Chapter Seven: Awakening

6.4K 101 2
                                    

(The book of propecy at the multimedia)




Third person's POV:

Nanatiling nakaupo at nakadilat si Cath buong madaling araw dahil sa kanyang panaginip di na sya makatulog , pilit man yang alisin Ang mga maaring mangyari at sa mga iniisip nya Hindi nya ito matanggal 'isa Lang Ang ibig sabihin nito' bulong nya sa kanyang isip 'hindi ito isang bangungot, isa ito sa mga mangyayari sa future at Hindi ko Yun hahayaang mangyari sa akin' bulong nya ulit sa kanyang isip. Hindi nya maiaalis sa kanyang isip tungkol sa bangungot na yun maaring may ibig sabihin Yun o di kaya maaring may mangyari sakanya. Minsan gusto nya nang sisihin Ang kanyang kakayahan pero Hindi nya magawa dahil 'nandito na wala na akong magagawa pa' yan Ang laging nasa isip nya , minsan napagpapasalamat nya dahil nakakatulong ito sa kanya itong kakayahan na Ito.....

Sa pagpatak ng 6:00 Ng umaga nang may marinig si Cath na lumagabog na bagay at pagkabasag Ng isang babasaging bagay , Dali Dali syang bumaba sa kanyang kama at nagmadaling pumunta sa kinaroroonan ng maingay na bagay na narinig nya . Bigla na lamang sya napatigil sa paglakad nang narinig nya ang hingal na Tao , tila nahihirapan itong huminga at pinipilit magsalita. 'pamilyar ang boses nayun' bulong nya sa kanyang sarili , Nang mapagtanto nya Kung kanino yun , tumakbo sya nang mabilis . Habang tumatakbo sya napatingin Ang kanyang mga Mata sa paligid 'bakit Parang tumigil Ang lahat?' tanong nya sa kanyang isip napatingin sya sa kurtina na hinahangin kanina na ngayon ay nanatiling nakataas ,nagtataka man sya pinagpatuloy nya Ang kanyang takbo tungo sa maingay na bagay na kanyang naririnig. Nagulat sya na sa kwarto Ng kanyang ina Ang ingay nayun , kinakabahan man pero agad nyang binuksan Ang pintuan , tila Parang nakatigil parin Ang oras pagkabukas nya Ng pinto nakita nya Ang kanyang ina nakahiga sa Sahig at unting unti naging abo na nakatingin sa kisame na tila nagulat , pero may narinig ulit syang kalabog at napatingin sya sa kanan at nakita nya Ang kanyang ina na 'nakikipaglaban?' naitanong nya sa kanyang sarili habang nangyayari Ang labanan napatingin sya sa Mata Ng kanyang ina at nakita nyang galing ito sa cr at nakita Ang pagkabasag at nalalag na mga bagay nakita nya Kung paano gumawa Ng clone Ang kanyang mom at Kung paano nag tago sa madilim na sulok ng kwarto at dun nag umpisa Ang pangyayari na ngayon ay nasa harapan nya na , nang bigla na lamang gumalaw Ang kanyang ina sabay gumawa Ng clone na tatlo , na mangha man sya sa kanyang nakikita napailing na lamang sya at sinabing 'hindi ito Ang oras para mamangha kailangan Kong tulungan si mom' pero paano nya tutulungan Kung di naman sya marunong makipaglaban at tanging pag tingin Lang sa mga Mata Ng Tao at hanapin Ang past, present at future Ng isang Tao? Yan din ay naitanong nya sa kanyang sarili , napatigil na lamang sya sa pag iisip nang marinig nya ang sigaw Ng kanyang ina , huli na bago sya makalapit dahil nakahiga na Ang kanyang ina habang Ang isang Tao na may kagagawan sa nangyari ay nilisan ang kwarto at nagmadaling nagtago sa mga puno.





Cath's POV:

"M-mom, wag ka namang ganyan oh w-wag ka munang matulog ,d-dadalhin pakita s-sa ospital "-nakingiting Sabi ko Kay mom habang tumutulo Ang aking mga luha.
Dahan dahan itinaas ni mom Ang kanyang kamay pero ibinibaba ko agad Yun .

"Mom wag ka munang gumalaw baka lalong lumalala Ang saksak sa likod m-mo"-saad ko.

"A-anak k-kahit anong m-mangyari panatilihin m-mo Ang k-kalusugan m-mo ah? And p-plsss don't blame your self..."-nakingiting Sabi sa akin ni mom, Parang lalong dumami Ang pag patak Ng aking luha pababa sa aking pisngi hanggang sa umagos ito dahil sa mga sinabi nya.

"M-mom Naman eh w-wag Ka *sniff* muna m-magsalita Ng g-ganyan oh*sniff*." Naiiyak na Sabi ko Kay mom habang nananatiling nakapatong Ang kanyan ulo sa aking hita. Pumatak Ang isang luha nya galing sa kanyang kanang Mata.

"A-anak Kahit a-anong mangyari ah manatiling Ikaw parin ah?Yung Ikaw talaga....na kilala ko..."-saad ni mom ,nanatiling nakayuko ako habang nakatingin sa maamong mukha ni mom na dahang dahan pumikit at sinabi Ang katagang nagpatigil sa mundo ko.

"G-goodbye...*smile*"-mom

"N-no mom, n-not now mom ,n-not now pls , mom! Not now"-naiiyak na Sabi ko habang niyuyugyog ko Ang katawan nya na walang buhay at Parang isang malamig na bangkay .
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
Nanatiling tulala ako buong linggo hanggang sa mailibing si mom, dahil sa pangyayari nayun di ko na malayang nakaya ko pang mabuhay , kumain nang mag ISA , uuwi Ng bahay na walang sasalubong sa aking mom. Kailangan ko na sigurong masanay na walang sasalubong sa akin o di Kaya may tatawag sakin na anak.

Nandito ako ngayon sa harap ng kwarto ni mom at dahan dahang binuksan Ang pintuan , bigla nalamang pumatak Ang aking luha , isa isa nung umpisa pero lalong dumami ito Ng tuluyan na akong pumasok SA loob Ng kwarto ni mom . Tila bumabalik sa akin ang mga nangyari , Wala manlang ako ginawa upang mailigtas ko si mom edi sana Kasama ko sya ngayon . Napailing na lang ako , Cath don't blame yourself , Tama wag mong sisihin Ang sarili mo Cath, dapat Yung taong gumawa nun , sya Ang may gawa nun ,sya.

Tulalang inilibot ko ang aking paningin sa buong kwarto , Wala nang luhang pumapatak sa aking pisngi siguro naubos na . Napahinga ako nang malalim at ngumiti pero nawala Ang ngiti ko nang maalala ko ang pangyayari nayun , nanlalambot na napaluhod sa Sahig habang kagat labi akong nakayuko , Hindi mo rin maaalis Ang Galit sa puso mo at sisihin Ang sarili sa mga pangyayari . Hindi ko Alam Kung ano Ang pumasok sa aking isip at bigla nalamang ako pumikit at sa pag pikit ng aking Mata nakita ko Ang aking sarili na dahan dahan Kong binuksan ang MALAKING libro, ng lumiwanag ito , ay bigla na lamang ako napadilat .

"Isang pangyayari na mangyayari sa akin"-seryosong Sabi ko sa sarili ko.

Someone's POV:

Nakatingin ako ngayon sa isang babae na nakaluhod ngunit nakadilat Wala Kang makikitang ekspresyon sa kanyang mukha .

"Princess*bow* tayo'y bumalik na sa Fantasia World baka ipahanap tayo ng ating leader sa ating district"-sabi Ng Kasama ko. Tumango na lamang ako at tumingin muli sa babaeng nananatiling nakaluhod pero ngayon ay nakatungo na sya.

Third person's POV:

Habang nakatungo at nananatiling nakuluhod si Cath di nya Alam na may nagmamasid sa kanya , isang babae Ang nagmamasid sa kanya sa pamamagitan ng bintana nakikita sya Ng babae na Kung tatawagin ay 'princess' Ng may dumating at may sinabi, bigla nalamang sila umalis at nag tungo sa Fantasia World.

Pero si Cath Nanatiling nakaluhod nang ipikit nya muli Ang kanyang mga Mata ay nakita Ang sarili na may hawak na libro at dahan dahang binuksan kasabay ang mga letra na lumulutang sa bawat pahina ng libro habang suot suot ang kwintas na may gold pendant pero isa itong orasan. Sa pagkadilat ni Cath, ay kasabay Ang pagliwanag muli nang book of propecy.
















"Leader!!! ANG BOOK OF PROPECY AY NAGLIWANAG MULI!"-sigaw Ng isang Tauhan....

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

Author's note:

I know I'm not a professional writer, but read first until the end before you judge it .

The Time Holder(completed) Where stories live. Discover now