CURSE ELEVEN: FOURTH AWAKENING

Magsimula sa umpisa
                                    

Susmaryosep! Katulong ako sa fake world na ito kaya naman normal lang ang gagawin ko! Normal lang! Promise!

Sinimulan ko ng i-unbotton ang polo ni Carlisle pero nagsisimula ng mamula ang mukha ko. Naging successful naman ang pagpapalit ko ng pang-itaas niya pero nang makita kong kinakailangan ko ring palitan ang jeans niya na nadumihan sa basement, napalunok nalang ako.

Nanginginig pa ang kamay ko habang inu-unzip ang zipper ng jeans ni Carlisle nang bigla nalang niya akong hinila at ipinahiga sa tabi niya sabay sabing, "You...naughty, naughty maid." ang duro niya sa peak ng ilong ko, "kung di ka lang maganda, sesante ka na. Now, continue what you're doing! Siguraduhin mong mag-eenjoy ako." sabay bitaw niya sa akin.

YUCK! Pati ba naman ikaw Carlisle! Mga lalaking ito! Puros mga pervy's!

Pinilit ko nalang na bilisan ang paghila ng pantalon niya upang palitan ng pantulog. Mabuti nalang at nakaboxers siya kaya kinaya ko pang hindi atakihin sa puso.

Ilalagay ko na sana sa may basket ng maruming damit ang pinagbihisan ni Carlisle nang may napansin ako sa may study table niya. Makita-kita kong diary ito, "Nagdidiary pala itong supladong ito? Pambabae pa talagang kulay ah?" Sabi ko sa sarili kong di na mapigilan ang pagtawa.

Dala ng sobrang curiosity ay hindi ko maiwasang buksan ang nilalaman ng diary. Diary na pambabae na nagbibigay sa'kin ng dahilan para isiping bading si Carlisle. Pagbukas ko ng diary ay kumabog ng pagkalakas-lakas ang dibdib ko sa nabasa ko.

Diary o dear diary.

Yan kasi naririnig kong unang sinusulat sa diary.

Hindi talaga ako mahilig sa ganito at first time ko lang bumili nito.

Kasakayan ko ngayon sa bus ang crush ko, si Carlisle. Imagine, pareho pa

kaming sinakyan. Bawing-bawi ang pagtakas ko sa mga bodyguards ko.

Gaya ko tumakas din pala siya. Is it fated? Pareho naming tinakasan mga

bantay namin tapos pareho pa kaming sabay ngayon?

Kinikilig talaga ako.

ANISE.

Papanong napunta kay Carlisle ito—ang diary ko no'ng elementary ako?

Sinagot ng sumunod na page ang tanong na bumabagabag sa isipan ko pagkaalam na nakay Carlisle lang pala ang diary ko na akala ko eh tinapon ng mga katulong namin.

Today, I happened to pick this notebook inside the bus which I believe was from a girl going to the same school as I.

Sorry for reading its content but it fascinated me how she admired me. I kinda envy the freestyle life she seems to have with the way she express her thoughts for me.

If not for the family tradition perhaps I would try asking her out and enjoy the happiness that other people at my age experience.

Pagkabasa ko ng mensahe ni Carlisle ay bumalik sa akin ang scenaryong 'yon sa may bus. Nagmamadali nga pala ako dahil lumampas na ako sa amin at malamang sa pagmamadali kong iyon, doon nahulog ang notebook ko. Ito pa 'yong panahon na hindi pa naghihirap pamilya ko. Nageenjoy pa akong nakikipagtaguan sa mga body guards ko kaya ako nagcocommute kahit na may personal service ako, samantalang ngayon wala na talaga ni isa sa kanila.

Nakakatuwang tinago pala ito ni Carlise, hindi ko nanaman maiwaglit ang kilig na nararamdaman ko. Pero naawa ako at some point kay Carlisle dahil sa limitadong galaw pala niya. sa likod pala ng tila nakakainggit na buhay na mayroon si Carlisle, heto, isang ginintuang hawla ang tila pumapalibot sa kanya.

Curse of Arcana  [WWBY 2014 3rd Place] Published under LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon