Chapter Forty-one: a life as a fantasia's...

3.2K 46 1
                                    

Cath's POV:

It's been a week since Mama died , I have two mothers but the one is by blood. Nakita ko ang buong pangyayari noong tinitigan ko ang mata ni Mom. Inaamin ko...hindi ako malakas. I'm not god. I'm just human. Hindi ako gumagawa ng kababalaghan. Napahinga ako ng malalim at tumingin kay mom. Napatingin ako sa suot ko.

¼ long sleeve , then simple jeans  and flat sandals. Simple lang . Ngumiti sakin si mom at inaya akong lumabas. Napabuntong hininga ako. You can do this cath. You can. ....

****

Umupo ako sa isang upuan na nakalagay sa pinaka sulok ng tindahan na ito. Nakita ko kanina na konti palang ang tao dito dahil maaga. Naglakad si Mom sa isang drawer at may inabot sakin. Napatingin ako sa hawak nya. Eye glasses. I think for my disguise ....

"wear this cath."-she said. Kinuha ko ito at sinuot. Nag angat ako ng tingin at nakita ko si Mom na nakangiti.

"*sigh* there , mas ok at bagay sayo. Sigurado wala ng makakakita pa sayo"

Napailing nalang ako. Hindi pa nila alam na ako ang time holder na matagal na nilang hinahanap kaya mas mabuting mag tago nalang muna ako. But i know someday i need to face my fate and fight that problem. Tumayo ako at lumapit sa isang maliit na salamin. Napangiti ako. Nag iba nga ang itsura ko nang isuot ko itong salamin na ito. Nag mukha akong nerd. Nakalugay lang ang buhok ko kaya mas lalong nag iba ang itsura ko. Napatitig ako sa salamin at wala sa sariling napatanong ako.

"hinahanap kaya nila ako?"-napatawa ako. Sana...hindi nila ako hanapin pa.

May narinig ako nag bukas ng tindahan mula sa labas. Hindi ako makapaniwala. May maliit na pamilihan dito pero ang sabi ni Mom, mahirap makakuha ng pera dahil iba dito kesa dun sa kinalakihan ko noon sa kabilang mundo. Sabi ni Mom kahit puno ito ng kapangyarihan ay kailangan parin nila---i mean, namin mamuhay na parang isang tao. Dito lahat ng tao pantay-pantay. Lahat may tirahan at pag kain pero ang pinag kaiba lang talaga ang mga district. Napangiti ako sa kwento ni Mom...

Flashback

"mom?, ano ang mas maganda? noon o ngayon?"-tanong ko.

"maganda ang ngayon dahil pinagkaisa nila ang districts. Pero mag kakahiwalay ang mga tirahan. Ginawa nilang pantay-pantay ang lahat. Dapat isa lang ang magiging leader ng fantasia world pero nagpag usapan na pag bukod bukodin ito simula noong naging leader sina Lennox, Jenalie at Drixzon. Naging maunlad ang pamumuhay ngayon pero maunlad din naman noon . Noon masyadong magulo at hirap ang leader namin noon. Nang mamatay sya noon ay silang tatlo ang naging leader--"

"Diba dapat ikaw ang magiging leader?"-putol ko sa sinasabi nya. Tumango sya at pinagpatuloy ang sinasabi.

"Pinagbubuntis kita noon nang malaman ko yun . Tumanggi ako dahil ayaw ko. Buhay pa noon ang nag-iisang leader noon kaya hindi ko sinabi ang dahilan kung bakit ayaw ko. Mahigpit na pinagbabawal noon ang makipagsalamuha sa mga mababang uri. Elementals can with Power , pero sa may ability hindi pwede. Yan din ang naging rason kung bakit nila ginawa ang mga districts. They made this districts para mawala ang pinagbabawal."-sabi nya.

Medyo naguluhan ako kaya nag tanong ulit ako.

"edi parang lalong nagkagulo?"

"ginawa nila ang districts para mawala ang pinagbabawal. Mahigpit kasi noon at mahirap intindihin , Zafina. Yes, nagawa nila ito . Kasi sa bawat leaders o leader may isang rule ang dapat sundin. They made this rule na nagkaroon ng kapayapaan sa kanila. Nag buo ng district , binukod- bukod ito sa tinitirahan. Ang tanging rule lang ay 'pwedeng makipag salamuha sa nakataas pero huwag kakalimutan ang kinalagyan mo dahil yan din ang ikababagsak mo'. For me that is a good rule. Pwede silang makipag salamuha pero wag nilang kakalimutan ang kinalalagyan nila dahil once na makalimutan yun lahat ay mag kakagulo. "-sagot nya sa tanong ko. Tumango-tango ako na tila naintindihan ko.

The Time Holder(completed) Where stories live. Discover now