VIII - Pagdaraos ng . . .

4K 207 13
                                    

Napapamangha ako sa aking mga nakikita

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.


Napapamangha ako sa aking mga nakikita. Nakakasilaw ang mga suot nilang kasuotan na puno ng kumikinang na palamuti at mga alahas na kumikintab kapag natatamaan ng ilaw. Ganito ba ang kasiyahan ng mga mayayaman?

" Kuya Alifer, bakit ka nakanganga d'yan? " napatikom ako ng aking bibig bago tumingin kay Stone.

" Hindi ako nakanganga " sagot ko. " Nasaan na ba ang Kuya Thorne mo? Sinama-sama tayo dito, iiwan naman pala tayo " hanap ko sa aking asawa sa mga bisita.

" Pupuntahan ko sya " sabi ni Stone saka umalis. Iniwan naman akong mag-isa dito.

Pagkatungo kasi namin dito ay agad s'yang nagpaalam sa amin upang tumungo daw kay Kais, ang may kaarawan ngayon. Kalahating oras na syang hindi nagpapakita sa amin. Nakakailang pa naman ang mga tingin sa akin dito na tila hinuhusgahan ang buong pagkatao ko. Kung nakakamatay lang ang pagtitig nila baka pinaglalamayan na ako.

" Nakakapagtaka na dumalo sa ganitong pagtitipon " napatingin ako sa babaeng may kulay pulang hapit na mahabang kasuotan.

Pamilyar ang mukha nya sa akin. Nakita ko na sya.

" Baka naman may binabalak kang hindi gawin upang mapahiya ang Har " sabat pa ng isang babae na nakakulay asul namang kasuotan.

Nakita ko na silang dalawa. Saan ba 'yon?

" Quinn. Elsie " may tumawag sa kanilang dalawa kaya napalingon ako doon.

May nakita akong isang babae na hindi katandaan ang itsura pati na rin ang lalaking kasama nito.

Hindi ako nagkakamali dahil sila ang pamilya ni Master Aliferous. Totoo nga na sa itsura nila ay mababanaagan na ang karangyaan ng kanilang pamumuhay. Hindi nagpapatalo ang mga alahas nilang suot sa iba pang bisita. Ang tanging ama lang ni Master Aliferous ang may pinakasimpleng kasuotan.

" Mabuti naman naisipan mong dumalo sa ganitong kasiyahan, Aliferous " saad ng ina ni Aliferous. Mataray ang pananalita nya at ang tingin nya sa akin ay walang pinagkaiba sa tingin ng ibang bisita dito sa loob.

Pakiramdam ko hindi ko pamilya ang nasa harap ko. Ganito ba ang nararamdaman ni Master Aliferous kapag kaharap ang mga magulang nya. Pinagpapawisan ako at kinakabahan na hindi ko naman dapat maramdaman sa kadugo ko.

" Elisabeth, hindi ba maganda kung kamustahin muna natin s'ya. " singit sa usapan ng ama ni Aliferous bago tumingin sa akin. " Kamusta ka na Alifer? Maganda ba ang pakikitungo sa'yo ng Har? " nababanaagan ang pag-aalala sa kanyang boses.

Iba pala ang ama nya sa ina't mga kapatid nya. Mukhang sya lang ang may pakialam sa akin.

" Maayos naman po ako. Wala naman pong problema sa pakikitungo sa akin ng Har " sagot ko.

" Kahit naman hindi maganda ang pakikitungo sa'yo ng Har ay hindi pa rin mababago na isa ka lang nyang alipin " ngisi ni Quinn, ang nakapulang kasuotan.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon