Kabanata 27

59K 2.2K 816
                                    

Kabanata 27: Final Escape

Natulala ako sa kanilang dalawa. Sobrang bagsak ng pakiramdam ko. Medyo pigil din ang paghinga ko. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko, lumapit sa kanila at pigilan o umalis na lang.

I bit my bottom lip and skedaddled the house as fast as I could. Para akong sinasakal hanggang sa makalabas ako. Sinalubong ako ng malakas na hangin. Tumakbo ako nang tumakbo hanggang sa matapat ako sa isang puno at walang pag-aalinlangan na pinadapo ko roon ang kamao ko.

"Tangina! Ayoko na!" Muli kong sinuntok ang puno, ang magaspang na balat nito ay rumagasa sa kamao ko. Pumikit ako at muling sinuntok iyon. Hindi ko alam kung ilang beses hanggang sa marinig ko ang tinig ni Irene sa likod ko.

Gamit ang dumudugo kong kamao ay sinenyasan ko siyang huwag lalapit. Nanlaki ang mga mata niya nang makita ang dugo sa kamao ko.

Dumapo ang tingin ko sa babaeng nasa likod niya, hindi ito makatingin sa akin. Bahagya akong natawa bago mariin na pinunasan ang luha sa mata ko.

"Did you prove your assumptions? Come on, Aara! Tell me!" Bahagyang pumaos ang boses ko dahil na rin sa pagod.

She looked up at me. Tears started to loom around her weary eyes. And again, it felt like I was at fault, or maybe, yes, this is all my fault, everything is because of me.

"Y-You don't understand..." she said that I could almost hear.

I faked a laugh.

"Ang gago ko naman siguro para hindi maintindihan na ginawa mo 'yon para makumpirma na may pagtingin din ako sa kapatid ko. Tangina. Ayoko na. Sawang-sawa na akong napagbibintangan sa mga akala na kailanman ay hindi ko naisip." Napailing na lang ako.

"Calm down, Jude!" Irene screamed, that was the first time I've heard her scream with full of anger. "You don't talk to your girl that way." May diing sabi pa niya.

Kumunot ang noo ko. Naalala ko na naman ang mga natuklasan ko sa kanya at hindi mo maiwasang patulan iyon.

"Babae ka, babae siya... Paano mo nasabing mahal mo siya?" tanong ko sa isang mapanuyang boses.

Mas lalong napuno ang galit ang kanyang mga mata.

"Paano mo rin nasabi na mahal mo Aara?" balik na tanong niya. Hindi ako nakasagot, masyado akong hiningal at mabibigat ang paghinga ko. "You can't just ask that question to someone, Jude. It is the same as invalidating their feelings just because you have a different perspective about that thing. Never, Jude! Never!" She screeched, making sure I heard it right.

"But you know what is right from wrong!" I screamed back.

"You don't! Sometimes what's wrong from other is right for you and sometimes right can also be wrong. So, no, Jude! It is not fixed that way!"

Bahagya akong natawa. "Sa mga sinasabi mo ay parang may ipinapahiwatig ka. Bakit, Ate? Kaya mo bang ilayo sa akin ang mahal ko para sa kasiyahan mo?" Nawala ang ngiti sa labi ko nang maramdaman ang pagdapo ng palad niya sa pisngi ko. That was a quick move that I just felt it.

Lumapit si Aara sa kanya para pigilan siya ngunit nanatiling diretso sa akin ang tingin niya. Ang kaninang galit ay napalitan ng sakit. Nakita ko ang pagbabago ng paghinga niya base sa pagtaas-baba ng kanyang balikat. She was panting heavily.

"Kung kaya ko ay dati ko pa ginawa. Do you want to know the history of the evolution of my feelings for her?"

I gulped and shook my head. "N-No..."

"Because I've never seen a woman like her, she was all I ever wanted to be. Brave, firm, independent, a fighter. I thought I was just admiring how independent she was but little did I know... I already crossed the line of admiring a woman and out of the line was a hole where I fell."

EscapedWhere stories live. Discover now