Panimula

13.8K 321 15
                                    

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.



Hindi ko alam kung nasaan ako. Wala akong makitang palatandaan kung anong lugar ang kinaroroonan ko ngayon. Madilim ang paligid at tanging liwanag lang sa labas na tumatagos sa maliit na bintana ang aking ilaw. Pilit rin akong kumakawala sa mga kadenang nakagapos sa aking mga kamay. Ang paa ko rin ay may kadena na may mabigat sa dulo kaya hindi ko mahila.

Ang tanging naalala ko lang ay mag-isa lang ako sa aming bahay dahil ang tatlong kapatid na maliliit ay tumungo sa kagubatan upang kumuha ng mga kahoy. Maghahanda na sana ako ng pagkain ng may pumasok sa aming tahanan na mga nakaitim at may tinakip sila sa aking ilong na syang nagpaantok sa akin. Paggising ko ay nasa ganito na akong kalalagayan.

" T-tulong! " sigaw ko kahit nahihirapan akong magsalita dulot ng  may nakakabit sa aking leeg na hindi ko alam kung ano.

May narinig naman akong kaluskos mula sa labas na tila binubuksan ang pintuan. Ilang sandali lang ay bumukas ang pinto at pumasok ang dalawang nilalang na hindi ko makita ang mukha dahil na rin nakatalikod sila sa ilaw. Pumasok ito sa loob at muling isinara ang pinto.

" A-anong gagawin nyo sa akin? " tanong ko sa mga pumasok.

Bigla na lamang nagkaroon ng ilaw sa loob sa pamamagitan ng pag-apoy ng mga tulos na nasa pader. Medyo napapikit ako sa nangyari pero agad rin akong nagdilat at bumungad sa akin ang isang lalaki na halos ka-edad ko lang at isang babae na mas matangkad sa kanya na may mataray na mukha.

" Sya na ba? " tanong ng lalaki sa babaeng nasa gilidan nya na hindi inaalis ang tingin sa akin.

" Opo master " sagot ng babae.

Lumapit sya sa akin habang nakahalukipkip. Nakatingin sya sa akin na parang inuusisa ang buong pagkatao ko. Hinawakan nya rin ang panga ko na ang diin-diin kaya napangiwi ako sa ginawa nya. Pinatingin nya ako sa magkabilang gilid at sa harap nya.

" Ikaw pala ang gaganap bilang ako " sabi nya na may nakakatakot na ngiting ibinato sa akin.

Mas lalo akong kinilabutan sa paraan ng pagngiti nya. Nakakatakot! Mas natakot ako sa kanya kaysa sa kalalagayan ko ngayon. Ang bata pa nya tingnan ngunit 'tila ang mga tumatakbo sa kanyang isipan ay hindi akma sa kanya. Sino ba sya?

" P-pakawalan nyo ako " sabi ko ngunit isang sampal lang ang aking natanggap sa kaharap ko.

Nalasahan ko ang sarili kong dugo sa loob ng bibig ko. Gusto ko mang gamitin ang kakayahang meron ako ay hindi ko magawa dahil may humaharang na ibang kapangyarihan sa akin.

" Ayaw ko na 'yang naririnig mula sa'yo dahil pagmamay-ari na kita. Binili kita sa iyong amain na sugalero sa napakamurang halaga. " halata ang pang-iinsulto nya sa akin. " Kaya simula ngayon ay gagawin mo ang dapat mong gawin bilang ako " nakakapanindig balahibo nyang saad.

" A-anong ibig mong sabihin? " tanong ko.

Tumalikod sya sa akin at may sinenyas sa babaeng kasamahan nya na lumapit naman sa akin at tinanggal ang pagkakadena sa mga kamay at paa ko. Ngunit dahil na rin sa panghihina ay hindi ako makatayo.

" Ikaw, Heather Atlas " napatingin ako sa lalaki na taimtim na nakatingin sa akin.

Bakit nya ba ginagawa ang bagay na ito? Bakit nya ako binili? Ano ba ang plano nya sa isang tulad ko? Isa lang akong mababang uri at galing pa sa dukhang pamilya. Walang espesyal sa akin dahil ang kapangyarihan kong taglay ay napakahina.

" Magiging ikaw ay ako kaya dapat magpasalamat ka sa akin dahil gaganda ang buhay mo " muli kong nasilayan ang nakakatakot nyang ngiti.

Sa paraan ng pagsalita nya ay nababakas na galing sya sa isang marangyang pamilya. Hindi ko sya maintindihan kung paano magiging ako siya. Hindi ko rin sya kilala.

" Sino ka ba? " tanong ko sa kanya.

Lumapit sya sa akin at umupo upang mapantayan nya ang tingin ko. Sinabunutan nya ang aking buhok kaya napahawak ako sa braso nya at pilit na kumakawala dahil pakiramdam ko ay makakalbo ako sa ginagawa nya.

" Galangin mo akong hampaslupa ka! " sabi nya sabay hagis nya sa akin sa sahig. Hindi pa tapos ang kanyang ginawa dahil inapakan pa nya ang aking likod.

" Sasagutin ko ang tanong mo kung sino ako " sabay diin nya sa likudan ko kaya napapasigaw ako sa sakit. Sariwa pa rin kasi ang sugat na dulot ng paghampas sa akin ng aking amain ng hindi ako makapagbigay ng perang pambili nya ng alak.

" Ako lang naman ang asawa ng Har ng ating lahi ngunit ikaw ang gagampan sa pagiging asawa ko sa kanya " narinig ko sabi nya bago tuluyan ng mawalan ng malay.



-------------------------------------------------------------

Ano sa tingin nyo ang panimula ko?

Vote naman kayo at syempre comment na rin para masaya :)

Salamat :)

-junjouheart -

Call Me By My NameTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon