Kabanata 13

69K 2.7K 533
                                    

Kabanata 13: Promised

I already lost her once, so I made a promise to grip her tighter when she came back, but now that I already have her again, she wants to loose the grip. I didn’t wait this long to give up on her just like that. But… she was begging for freedom now.

I looked up above the dark sky, there was no stars and I could barely see the moon hiding behind the looming clouds. The dark sky started to flicker lights before the roars of thunder.

Pinahid ko ang luha sa aking mukha at nang mangawit ay binalin ko ang tingin ko sa malawak na dagat sa harapan ko. Umihip ang tumatagos na lamig ng hangin sa mukha ko. Hindi na makita ng nanlalabo kong mata ang abot-tanaw na guhit na nagdudugtong sa langit at dagat.

Is this another goodbye?

Muli kong tinungga ang pangatlong alak na dala ko. Sa pagguhit ng init sa aking lalamunan ay ang pagguhit din ng mga malabong alaala ng nakaraan. Ang unang pagpapaalam na ginawa namin.

I could still remember… It was our high school graduation.

“Judeus?” Napapikit ako at natigilan sa mahinang paglalakad nang marinig ang boses ni Mommy sa likod ko. “Saan mo na namang balak pumunta?”

Nakangiwing humarap ako sa kanya. “Kina Aara po,” sagot ko. Ipinakita ko sa kanya ang hawak kong regalo. “Nakalimutan ko pong ibigay sa kanya ang regalo ko.”

“Gabi na. Hindi ba pwedeng ipagpaliban mo na muna ‘yan? Magkikita pa rin naman kayo bukas, hindi ba?”

Hindi ko alam kung bakit pero natigilan ako sa mga huling salitang sinabi niya. Magkikita pa kami bukas. Bakit hindi? Nasa iisang mundo lang naman kami… Nasa iisang subdivision.

“Mom… Please,” kumamot ako sa batok ko. “Wala kang regalo sa akin ngayon.” Kumunot ang noo niya dahil sa sinabi ko. “Graduation ko ngayon, Mom. Ito na lang regalo mo… Please.” Kumurap-kurap pa ako para magpa-cute.

Napatingin ako kay Daddy na kalalabas lang ng kwarto.

“Dad!” tawag ko sa kanya. Napatingin naman sa akin si Daddy. “Pupunta ako kina Aara. Ayaw akong payagan ni Mommy. Girlfriend ko naman ang pupuntahan ko eh.”

Tumawa si Daddy bago lumapit kay Mommy na nakataas na ang kilay. Umakbat ito kay Mommy na mabilis namang hinawi niya.

“Leinne. Hayaan mo na ang anak mo. Para namang hindi mo dinanas ang ganito.” Napangisi ako sa sinabi ni Daddy at naghihintay na lang ng pagsang-ayon. “Remember? Tumakas tayo nung graduation mo para mag-date?”

Sinapak ni Mommy si Daddy na tumawa lang. Tumango naman sa akin si Dad kaya ngumiti ako at mabilis na kumaripas ng takbo. Naabutan ko si Aling Soreng na papasok na ng gate.

“Gabi na, ah? Saan ka pa pupunta?”

“Sa tabi lang po. Sige, babye!”

Hingal na hingal ako nang marating ko ang bahay nila Aara. Hinabol ko muna ang kinulang kong hininga bago pinindot ang doorbell nang apat na beses. Parang code namin ‘yon ni Aara at kapag narinig naman ‘yon ay alam na namin.

Bumukas ang pinto at gaya ng inaasahan ko ay si Aara ang lumabas. Nakaputing dress pa rin siya na suot niya rin kanina sa graduation ceremony. Pagkabukas niya ng gate ay mabilis na yumakap siya sa akin at humagulgol.

“J-Jude…” tawag niya na animo’y humihingi ng tulong.

Hindi ako nakapagsalita sa sobrang gulat hanggang sa pinakawalan na niya ako sa pagkakayakap. Nakangiting pinunasan niya ang luha sa kanyang mga mata.

“M-May cancer ka?” kinakabahang tanong ko.

“Multo na lang ako, Jude…” Mahina siyang tumawa bago sinapak ang dibdib ko. “Gago ka talaga.” Napatingin siya sa dala kong regalo.

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon