CURSE NINE: SECOND AWAKENING

Magsimula sa umpisa
                                    

Laman ng sobre ang isang ticket at invitation sa isang exhibit soiree na gaganapin sa isang museo. Panigurado, ang ticket na ito at invitation ay pagmamay-ari ng instructor ni Axel pero dahil kailangan kong makalapit pa kay Axel ay kailangan kong gamitin ito.

Aattend ako ng soiree. Oh my gosh, party? Ano naman ang isusuot ko?

Muli kong hinalungkat ang sobre at di nga ako nagkamali na kalakip ng ticket at invitation ay mayroon ding gift check para sa mga kakailanganing pangparty like dress and make-up. Then everything is settled.

Kaya naman pagdating ng ikalawang gabi ay kabado akong umattend sa soiree pero more likely, exhibit party ata ito ng mga prominenteng tao. Ang host ng soiree na ito ay ang pamilya nila Axel, ang mga Lustre. Sila lang naman kasi ang kilalang pamilya pagdating sa larangan ng pagpinta.

Pagdating ko sa loob ng soiree ay agad din akong nabagot, pare-pareho ang naririnig ko, kung hindi canvass na ginawa ni Juan ay baka 'yong painting na ginawa ni pedro. I mean, puro kasi mga artist ang naririto na naeecounter ko kaya hindi talaga ako maka-relate.

Hanggang sa mga oras na ito ay hindi ko padin maunawaan bakit ako nagkakutob na tumuloy dito samantalang mukhang wala naman si Axel sa lugar na ito. Wala na akong nagawa kung hindi ang magikot-ikot hanggang sa natanaw ko sa may isang sulok ang nag-iisang si Axel.

YES! Nandito si Axel!

Of course, nanggaling sa pamilya ng mga artist si Axel Lustre, so it's really impossible na hindi siya pumunta dito kahit na ayaw niya. If I could remember it right, na sa direct bloodline si Axel at 'yong tatlo ni Augustus Lustre, ang sinasabing human lover daw ni Arcana at pintor ng painting ni Arcana.

Palaisipan pa rin sa akin kung kapatid, pamangkin, anak o papanong naging kamag-anak ni Augustus ang kalolo-lolohan nina Axel at noong tatlo para maging direct bloodline silang matawag.

Ganunpaman, ang dapat kong pagtoonan ngayon ng pansin ay ang awakening ni Axel, siya na pala ang susunod sa challenges ko.

Nagulat ako ng bigla na lamang siyang lumapit sa akin sabay sabing, "Could you dance with me for a moment?" agad nitong aya and bago pa man din ako makasagot ay agad na niya akong hinila sa may dance floor.

For the next moment na magkasayaw kami ni Axel ay na sa iba naman ang focus ng mga mata niya. Sinubukan kong hagilapin ito at napansin ko ang isang matandang lalaking nakamasid sa kanya.

Sino naman kaya ang lalaking iyon?

Nang umalis ang lalaki ay inaya na ako ni Axel na huminto. "I'm sorry to cause you burden but thank you for playing along with me." sabi nito habang binibigyan ako ng isang pormal na pagyuko at halik sa forehand ng kamay ko.

Napakaformal na ng gathering, English speaking pa mga tao, tapos pati pakikitungo ni Axel too formal, aba matinde! Nakakahimatay na talaga itong ginawa niya.

Paalis na sana si Axel nang agad ko siyang pinigilan, "Ah...eh...wala kasi akong kilala dito Axel, pwede bang dito ka muna saglit?" sabi ko.

"Kilala mo ako?" Tanong nito na may pagtatakang mababatid sa mukha niya. Take note, nagtagalog pa siya.

Muntikan ko nang makalimutan, hindi pala nila ako kilala sa fake world na ito, so kinakailangan ko nanamang mag-isip ng idadahilan. Kaya lang nakakalungkot kasi di na niya ako natatandaan kahit no'ng nakaraang dalawang araw lang eh nagkita kami.

"Ah oo, schoolmate mo ako. Actually, ako nga 'yong naging subject mo sana sa paint class mo no'ng nakaraang araw." ang pinakaligtas na sagot na naisip ko.

"I see, right, that's you. You're too beautiful tonight that I wasn't able to recognize you, I'm very sorry." Sige lang Axel, pasabugin mo pa ang namumula kong mukha sa mga ganyang litanya mo. Kaso hindi pa siya natapos at muli siyang nagsalita, "Alright, in return of the favor you gave me a while ago, I will accompany you tonight. I don't have that much anything to do and besides, wala din naman akong masyadong kilala dito." Sagot niya na nagbalik English nanaman.

Curse of Arcana  [WWBY 2014 3rd Place] Published under LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon