CURSE SIX: THE LEGEND OF ARCANA

Magsimula sa umpisa
                                    

"Yeah. Mukha nga. Sige, punta tayo mamaya." Sabi ko nalang para di sila masyadong mag-alala.

Ngunit napansin ata eto ni Sky kaya bigla siyang nagsalita, "Wag mo ng masyadong intindihin 'yon, may iba pa namang shops dito."

"We'll try to look for it later kung gusto mo." Sabi din ni Axel.

"May mga iba pa naman sigurong nagtratrade ng painting dito for cash baka mahanap natin 'yon doon." Sagot din ni Carlisle.

And for a moment, I'm glad I have them to cheer me up, "Guys, thank you." sagot ko lang as I smiled sa kanilang apat.

Sabay-sabay naman nila akong sinagot ng, "Our pleasure, lady Anise." Naiirita man ako sa ginagawa nila minsan, at least now, somehow they all cheered me up.

Ngunit dahil nakaidlip ako ng pagkahaba-haba at ni isa sa kanila ay hindi ako nagawang gisingin ay sumimangot nanaman ako kinagabihan sa may camp fire sa gitna ng Geo Farm.

Habang nagkakasahayan ang lahat ay hindi ko maiwasang di mapansin 'yong mga malalanding foreigners na babaeng panay ang pagpapansin sa apat kong kasama na kanina pa ako sunod-sunod na inaayang sumayaw sa native dance circle.

"Ayaw ko! May kasalanan pa kayong apat kaya hindi ako sasayaw." sabi ko sabay turo dun sa mga babaeng foreigners, "...sila, sila isayaw niyo mukhang interesado silang makasayaw kayo." dugtong ko.

Tumayo ako at tumungo sa buffet table para kumuha ng makakain at least kapag pagkain mabubusog ako kaysa sumayaw.

Habang kumukuha ako ng baso para sana uminom ay may nag-abot sa akin ng isang malinis na baso, "heto oh." Sabi ng isang ginoo sa'kin.

"Salamat po." Sagot ko naman.

"Kasama mo ba 'yong apat na 'yon?" turo niya kina Axel na nageenjoy na sumayaw.

"Opo. Bakit po?"

"Nakasabayan ko kasi ang dalawa sa kanila kanina sa may comfort room at narinig ko silang may pinag-uusapang painting na hinahanap nila. Isang painting ba ng babaeng may makulay na damit?"

"Opo. 'yon nga po."

"Kung di ako nagkakamali, nakita ko na din ang painting na yon somewhere." Biglang sabi nito.

"Talaga po?"

"Ah oo...sa tahanan no'ng native na babaylan dito. Meena."

"Meena?"

"Meena ang pangalan no'ng babaylan."

"Nakikita niyo po ba ito hanggang ngayon?"

"Kamakailan ko lang kasi nakita 'yon no'ng napadalaw ako para bisitahin si Meena. Lagi ako sa kanila simula ng mapunta ako sa lugar na ito, naamuse kasi ako sa kwento niyang di nakakasawa kahit paulit-ulit."

"Kwento po?"

"Mnn...'yong tungkol sa curse ni Arcana."

"Arcana?"

"Yeah. 'yon nga ishashare kung kwento mamaya sa bondfire. Makinig ka ha?"

"Sige po." Sagot ko lamang at umalis na 'yong lalaki na ni hindi ko man lang natatanong ang kanyang pangalan.

Dahil sa interesado ako sa kwento niya ay nagtyaga akong hintayin ang part niya para magkwento sa bond fire.

Ang tagal ko ding nagtiis na makinig sa mga ghost experience ng mga foreigners na nagshare ng experience nila bago dumating sa kinaabangan kong part no'ng lalaki.

"Hello, ako pala si Zenaide, but just Zen for short. Native ang mga magulang ko dito pero lumaki ako sa ciudad. Actually, itong ikwekwento ko ay hindi ko experience but rather, isang kwentong I think kahit mga natives dito ay ilan-ilan nalang ang nakakaalam. Has anyone heard about the curse of Arcana or just the legend itself?" tanong noong lalaking Zen pala ang pangalan.

Curse of Arcana  [WWBY 2014 3rd Place] Published under LIFEBOOKSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon