Chapter 67 - Wrong Timing

76.5K 2.5K 964
                                    

CHAPTER 67 - WRONG TIMING

(Zap's POV)

Takbo lang ako ng takbo habang nakasunod ang baboy ramo sa likuran ko, Naku! pano na yan? Halos sampung minuto na lang ang natitira, kailangan ko ng marating kung nasaan man si kumag ngayon.

Lintek naman kasi tong baboy ramo na toh, napaka wrong timing! haisht!

Sinubukan kong kumapa kapa sa loob ng bag ko upang makakuha ng weapon dun, pero dahil sa patuloy na pagtakbo ko ay  lalo lang akong nahihirapan maghanap.

Haisht! Lintek! 

Pano na toh?

Nang mabuksan ko na ang bag ko ay dali dali akong kumapa kapa doon.

Sana nasa taas lang ang baril, pls..pls.

Pero dahil sa kakapa kapa ko ay tuluyan ng nahulog ang isang baunan na naglalaman ng mga hotdog ko na syang nasa ibabaw lamang ng aking bag. 

Agad akong nanghinayang nang makitang nagkadatapon tapon iyon ng lumingon ako sa aking likuran.

Waaaaaaaaah!!! Gutom na gutom na pa naman ako huhuhuhu

Pero nagtaka ako ng biglang tumigil sa pagtakbo ang baboy ramo na nakasunod sakin at nang nilingon ko ito ay sya ang kumain sa mga hotdog na natapon.

*sigh* sayang naman yung hotdog ko, ang dami pa naman nun! pero sige sayo na lang, kinuha mo naman na eh!

Teka!

Agad kong binaba ang bag ko para hanapin ang baril ko, buti na lang pala nahulog ang hotdog ko, kaya nakakuha agad ako ng tyempo.

Napangiti ako ng masilayan ko na ang baril ko at dali dali iyong kinuha.

Muli kong isinara ang bag ko atsaka sinuot ang belt nito sa bewang ko.

Nang makitang patuloy pa rin sa pagkain ang baboy damo ay agad akong nagpaputok malapit sa kinaroroonan ito na dahilan ng mabilis nitong pagtakbo.

*ting!*

I have an idea!

 Mabilis kong tinahak ang pagitan saamin ng malaking baboy ramo na ito atsaka sya sinampahan.

Mabuti na lang pala at may kalakihan toh, mukhang kayang kaya nya akong buhatin!

Muli akong nagpaputok  sa likuran ng baboy ramo na nagpabilis ng kaniyang takbo.

Wooo----- woaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaaa!!!


Ang biliiiss!!!!!!!!

Piling ko anytime mahuhulog ako o mahahagis, pero ayos lang dahil makakatulong ito para makarating agad ako sa tuktok ng bundok.

Patuloy ako sa pagpapa putok ng baril para lalong bumilis ang takbo nito.

Good Job natatanaw ko na ang tuktok! 

Pero napakunot ang noo ko ng mapansin na umiiba na ang direksyon nito kaya agad na akong tumalon mula sa likod nito at humawak sa balikat ko ng humapdi ito lalo sa muling pagkakadali.

Haisht!

Tinakbo ko na lamang ang pagitan saakin ng tuktok dahil tanaw na tanaw ko na ito, pero bago iyon ay tiningnan kong muli ang relo ko para icheck kung anong oras na.. 7:59.. 

"7:59 ??!??"

Sh*t! Isang minuto na lang pala!

Nang marating ko na ang tuktok ay sigurado akong sasakto na lamang iyon sa isang minuto kaya agad ko ng kinasa ang baril ko para paghandaan ang mga susunod na mangyayari.

Mr. Bully meets Ms. GangsterWhere stories live. Discover now