Mariin kong kinagat ang aking labi. Hindi ko alam kung ngingiti ba ako o iiyak sa kaniyang sinabi. Ang dalawang iyon ay dahil ligaya ang naging hatid ng kaniyang mga salita sa akin.

Tuluyang dumilim ang aking paligid nang ipikit ko ang aking mga mata. Niramdam ko ang init ng kaniyang mga daliri. Habang magkahawak ang kamay namin ay dinala naman niya ang isang kamay niya sa aking pisngi. Hinaplos niya iyon. Itinagilid ko ang aking ulo upang idantay ito sa kaniyang palad.

I took in a deep breath when I opened my eyes. Nagulat ako nang ilang pulgada na lamang ang layo ng aming mga mukha sa isa't isa. Mataman niya akong tinititigan. I couldn't bear the way his eyes were looking at me. It was so overwhelming. Kaya naman pumikit na lamang akong muli.

Naramdaman ko ang pagdaan ng hininga niya sa aking labi. I could almost feel his lips. Isang pagkakamali lang na gumalaw ako ay magdidikit ang mga labi namin. But everything happened so fast. Nawala ang palad niya sa aking mukha. Bumitiw ang kaniyang kamay sa akin. Pagdilat ko ay saka ko lamang napagtanto ang muntik na sanang mangyari kung hindi bumitaw si Conrad.

"Elaine," boses ni Mrs. Raviz ang aking narinig.

Dumadagundong ang aking dibdib. Hindi ko alam kung paano ako sasagot sa pagtawag niya.

Tumikhim si Conrad at matamis na ngumiti sa akin. Bago pa kami nakita ni Mrs. Raviz ay halos isang metro na ang layo niya sa akin.

"She's here, Mrs. Raviz. Nag-usap lang po kami sandali," paliwanag niya.

I was still in shocked of what happened. Ngunit nang tingnan ako ni Mrs. Raviz ay inayos ko ang aking postura.

"I need you to help me, Elaine. Come here." Hindi na ako niya ako hinintay sumagot. Inasahan niyang susunod ako sa kaniya.

"I will see you later. Ihahatid kita sa inyo," bulong ni Conrad. "We're okay, right?" tanong niya.

Kumunot ang noo ko at ngumuso. Isang tango ang ginawa ko. Wala na siyang sinabi nang makita iyon. Sabay kaming sumunod sa librarian.

Isang malalim na hininga ang pinakawalan ko. What did just happen? Is he going to kiss me? I was already out of my mind. Kung nakita kami ni Mrs. Raviz sa ganoong posisyon ay siguradong iba ang iisipin nitong ginagawa namin. Mabuti na lang at kakaunti pa lang ang estudyante sa library at mabuti na lang din ay napansin ni Conrad ang paglapit ng librarian sa amin.

Gusto ko pa sanang kausapin si Conrad nang hapong iyon pero marami nang pinagawa sa akin ang librarian.

Ganoon kadali ang pagbabati namin ni Conrad. Para bang walang nangyari. But he fulfilled his promise. Mula nang araw na iyon ay hindi na siya tumingin sa ibang babae. Not literally. Ngunit ngayon ay kalkulado na ang kaniyang mga kilos kapag may kumakausap sa kaniya.

I feel happy but sometimes I feel selfish. Kayang kayang tuparin ni Conrad ang kaniyang pangako ngunit siya ay walang pinanghahawakan sa aming dalawa. I still can't give him the answer that he wants. Kahit nagkaintindihan na kami ay heto at pagkakaibigan lang ang mayroon sa amin.

I feel like it's too early for relationships. Yes, I allowed myself to like him but to enter a commitment was definitely a whole different thing. Alam ko sa aking sarili na may nararamdaman ako para kay Conrad ngunit hindi pa ito ang tamang panahon para roon. Ngunit minsan ay naiisip ko rin, mayroon nga bang tamang panahon? O ako lang ang nagpapahuli sa mga bagay na dapat ay mayroon na sa aming dalawa.

Despite all that, I still chose to keep my feelings for now. Hindi naman ito mawawala. At alam kong hindi rin magbabago si Conrad. He'll always be there for me like he promised. Iyon ang panghahawakan ko sa aming dalawa.

Could Have Been Better (Crush Series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon