Prologue

321 17 2
                                    

Blood's POV

"Sino ka?!" The man in front of me looked so scared. Kitang kita ko na naihi pa siya sa suot na pantalon.

Nanginginig ito sa takot habang nakatingin sa akin at sa hawak kong samurai. I grinned at him. He even have a guts to point a gun in front of me.

Sinipa ko agad iyong hawak nitong baril ng akmang kakalabitin nito iyong gatilyo. Ito ba ang taong kinatatakutan ng mga taga rito? Mas nakakatakot pa nga ang pinsan ko kasya sa isang ito. Iyon kase talagang demonyito.

"Not so fast Mr. Morillo. You know Porta Inferi? Alam kong alam mo kung sino ako. At kung bakit ako nandito sa harapan mo ngayon. Any death wish? Am open for suggestions." Sabi ko dito at saka ako tumawa.

Lalong nanginig ito sa takot. Lumuhod agad ito sa harapan ko at nag umpisang magmakaawa. I shaked my head.

"Parang awa mo na! Huwag mo akong papatayin. May pamilya ako! Magkano ba ang gusto mo? Ibibigay ko kahit magkano. Basta sabihin mo lang! Kahit lahat lahat iyo na. Basta huwag mo lang akong patayin! Patawarin nyo na ako. Hindi na ako makikialam sa inyo." Sabi pa nito. I laughed at him and pointed my sword on him.

"Sana naisip nyo na may pamilya kayo bago nyo pinasabog ang minahan. Maraming tao ang nadamay para saan? Sa kasakiman nyo? You know us very well. Hindi kami tumatanggap ng patawad. Lalong wala kaming awa." Sabi ko.

I cut his head. Gumulong iyong ulo nito sa paanan ko. Hindi manlang ako nahirapan. Napakadali naman ng misyon na ibinigay ni Aranea sa akin.

Napasilip ako sa bintana at napapalatak. Mag uumaga na. Kailangan ko ng makaalis bago pa man magising ang ilan sa mga tauhan nito. Pero bago ako makaalis sa lugar ay may ilang tauhan nito ang pumasok sa silid. Huli na bago ako makalabas.

Napasabak pa ako sa labanan. Hindi ko naman inaasahan na masusugatan ako ng mga ito. Nadaplisan lang naman ako sa tagliran ng patalim.

"Blood! The smell of Blood." Bulong ko pa.

Papasok na ulit ako sa kagubatan ng bigla nalang akong paulanan ng bala. Natamaan ako sa balikat at binti. Agad akong nagtago sa isang malaking puno doon at nakipag palitan ng putok ng baril.

Hindi ko inaasahan na ganito karami ang tauhan nito at mukang inaasahan naman nila ako. Pero hinding hindi ako papahuli sa kanila ng buhay.

Napangisi ako kase mukang mag uumpisa palang ang totoong laban. Nanlaki iyong mga mata ko ng bigla nalang may maghagis sa akin ng granada. Agad akong nagtatakbo.

Nagpagulong gulong ako dahil sa impact ng bomba. Napangiwi ako dahil masakit sa tainga. Agad akong tumayo ng makita kong susugod na naman sila papunta sa kinaroroonan ko.

"Damn it!" I hissed.

I run as fast as I can. Hawak ko iyong duguan kong braso habang patuloy ako sa pagtakbo. Hindi ko alintana ang mga sukat at tama ng baril ko. Kailangan kong makalayo sa kanila.

I never though na ganito sila kadami. But I killed their master. Iyon ang bagay na masaya. Mission accomplished. So I can take a short vacation. I smiled.

I already missed Mom and home. Lalo na ang luto ng Mama at kapatid ko. I missed playing gold with Papa. But before anything else. I need to get out of here.

"Fuck!" I hissed again.

Nagtago ako sa isang malaking bato na naroon ng paulanan ako ng mga bala ng mga ito. Napagiwi din ako dahil sa sakit ng mga tama ng baril sa braso at binti ko. May hiwa rin ako sa tagliran pero hindi naman ganun kalala.

"Aranea, we underestimate the enemy." Bulong ko pa.

Kailangan kong makalabas sa kagubatan na ito ng buo at buhay. Kung hindi magagalit ang Mama at Papa. Iiyak naman si Liza. Hindi pwedeng mamatay ako ng ganito. Hindi ko pa nakikita si Lordon kung paano niyang susuyuin si Ronna Mae kapag nakita na niya ito. O hindi ko makikita kung gaano pa rin siya kagago hanggang ngayon.

"I won't die in the middle of nowhere." Sabi ko pa.

Hinagisan ko sila ng bomba. Agad akong lumabas sa pinagtataguan ko at nagtatakbo ulit ako palayo sa mga ito.

Hinagis ko ulit iyong isang bomba na nasa kamay ko. Pero hindi ko inaasahan na pati ako ay titilapon. Tumama ako sa isang puno. Napaigik ako sa sakit.

"Damn! Argh!" I hissed.

Namimilipit ako sa sakit habang pinipilit ko pa ring makatayo. I needed to move. Kung hindi maabutan nila ako.

Inipon ko lahat ng lakas ko at tumayo ako. Umiling iling pa ako dahil medyo nang lalabo na iyong paningin ko.

Pero hindi pa man ako nakakalayo ay may tumama na namang bala ng baril sa binti ko kaya napaluhod ako. Pero pinilit ko pa ring tumayo. Nagtago ako sa isang puno. Hindi ang mga kagaya nilang tao ang papatay lang sa akin.

Kinapa ko iyong bulsa ko. Mayroon pa akong natitirang dalawang bomba. Lumingon ako sa kaliwa ko. Bangin na ito. At ang babagsakan ko ay puros mga puno. Pero may parte na may padausdos pababa.

I grinned. Hindi na masama. May pumasok na idea sa isip ko. I will survive if I jump on this cliff. Kailangan ko ng makaalis dito.

Napahawak ako ng mahigpit sa espada ko ng paulanan na naman nila ako ng bala.

"Fucking shit! Hindi ba sila mauubos!?" Inis na sigaw ko.

I groaned. Ramdam na ramdam ko na iyong hapdi ng mga sugat ko. Kung hindi ako makakaalis agad dito hindi sa mga kalaban ko ako mamamatay kung hindi mamamatay ako dahil naubusan na ako ng dugo.

Pinilit kong makatayo. Bumilang ako ng hanggang tatlo bago ko inihagis iyong dalawang bomba na hawak ko.

Nanlaki iyong mga mata ko na iyong isa ay bumalandra pabalik sa gawi ko. Agad akong nagtatakbo. Pero naramdaman ko nalang iyong impact ng pagsabog.

Iyong katawan ko na pagulong gulong pabulosok pababa. And the something hit on my head and everything went blank.

Ai ajuns la finalul capitolelor publicate.

⏰ Ultima actualizare: Sep 05, 2020 ⏰

Adaugă această povestire la Biblioteca ta pentru a primi notificări despre capitolele noi!

Remembering MaayaUnde poveștirile trăiesc. Descoperă acum