Kabanata 25

65.3K 2.2K 1K
                                    

Kabanata 25: Digged

Hindi na ako pinansin ni Aara hanggang sa makabalik kami sa bahay. Sinalubong kami ni Irene na halatang kanina pang naghihintay. Huminto ako sa harapan niya habang nagpatuloy naman si Aara sa pagpasok sa kwarto.

“I’m sorry, Jude…” Irene mumbled.

I looked at her. Bakas pa rin ang pag-iyak sa kanyang mga mata.

“You okay? Mukha kang puyat…” Puna ko nang makita ang inaantok niyang mata. “I don’t care what’s happening right now… Please, take care of yourself.”

“I-It’s nothing…” She shook her head. “Teka… Ikukuha lang kita ng kumot saka unan,” sabi niya bago pumasok sa kanyang kwarto. Dumiretso ako sa malawak na couch at umupo roon.

Napatitig ako sa pinto ng kwarto ni Aara. I should have not said that, I know. Nadala ako sa mga nanyari. Hindi ko alam kung ano ang gagawin ko o kung ano ang maaaring solusyon dito. But when I saw how her face suddenly turned helpless, I realized that I can’t… I can’t leave her here.

Marami na siyang naisakripisyo sa laban na ito. I promised to myself that I won’t make mistake this time but I almost did… Damn it.

“Jude?” Umangat ang tingin ko kay Irene na mukhang kanina pa nakatayo sa harapan ko. “Ito ang gamitin mo…” Inabot niya sa akin ang isang kumot at unan.

Tumango ako sa kanya bago inayos ‘yon sa couch. Ramdam ko ang mga nakasunod na tingin sa akin ni Irene kaya nakaramdam ako ng pagkailang.

“A-Alam na ba nina Mommy ang nangyari?” bigla niyang tanong.

Umiling ako nang hindi tumitingin sa kanya. Itinuon ko ang atensyon sa pag-aayos sa hihigaan ko. “Sina Mommy lang ang may alam. Hindi rin sinabi ni Daddy na naglayas ka,” bahagyang pumait ang boses ko.

Tumingin ako sa kanya.

“Salamat…”

I nodded my head again. “Matulog ka na,” sabi ko.

Tumango siya. “Good night, little brother…” she whispered.

Pumasok na siya sa kwarto niya at ako naman ay humiga na sa couch. Kumportable naman ako at hindi naman ako malikot matulog kaya hindi ako mahuhulog. Tumagilid ako.

Wala akong ibang marinig kung hindi ang ihip ng hangin sa labas, ang lagaslas ng mga puno at ang bahagyang pagtagos ng lamig sa loob ng kumot. I closed my eyes.

Lumipas ang isang oras ay nakapikit lang ako. Kahit na pagod ako ay hindi ako dinadalaw ng antok. Sinubukan ko ulit na matulog pero kahit na anong gawin ko ay hindi ako makatulog.

Bumangon ako nang makaramdam ng pagkauhaw. Pumasok ako sa kusina at kumuha ng tubig sa ref. Nagsalin ako sa baso at diretsong nilagok ito. Napatingin ako sa bintana, tinatangay ng hangin ang kulay puting kurtina nito.

Mabilis na ibinalik ko ang lalagyan ng tubig sa ref at isinara ang bintana. Bahagyang tumaas ang tensyon sa dibdib ko. Bigla kong naalala ang nangyari sa kwarto ni Irene, ‘yong lalaking pumasok.

“Jude?”

“Fuck!” Napatingin ako kay Aara na nakatayo sa bukana ng kusina. Madiin akong napapikit at kinalma ang sarili ko. Parang sasabog ang dibdib ko sa kaba.

“Ala una na, ah? Ba’t hindi ka pa natutulog?” tanong niya.

Bahagya akong natawa. “Am I talking to a ghost right now?” Nanunuya kong tanong. Dumiretso siya sa ref at nagsalin din ng tubig sa baso. “Bakit gising ka pa?” tanong ko.

EscapedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon