CURSE THREE: PAYMENT OF DEBT

1.9K 57 0
                                    


CURSE THREE:

PAYMENT OF DEBT

At simula nga noon ay mag-isa nalang ako. Sinanay ko na sarili kong sumakay ng bus papuntang school ng mag-isa, natural, alang namang tumakbo ako mag-isa mula bus station? Magiging tampulan lang ako ng tukso noon.

Matapos ng klase ko'y nakasakay nadin ako ng bus ngunit nagkataon namang halos puno na ito dahil sa fix hour time. Alas singko, halos oras kasi ito ng pag-uwi ng mga tao galing sa kani-kanilang trabaho, eskwela at kung ano pa mang business o monkey business.

Magsisimula ko na sanang pagsisihian ang pagsakay ng bus-noong akala kong tatayo nako sa buong byahe-ng may biglang tumayong lalaki mula sa kanan ko para i-offer ang inuupuan nito ngunit tamang-tama naman na pagtayo no'ng lalaki'y pababa nadin 'yong aleng katabi nito kaya in the end ay pareho parin kaming nakaupo. Subalit, pinili no'ng lalaking paunahin akong paupuin sa may tabing bintana.

"Thank you." pasalamat ko naman pagkaupo

Nginitian na lamang ako no'ng lalaki. Kaso napakacoincidence naman na pareho kami ng binabaan noong lalaki.

Hindi nako nakapagpigil at tinanong ko 'yong lalake bago pa man din ito tuluyang makalayo, "Uhh...dito rin po kayo nakatira?"

Napalingon ang lalaki sabay sabing, "Mnn. See you around, Anise." Matapos noon ay dumiretso na siya papalayo.

Nanlaki ang mga mata ko sa narinig ko. Papanong alam no'ng lalaki ang pangalan ko gayong hindi ko pa naman ito sinasabi sa kanya?

Biglang akong kinilabutan kaya naman nagtatakbo nako patungo sa bahay habang takot na takot sa nangyari.

Pag-uwi ko'y kinilabutan nanaman ako sa nasaksihan ko. Gulo-gulo ang mga kagamitan na tila ba isang bagyo ang nanloob at grabeng destruction ang iniwan nito.

Agad kong hinanap si papa. "PAPA?!!!! NASAAN PO KAYO?!! PAPA?!!!" ang patuloy na pagtawag ko ngunit wala akong naririnig na sagot.

"PAPA?!!" muli kong tawag pagpasok ko ng silid ni Papa ngunit wala rin ito sa sarili niyang silid.

Lumabas ako para dumiretso sa may kusina at tumambad sa'king harapan si Papa na walang malay na nakahandusay sa may sahig, "PAPA!!!!!!!!!!!" sigaw kong muli sa Papa ko habang inaangat ko siya mula sa sahig.

"Papa, sino po may gawa nito? Papa, sumagot po kayo. Papa?!" pakiusap ko kay Papa na unti-unti ng nagkakamalay.

Agad naman akong inakap ni Papa pagkamulat niya ng kanyang mga mata, "Anise, anak!mabuti't ligtas ka!" ang sambit naman kaagad niya.

"Bakit po Papa? Ano po bang nangyari dito?"

"Huh?! Ah..." and then napahawak si Papa sa kanyang ulong sumasakit habang nirerecall ang mga nangyari. "Anise I'm sorry. I'm sorry. Gawa ng bisyo ko, nagawa ko ng ibenta ang mga ari-arian natin makabayad lang sa mga utang natin. Hindi ko na alam gagawin. Bakit ang dali kong nagpadala sa larong 'yon. Hindi ko na napigilan sarili ko." at nagsimula siyang humagolgol habang ako naman ay pilit na inuunawa ang sitwasyon.

Bigla-bigla ay bumukas ang pintuan at may isang lalaking pumasok. "Hello my good friend, I came to collect the payment of your debt." Ang agarang pagbati nito sa amin na para bang kilalang-kilala niya kami gayong ngayon lang namin siya nakita.

Ngunit nang makita ko pa siya ng mas malapitan ay nanlaki ang mga mata ko sa isang binatilyong lalaki na bigla nalang pumasok sa bahay namin at nagsasabing mangongolekta siya ng utang kay Papa sapagkat siya 'yong binatilyong nakasakayan ko sa bus kani-kanina.

Curse of Arcana  [WWBY 2014 3rd Place] Published under LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon