XVI - Ang Desiyon . . .

3.6K 186 9
                                    

Thorne's

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

Thorne's

" Hindi ko gagawin ang pinapagawa nyo! " napatayo na ako sa aking kinauupuan dahil sa mga suhestyon nila. " S'ya ang aking vaiti kaya hindi ko papatayin ang sarili kong asawa o ipapatay sya! "

Lahat ng sinasabi nila ay patungo lahat sa pagpaslang sa aking vaiti kaya hindi ko magawang kumalma sa oras na ito.

" Ayon sa ating batas ay kailangan paslangin sila at kung sino mang lumabas sa batas ay maaaring-- " hindi na natapos ang sasabihin nya ng patalsikin ko sya mula sa pagkakaupo nya na tanging tingin lang ang iginawad ko.

Umupo akong muli sa kinauupuan ko matapos kong gawin iyon sa isang miyembro ng aking konseho.

" Hindi lang 'yan ang kaya kong gawin sa sinumang magtatangkang gumalaw sa aking vaiti " mahinahon kong sabi ngunit mababanaagan ang pagbabanta sa aking boses.

Hanggang ako ang Har ay gagawin ko ang lahat para maprotektahan ang aking asawa at wala silang magagawa dahil ako pa rin ang kanilang pinuno.

" Patuloy pa rin sila sa paglusob sa mga bayan kaya ang mga kababayan natin ay nangangamba na sa kanilang buhay. Sa oras na malaman ng ating nasasakupan ang pagpoprotekta mo ng tettares ay magiging dahilan iyon upang masira ang imahe ng pamilyang Kvasir at higit sa lahat, sila mismo ang hihiling na tanggalin ka bilang Har. Isasaalang-alang mo ba ang matagal mong pinag-iingatan pati ng pamilya mo dahil lang sa isang tettares? Maaari ka pang pumili ng ibang vaiti. Si Matilde, hindi ba't ikakasal na kayo sa isang buwan " saad ng pinakamatandang miyembro ng aking konseho.

Ang pamilya namin ay hinahangaan ng lahat at halos sambahan na kami ng aming nasasakupan. Daang taon rin na kaming namumuno sa mga Azula dahil pinagkakatiwalaan kami nilang lahat. Ang pamilya namin ay tinuturing nilang bayani at tagapagtanggol sa sinuman. Nahihirapan na rin ako sa sitwasyon ko kung ano ba ang dapat kong gawin. Mahal ko ang aking vaiti ngunit hindi ko naman kayang sirain ang pangalan ng aking pamilya.

" Saka hindi mo tunay na vaiti ang pinoprotektahan mo Har Kvasir. Isa syang impostor kaya may gawin man sa kanyang hindi maganda ay walang malalabag na batas sa pagitan ng kasunduan. " saad pa ng isa.

Napayukom ako ng aking palad sa narinig ko. Iyon na lang ang tanging napanghahawakan ko na mabigat na dahilan para hindi sya paslangin ngunit nalaman na rin pala nila ang totoo.

" S'ya ang aking vaiti at walang magbabago doon " sagot ko at sumandal sa aking kinauupuan. " Inuulit ko na sa oras na tangkain nyo na galawin ang aking vaiti, hindi ako magdadalawang isip na patayin kayo pati na rin ang angkan nyo. Kaya maaari na kayong lumabas " utos ko sa kanila saka ko pinikit ang aking mata.

Narinig ko ang paglabas nilang lahat kaya napahilamos ako sa aking mukha at idinukdok ko ang aking ulo sa lamesa.

" Walang duda na mahal na mahal mo nga sya " napatingin ako sa nag-iisang natira, si Kais.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon