XV - Ang Bahagi . . .

3.5K 183 36
                                    

" Tatlo

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

" Tatlo. Ngayon Heather, sino ang pipiliin mo? Sagot! "

Hindi ko alam. Hindi ko alam dahil mahal ko silang lahat at ayaw kong may mapahamak ng dahil sa akin!


" Vaiti Alifer! Buksan mo ang pintong ito! "

Napatingin ako sa gawing pinto ng marinig ko ang boses ni Matilde. Tumingin ako kay Alifer na mukhang nagulat sa kanyang narinig.

" Tulungan mo ako! " sigaw ko ngunit naramdaman ko ang pag-angat ko sa sahig at paghampas sa pader.

Pagbagsak ko sa sahig ay wala na akong naramdamang nakapulupot na kadena sa katawan ko ngunit ang iindahin ko naman ay sakit sa katawan.

" Kuya Kais may nararamdaman akong tettares sa loob ng kwarto ni Vaiti Alifer "

" Tawagin mo si Har Thorne sa may silid pulungan. Bilisan mo! "

Sinabunutan ako ni Alifer upang makatingala sa kanya. Hindi ko sya makita ng maayos dahil na rin sa tumutulong dugo sa aking kanang mata.

" Itigil mo 'yan Raxer Alifer "

Napalingon si Alifer sa nanggagaling na boses. Kung hindi ako nagkakamali ay kay Ms. Iris ang boses na 'yon.

" Bakit ko naman ititigil ang ginagawa ko? Kung may oras ay pinaslang na ki-- " nahinto sya sa pagsasalita ng magsalitang muli si Ms. Iris.

" S'ya ang nawawala mong kapatid " saad ni Ms. Iris na hindi ko masyadong maintindihan. Ang malinaw ko lang na narinig ay kapatid.

Naramdaman ko ang pagbitaw ni Alifer sa aking buhok. Pinilit kong tumingin sa gawi nya upang makita ko ang pag-alis nya ngunit nagulat na lamang ako ng isang malakas na sampal ang iginawad nya kay Ms. Iris. Wala talaga syang puso. Pati ang malapit sa kanya na walang ibang gawin kung hindi sundin sya ay nagagawa pa rin nyang saktan.

" Alam kong minamadali ko kayo sa paghahanap sa kanya pero hindi ko hahayaan na gumawa kayo ng kwento para lang masabing nahanap nyo sya " inis na sabi ni Alifer.

" Patawarin nyo ako Raxer Alifer pero totoo ang sinasabi ko. " sagot ni Ms. Iris na sa tono pa nya ay mukhang sya ang may kasalanan sa kung ano mang pinapagawa ni Alifer sa kanya.

Bumaling ito sa akin ngunit sa pagkakataong ito, wala akong nakikitang galit sa kanyang mga matang lumuluha. Bakit? Naiiyak ba sya sa kagalakan dahil malapit na akong mamatay.

" Paanong... " humahakbang syang muli papalapit sa akin ngunit pinigilan sya ni Ms. Iris.

" Ipapaliwanag ko po sa inyo ngunit hindi dito. Babalikan na lamang natin sya " hila ni Ms. Iris sa kanya paalis sa aking kwarto.

Umalis na sila na sakto namang pagbukas ng aking pintuan. Kita ko ang mga yapak na patungo sa akin ngunit hindi na kaya pa ng aking katawan ang panghihinang nararamdaman ko. Kusa ng pumikit ang aking mata at lamunin ng dilim.

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon