agency na mahalaga sa ama mo kaya nagawa niya kaming traydorin at ang bagay na iyon ay hindi ko pa rin alam magpahanggang ngayon" salaysay niya.


"Pero bakit po binanggit niya yung pangalan niyo? Sinabi niya ang pangalang Danny bago siya tuluyang malagutan ng hininga" 


"Hindi iyon dahil sa ako ang pumatay sa kanya kundi ako ang isusunod ng Black Agency.  Nabalita sa mundo ng mga Agents, Spies, at Gangster ang nangyari, lahat ng loyal sa daddy mo ay agad akong pinaghahanap para patayin pati na rin ang Black Agency kaya inutos ng Ministry of Golden Security na mag ibang bansa muna ako hanggat hindi pa nila nahahanap ang kuta ng Black Agency at mapatunayang hindi nga ako ang pumatay," sagot nito.


"Sorry po talaga sa ginawa ko, please accept my apology" isang misunderstanding lang ang lahat, kasi naman Zap nagjujudge ka kase agad.


"Okay lang anak"

"Oo nga po pala meron po akong dala ngayon na letter na nakita ko pong nakasiksik sa picture frame ni Papa"

Ibinigay ko ang papel sakaniya at binasa niya naman iyon. 

" Kung gayon, tinraydor din ni Zach ang Black Agency?" 

Ang kaninang kalmado niyang mukha ay nagbago bigla, at nagtaka na lamang ako nung dali dali siyang umakyat ng kwarto at iniwan akong gulong gulo rito.

Mr. Bully meets Ms. Gangsterजहाँ कहानियाँ रहती हैं। अभी खोजें