Kabanata 8

78.7K 3.2K 1.1K
                                    

Kabanata 8: Life

"Then... Mix it," Irene mumbled.

Pinanuod ko siyang paghaluhaluin ang mga sangkap na hinanda niya para sa pag-bake ng cookies. Napatingin ako sa maputi niyang kamay. Masyadong mahinhin ang paggalaw ng mga iyon.

"Why cookies?" I asked. "I mean... Out of all... You know?" I couldn't help but to be curious too about that.

Sumandal ako sa lababo at nakaharap sa kanya. Kinuha ko ang panyo sa bulsa ko at inabot 'yon sa kanya. Medyo pawis na kasi siya.

Huminto siya sa paghalo para punasan ang kanyang noo. I watched her while waiting for the response.

"Why not? I love cookies and I think... so as you, right?"

I shook my head. "I'm not into cookies honestly."

Mabilis na naglaho ang ngiti sa kanyang labi at natigilan siya sa sinabi ko. Napatikhim naman ako. Mukhang may iba na namang ideya ang pumasok sa kanya.

"But I think..." I gulped. "I'm starting to like it." I grinned, tensed.

"It's okay, Jude. Hindi mo naman kailangang tanggapin lahat ng inaalok sa 'yo."

Pinagpatuloy niya ang paghalo sa bowl. Kumunot ang noo ko nang mapansin na naging mabigat ang paghalo niya roon. Mukhang nabago ko ang mood niya.

"But anything that comes from you..." I gasped for air. "I like it. Everything about you, Irene."

She looked at me. Napangiti ako nang makitang ngumiti na rin siya. She is already an angel with her usual face but damn even more than that when she smiles. She could light up moods when she does that... I am included, I won't deny it.

"Paki-abot na lang 'yung tray," turo niya sa likod ko.

Ibinigay ko 'yon sa kanya.

Napatingin ako kay Aara na kakapasok lang ng kusina. Hindi niya kami nilingon. Dumiretso siya sa ref at kumuha ng tubig do'n at uminom.

Matapos niyang uminom ay mabilis na umalis din siya. Natulala na lang ako sa bungad ng kusina kung saan siya lumabas.

"8 to 10 minutes..."

Napatingin akong muli kay Irene na nag-aalis na ng apron. Nanatili ang ngiti sa kanyang labi. Wala sa sariling napangiti na lang din ako.

I hope you will have the same smile when you are no longer with me or even when you are already with someone else.

"Coffee?" Irene offered.

I nodded my head. Inabot niya sa akin ang kapeng itinimpla niya bago siya umupo. Nanatili akong nakasandal sa lababo at nakatingin sa kanya.

She gently took a sip from her coffee.

"Wait... May kukunin lang ako ah?" Pagpapaalam ko. "Sandali lang. Ipaghanda mo na ako ah?" Nginuso ko ang mga nasa oven.

She chuckled with her head nodding gently.

Ipinatong ko sa lababo ang tasa ng kape bago lumabas. Sa halip na sa kwarto ang bagsak ko ay dumiretso ako sa likod ng bahay namin.

Naabutan kong nakaupo sa bench si Aara, hawak ang kanyang sketch pad. Nakayuko ito kaya hindi niya ako napansin. Seryoso ito sa kanyang ginagawa.

I couldn't help but to stare at her. Inayos niya ang kumawalang buhok sa kanyang tainga. I took my phone out of my pocket. Kinunan ko siya ng picture.

I kept my phone again before I approached her. Mabilis na umangat ang tingin niya nang maramdaman ang presensya ko.

"H-Hey..." She greeted me, tensed.

EscapedWhere stories live. Discover now